Xian Lim on giving support to Kim Chiu: “I’m always here for her as a friend. I’ll always give her an open ear and a lending hand.”

Xian Lim on his closeness to Kim Chiu: “I think, di ba, pag mas matagal naman talaga yung pinagsasamahan, mas nakikila mo sila? Mas lumalalim yung pagkakaibigan dahil sa malalim na pagkakilala n’yo.”


Buo ang suporta at handa raw alalayan ni Xian Lim ang kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu sa kinakaharap nitong mga isyu at intriga.

Gaya na lang daw ng isyung hinaharap ngayon ni Kim tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan ng best friend at co-star nitong si Maja Salvador at ng ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Sabi ni Xian, “I’m always here for her as a friend. I’ll always give her an open ear and a lending hand.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa presscon ng Book 2 ng ABS-CBN primetime teleseryeng Ina Kapatid Anak noong Enero 8 sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Ang naturang teleserye ay pinagbibidahan nina Kim, Maja, Xian, at Enchong Dee.


DEEPER FRIENDSHIP. Malaking bagay raw kay Xian na tuluy-tuloy lang ang pagtatambal nila ni Kim sa Ina Kapatid Anak. Una silang nagkasama sa My Binondo Girl.

Ikinatuwa nga ni Xian na mas humaba pa ang pagsasama nila ni Kim dahil sa pagkakaroon ng Book 2 ng kanilang teleserye.

“Siyempre we’re thankful. Sobra naming thankful na umabot sa ganito.

“We’re really happy, sobrang happy namin and thankful kami sa inyong lahat.

“At sana suportahan n’yo ang pagbubukas ng Book 2 namin sa January 14.”

Marami raw rebelasyong dapat abangan sa kanilang teleserye sa tinaguriang “Gabi ng Katotohanan” sa January 14.

Maging sa karakter niyang si Liam ay marami pa raw mangyayari.

Aniya, “Si Liam din naman, ipinaglalaban yung pag-ibig niya.

“So, yung January 14, malalaman n’yo kung matatanggap ba yung pagmamahal ni Liam, kung accepted ba yun within the family ni Margaux [Maja].

“And kung paano naman yung pagtingin ni Liam kay Celyn [Kim], kung paano mabubuo, kung ano ang mangyayari.

“Yun ang mga dapat abangan sa karakter ko.”

Mas lalo raw silang nagiging close ni Kim at lalong lumalalim ang kanilang pagkakaibigan habang tumatagal din ang pagsasama nila sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, di ba, pag mas matagal naman talaga yung pinagsasamahan, mas nakikila mo sila?

“Mas lumalalim yung pagkakaibigan dahil sa malalim na pagkakilala n’yo.”


SUBIC VACATION. Hilig ni Xian na sorpresahin si Kim.

Muli nga niyang ginulat ang ka-loveteam sa kanyang pagsunod sa Subic kung saan nagbakasyon ang young actress kasama ang pamilya nito pagkatapos ng Pasko.

Puno rin ng pasasalamat si Xian kay Kim dahil naging masaya siya sa naturang bakasyon.

Kuwento ng young actor, “Nakakatuwa. Thank you [kay Kim].

“Kami naman ng [family ko], wala naman kaming pupuntahan sa New Year.

“Masaya, siyempre masaya na nakasama ko si Kim noong Bagong Taon.

“Sana ma-invite pa niya ako sa mga susunod na parties.”

Ano ang pakiramdam na hindi lang siya kay Kim nagiging close kundi pati sa pamilya nito?

“Natutuwa ako kasi, di ba, tinatanggap nila ako?

“And siyempre, ito yung parang relax lang, kumportable lang ako na kasama sila because they accept me na parang nandiyan ako [as part of the family].”

Sa kabila nga ng pagiging close nila, hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin daw ang status ng relationship nila.

“We’re good friends,” maikling pahayag ni Xian.

Ibig sabihin ba nito walang malalim na kahulugan ang ginawa niyang pagsunod kay Kim sa Subic?

“I surprised her. Siyempre naman masaya pag may gumagawa ng ganun, di ba?

“And I’m really happy to do it for Kim,” sabi ni Xian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN