Enzo Pineda on Sarah Lahbati: “Sana maayos na kung anuman iyong conflict… Marami pa siyang puwedeng ma-achieve sa career sa showbiz and everything.”

Alam ni Enzo Pineda ang pinagdadaanan ng kaibigan at ka-batch niya sa StarStruck V na si Sarah Lahbati. Sabi ni Enzo tungkol kay Sarah, “Siguro, I can support through prayers na lang, as of now, di ba? That’s all we can do.”


Naging close at na-link dati si Enzo Pineda sa batchmate niya sa StarStruck V na si Sarah Lahbati.

Sa naturang artista search ng GMA-7 ay naging First Prince si Enzo, samantalang si Sarah naman ang itinanghal na Ultimate Female Survivor.

Ngayong sangkot ang young actress sa matinding usapin laban sa management ng GMA-7, hindi maiwasang matanong si Enzo tungkol dito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa thankgiving party para sa fans club niyang Enzopipps at ng EnLou, na tagasubaybay naman nila ng girlfriend niyang si Louise delos Reyes.

Ani Enzo, “I don’t really know the whole story, actually,

“Pero… parang ang gulo, e.

“Kasi ayoko namang makinig sa sinasabi ng ibang tao. Mahirap na yung ganoon, e.

“Ako, kung ano iyong pagkakakilala ko kay Sarah, I’ll leave it that way.

“Pero sana, maayos na kung anuman iyong conflict. Kasi sayang naman, e.

“Marami pa siyang puwedeng ma-achieve sa career sa showbiz and everything.

“So… sana ma-patch kung anuman iyong problemang meron.

“At saka… I don’t know. Siguro in time, we’ll see kung ano ang mangyayari.”



MORE RUMORS. May kumakalat pang ibang balita tungkol kay Sarah kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito, ngunit napakibit-balikat lang si Enzo nang tanungin tungkol dito.

Aniya, “Hindi naman ako nakikinig sa mga ganoon, e.

“Matagal nang hindi kami nagkakausap ni Sarah.

“Sa Party Pilipinas, busy kami sa rehearsals kaya wala ring time for us na magkakuwentuhan.

“Siguro sa ngayon na may pinagdadaanan siyang matinding pagsubok at problema, siguro, I can support through prayers na lang, as of now, di ba? That’s all we can do.

"Pero at the same time, sana ma-guide sila ni Lord sa tamang daan at mabantayan sila.

“Everyone involved, sana ma-guide ni Lord… at maayos ang lahat.”



ENZOPIPPS AND ENLOU. Ginanap ang thanksgiving party para sa fans ni Enzo sa function room ng Mang Inasal branch sa may Tomas Morato, Quezon City, last Sunday, January 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawa sila ni Louise delos Reyes na nakisaya sa mga tagahanga nilang naroon.

Present din ang mommy at daddy ni Enzo, pati ang kanyang lolo at lola na kadarating lang galing Amerika.

Sabi ng young actor, “Hindi po naman talaga kami loveteam ni Louise, pero maraming mga sumusubaybay sa amin.

"Happy ako na marami din palang fans ang EnLou.”

Siyempre, wish din daw ni Enzo na magkatambal sila sa isang malaking proyekto.

“If that will happen, matutuwa ako.

“Kasi we’ve worked together sa isang episode ng Maynila. And happy ako dahil it rated very well.

"Ibig sabihin, may chemistry din pala kami.

“Hindi ko ini-expect na ganito kadaming fans ang pupunta. Na-touched talaga kami ni Louise.

“Lalo ako, it made me realize na maraming tao pala ang napapasaya namin.

“And para sa akin, iyon ang main goal ng trabaho namin—to inspire and entertain a lot of people.

“Kaya happy ako na maraming nata-touch na mga tao.

“Sa three years ko na sa showbiz, I’ve been having fun doing my work.

“Tapos nandiyan iyong fans na hindi nagsasawang sumuporta.

“Hopefully, this year will get even better for me.”

Hindi raw alam ni Enzo na pupunta si Louise sa get-together na iyon ng fans club niya at maging ng supporters nilang dalawa.

“Sinorpresa niya ako. I’m happy na dumating siya," sabi niya.

UPCOMING PROJECTS. Excited naman si Enzo dahil ngayong January na ipalalabas ang ginawa niyang pelikula, ang The Basement, kung saan tampok din ang iba pang Kapuso stars.

“Actually, this is my second movie for GMA Films.

“And happy ako sa performance ko dito dahil nakita ko talaga iyong pag-grow ko bilang actor.

“Meron daw bagong show na niluluto ang GMA na kasama ako.

“Sana nga matuloy. Paghahandaan ko iyon,” panghuling nasabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN