Rhian Ramos on Sarah Lahbati-GMA Artist Center controversy: "Everyone got a little too angry and a little too emotional."

Sa unos na pinagdaanan ni Rhian Ramos, hindi pa nakatulong noon ang boyfriend niyang si KC Montero. Paliwanag niya: “Yung priority ko muna bago magkaroon ng relationship is to heal myself. So, I had to do it myself. It took a while, pero yung nagpabilis ng proseso, yung talagang umalis ako.”


Nagsisimula sa karakter ni Rhian Ramos bilang si Diwata Magayon ang kuwento ng Indio, ang bagong epic fantaserye ng GMA-7.

Sa special screening na ginanap noong January 9 sa Cinema 5 ng SM Megamall, makikita si Rhian bilang Diwata Magayon na tagapag-protekta ni Indio na ginagampanan naman ni Senator Bong Revilla Jr.

Sabi nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian, ang laki ng partisipasyon niya sa pilot episode pa lamang ng Indio.

Kumpirma niya, “Ano lang... kasi yung karakter ko ang makaka-witness ng buong story.

“The writer [Suzette Doctolero] thought that it would be a good idea na simulan siya na nina-narrate ko.

“Pero throughout the show naman, some episodes, there’s me; some episodes, less.”



EVER PRESENT. Masuwerte si Rhian dahil ang karakter na napunta sa kanya ay ang karakter na tila nandoon hanggang sa matapos ang Indio.

Yung iba, halos sa pilot pa lamang ay mamamatay na at tuluyan nang mawawala.

“Hindi kasi tumatanda ang karakter ko kaya nandoon lang siya the whole time,” paliwanag niya.

Bilang diwata, isa si Rhian sa tatlong magiging leading ladies ni Indio, bukod pa kina Jennylyn Mercado at Maxene Magalona.

Ayon kay Rhian, “Kaka-stalker mode ko sa kanya, bilang palagi ko siyang sinusundan, makikita ko ang magaganda niyang qualities.”

Ngayon na lang ulit mapapanood sa isang teleserye si Rhian mula noong nagbida niya sa Ilumina noong 2010. Katambal niya si Aljur Abrenica sa nasabing serye.

Pag-alala niya, “Matagal na akong wala sa TV as an actress, naghu-host lang ako.

“Pero feeling ko, this is the perfect soap to come back. Kasi, I’m not sure... honestly, I’m not sure kung kaya kong magbida agad.

“Kasi, parang feeling ko, sobrang feeling ko, nagsimula ako ulit.

“May time dati na kapag napapanood ko ang sarili ko, nawala na yung kilig, nawala na yung tuwa... nasanay na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, okay, trabaho ko ‘yan. Kapag nakita ko ang sarili ko sa TV, okay.

"Pero ngayon, bumalik, e. Kinikilabutan ulit ako,” nakangiti niyang sabi.



KILIG. Kailan niya nasabi sa sarili na bumalik na yung sinasabi niyang kilig kapag napapanood ang sarili?

“Noong nag-start ulit akong magtrabaho.

"Noong napanood ko yung Kontrabida Girl at Sosy Problems. Feeling ko, nag-first movie ako ulit…

"Billboard din. Noong makakita ulit ako ng billboard na nandoon ako, parang hindi ako makapaniwala na nandoon ako.

“So, ayun, parang feeling ko, gusto kong mag-start ulit ng ganoon.”

Dugtong pa niya, “Hindi naman puwedeng magbida ulit kapag first time, di ba?

“So, parang yun ang feeling ko, parang perfect time to come back.

“Show ni Senator Bong tapos ganito pa kaganda—at grabe ang support!”

Natatawa pang kuwento ni Rhian, “Napansin ninyo ba, iniiwasan nila ang tiyan ko bilang wala pa akong abs?

“So, na-touch naman ako na grabe ang support ng lahat ng tao sa show… Ang galing-galing ng director namin [Dondon Santos.”

Ngayon daw, mas iba na ang perspective ni Rhian pagdating sa trabaho kumpara noong bago pa dumating ang ilang “unos” sa kanya.

Sabi nga niya, “Parang I feel like I’m more hungry for it now.

“I make more efforts in terms of my work—mas concerned na ko sa performance na binibigay ko.

“Mas concerned na ako sa isinusuot ko kung maganda, mas concerned na ako sa katawan ko.

“I started working out, which I never did before.”



PRIORITY. Mabilis na sinagot ni Rhian ang tanong kung ano ang mas prayoridad niya sa ngayon—career o lovelife.

“Career,” mabilis niyang sagot.

“Alam naman ng lahat yun at walang nagtatampo, okay lang.

“We’re on the same stage. Alam niya [KC Montero] rin na career ang priority ko.”

Sa nakikita niya sa sarili, matatawag ba niyang blessing in disguise ngayon ang masalimuot na kabanata ng buhay niya noon kay Mo Twister?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know,” tugon ni Rhian.

“I have the knack for turning things into something positive… I wouldn’t say it’s a blessing.

“I wouldn’t say that pero I can turn something negative into something positive.”

Masasabi ba niyang nabura na sa kanya lahat ng hindi magandang nangyari noon?

“Yes, I can say yes,” natatawang sabi niya.

Ang boyfriend ni Rhian ngayong si KC Montero, nakatulong ba sa kanya noong panahon na iyon para mabura ang hindi magandang nangyari?

“Well, actually, no,” sabi niya.

“Really, I had… parang yung priority ko muna bago magkaroon ng relationship is to heal myself.

“So, I had to do it myself.

“It took a while, pero yung nagpabilis ng proseso, yung talagang umalis ako.

“I spent time with my family. You know, they helped me.

“I spent time with the people that I love na mahal din ako. That’s why, parang mabilis.

“I went from so broken-hearted to now, I’m happy and I think I’m strong, smarter.”



REVENGE. Sa kabila ng pagiging okay na niya ngayon, paano kung buweltahan siya ulit?

Nangiti ito at sabay sabing, “Actually, ano… sa totoo lang, hindi naman siya tumigil.

“I think, yung tao ang tumigil. Hindi na lang sila nakinig na.

"Pero hindi naman siya tumigil talking about me or anything.

“So, I don’t think buweltahan ako ulit is a concern.”

Paano kung isa sa mga araw na ito, magkita sila? Okay lang kaya sa kanya?

“Well, no…would you be okay?

“Pero, di ba, what do you think is a normal person’s reaction?

"That’s my reaction because I’m just like anyone else."

Ano nga kaya ang magiging reaksiyon niya kung sakali?

“Honestly, never kong napag-isipan. I don’t think he’ll come back naman.

“Kasi, why pa? Ako, okay naman ako dito and mukhang okay naman siya doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon ba itong nakipag-communicate sa kanya?

“No. I changed all my numbers, I blocked all my accounts.

“And if ever na napag-uusapan niya ako, I just don’t respond.

“At sobrang konti na lang ang mga taong nagsasabi sa akin na, ‘Uy, napag-usapan ka ulit.’

"So, parang hindi rin umaabot sa akin."



EXCLUSIVE. Sila ni KC, anong level na nga ba ang relasyon nila, gaano na ito kaseryoso?

“We’re definitely exclusive for the both of us. He’s just so supportive.

“He was there kanina. Hinatid nga niya ako rito. He’s just so supportive.

“He’s the type of person that I need for the stage I’m in…

“Because parang kung gaano ko pina-prioritize ang trabaho ko, pina-prioritize niya rin ang trabaho ko.

“He’s exactly what I need right now.”

SARAH LAHBATI ISSUE. Napag-alaman namin kay Rhian na wala na pala siya ngayon sa GMA Artist Center. Ang nagma-manage sa career niya sa kasalukuyan ay ang Primeline na pinamamahalaan ng kanyang tiyuhin na si Ronnie Henares.

Sabi niya, “Actually, ngayon nga, hindi pa nga ako pumipirma sa Artist Center.

“Yung management ko ngayon, yung Primeline, yung kay Tito Ronnie ko.

“Wala ako sa ICONS, wala ako sa Artist Center, pero may project ako.

"So, wala akong nakikitang ganoong isyu.”

Kinunan din ng PEP ng pahayag si Rhian tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Sarah Lahbati. Magkasama ang dalawa sa Indio, kunsaan pareho silang gumaganap bilang mga diwata.

Close ba silang dalawa na nagkasama rin naman sa GMA Artist Center?

“Not really, nagkikita lang kami sa GMA.

“Pero anything na nasa labas ng work, hindi kami nakakapag-usap o nakakapag-hang out.”

Ano ang nararamdaman niya sa isyu nina Sarah at ng Artist Center?

“I just think na hindi kinailangan na maging ganito kalaki and it’s really badly handled.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t think the problem was supposed to be this big.

“Pero, with the people involved, everyone got a little too angry and a little too emotional.

“But I have high hopes that it would be okay in the future.

“I’m getting tired of reading about it and you know, people close to me have been very affected by the issue.

“And I don’t like that and I’m very irritated about it. I just think that it doesn’t have to be that way.

“Puwede namang we can all just talk about it calmly. We didn’t have to… hindi kailangan siraan ito… iyan.

“No one has to say bad things about anyone.”

Nagkataon din na pareho sila ng handler sa Artist Center ni Sarah—si Michael Uycoco na “wala” na ngayon sa GMAAC.

Ayon kay Rhian, “Yeah, we have the same handler. So, I absorbed him. He’s my personal handler now.

“Actually, I’m happy for him na nabawasan ang workload niya.

“I can’t really say it’s a blessing in disguise again.

“I don’t know, it was a bad thing that happened. I don’t like the way anyone handled it.

“Hopefully, we can all be grown-up soon.”

Diretsahan tuloy naming naitanong kay Rhian kung dahil sa pangyayari at malapit nga sa kanya ang pareho nilang handler, may naramdaman din siyang sama ng loob kay Sarah.

Tugon niya, “I can’t say naman na masama ang loob ko sa kanya.

"It’s really up to her. I can’t control anyone’s decision except my own.

“But she’s 19, you can’t expect everything to be flawlessly handled, you know.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN