Manny Pacquiao debunks rumor of Parkinson’s Disease

Ipinapasa-Diyos na lamang daw ni Manny Pacquiao ang lumabas na balitang may Parkinon’s Disease siya. Sabi ng Pambansang Kamao, “I’m not a…we have a judge, ‘no, sa taas, ang Panginoon, hayaan na lang ’yon. Ipagdasal ko na lang sila. Sabi nga dun sa Bible, pray for those who persecuted you.”


Naabutan ng GMA News ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquaio na buhos sa ensayo hanggang madaling-araw—hindi sa boxing ring kundi sa hardcourt.

Ayon sa ulat na lumabas sa Balitanghali ng GMA News TV Channel 11, ngayong araw, January 11, kagagaling lang ni Manny sa kanilang family vacation sa Israel at tumulak na rin ito papuntang General Santos City pagkatapos ng mahabang paglalaro ng basketball.



PACQUAIO-MARQUEZ 5? Kapag naglalaro ng basketball si Pacquaio ay senyales ito na nagsisimula na ito ng training para sa kanyang susunod na laban.

Ito kaya ay hudyat na matutuloy na ang laban nilang muli ni Juan Manuel Marquez?

Sabi ni Manny, regular routine lang daw ito para sa kanyang kalusugan.

“Para ma-maintain lang yung exercise natin, para makundisyon lagi ang katawan,” dagdag niya.



PARKINSON’S DISEASE. Pagkatapos ng laban ni Manny kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre ay kumalat ang balitang may maagang sintomas na raw ng Parkinson’s Disease ang kongresista.

Isang bihasang neurologist na nagngangalang Dr. Rustico Jimenez, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, ang nagsabing kinakitaan niya ng maagang sintomas ng Parkinson’s Disease si Manny.

Ang Parkinson’s Disease ay isang degenerative disorder sa central nervous system na karaniwang nagiging sakit daw ng mga boksingero.

Kabilang sa may ganitong uri ng sakit ay ang mga boxing legend na sina Muhammad Ali, Joe Frazier, Sugar Ray Robinson, at maging ang training coach ni Manny na si Freddie Roach.

Ang Hollywood actor na si Michael J. Fox ay may ganitong uri rin ng sakit.

Pero sa CT Scan na isinagawa ng University Medical Center sa Nevada ay binigyan naman daw ng “clean bill of health” ang Filipino pride.

Kahit hindi inamin ni Manny ay halata na nasaktan ito sa lumabas na balita.

Aniya, walang basehan ang mga nagkalat na diumano ay may Parkinson’s Disease na siya. Ipinapasa-Diyos na lang daw niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not a…we have a judge, ‘no, sa taas, ang Panginoon, hayaan na lang ’yon. Ipagdasal ko na lang sila.

“Sabi nga dun sa Bible, pray for those who persecuted you.”

Sumailalim na rin daw si Manny sa MRI (magnetic resonance imaging) examination upang makita nang mas detalyado ang brain structure nito.

Ayon sa resulta, maayos ang brain structure ng Pambansang Kamao.

Ayon pa sa doktor ni Manny, “The reader of the MRI, he said that he has never seen a brain so pristine.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN