Anne Curtis on Robin Padilla: “Siya lang yung lalaking-lalaki sa industriya natin ngayon."

Sa tingin daw ni Anne Curtis ay walang puwedeng itapat sa pagiging lalaking-lalaki ng co-star niyang si Robin Padilla: “True! O, sino sa inyo… mag-name. Sino? Sino? Sino? Siya lang talaga. Who is the next Robin Padilla? O, nanahimik kayo, ’no?”


“Birthday ni Erwan [Heussaff] ngayon,” pagtukoy ni Anne Curtis sa kanyang boyfriend of three years bago tuluyang umupo ang actress sa harap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kagabi, January 10, sa Lemuria restaurant sa Horseshoe Village, Quezon City.

Kagagaling lang din ni Anne sa kanilang family holiday vacation mula sa Chicago and New York, pero pagbalik ay salang na siya agad sa set ng Kailangan Ko’y Ikaw.

Ang Kailangan Ko’y Ikaw ay ang bagong primetime series ng ABS-CBN kunsaan kasama ni Anne sina Kris Aquino at Robin Padilla.

“Nakakatakot! In the beginning, nakaka-intimidate.

"Hindi ko alam kung, ‘Itotodo ko ba?’

"So, inaantay ko naman na bigyan nila ako ng permission,” pagtukoy ni Anne sa eksenang kailangan niyang sampalin si Kris.

Ginagampanan ni Kris ang papel bilang nakatatandang kapatid ni Anne.

“Nung una, hindi nga, e… ‘It’s okay, go!’ ganun lang si Ate [Kris].

"‘It’s okay, go.’ Pak! O, finished na.

“Actually, gano’n ako lagi. I wait for my co-star to… na bigyan ako ng permission.

"Kasi mahirap na baka sabihin… baka tinototoo or something.

“Baka may magsimula ng something, so I always make sure na may permission. Inaantay ko.”



HAPPY SET. Kumusta sila sa set ng kanilang serye?

“Masaya. It’s very relaxing sa set in spite of knowing who they are kasi matsika silang lahat.

"Matsika si Ate [Kris]... kung ano yung mga pagkain.

"And then Robin also makes an extra effort na tanungin kung okay ba kami, kung kumusta yung eksena. Mga gano’n.”

Nakunan na ang love scene nina Kris at Robin sa series; si Anne naman ay kukunan pa lang daw ang intimate scene nila ng action star.

Sabi ni Anne tungkol dito, “Grabe akong magpawis when I have an intimate scene.

"Kahit nga lumapit lang nang ganun... sobrang my nose gets pawis na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, lapotsina,” pabading niyang tawag sa sobrang pagpapawis daw niya.

“Pero alam mo yun, I’m excited at the same time to see how the chemistry turns out.

“Nakita ko na yung sa kanila ni Ate.”

Ayon sa mga nakapanood na ng intimate scene nina Kris at Robin, nagparaya lang daw ang una, walang arte, para maging makatotohanan ang kanilang eksena.

“Oo, dapat ganun daw, so ganun na rin ako!” natatawang sabi ni Anne.

“I’m looking forward to ours… our time,” biro niya sa kukunan pa lang na love scene with Robin.

Nakasama na raw ni Anne si Robin sa pelikulang Alab ng Lahi (2003), where she played one of the soldiers.

“One of the soldiers ako do’n, ’no! Ano ba? It wasn’t a quick rise to fame, ’no!” tawa niya ulit pag-explain sa media na hindi makapaniwala na nasa naturang pelikula siya.

“I have to accept all the roles that I can back in the days para makilala. O, it paid off!” tawa niya nang malakas.



HOW HOT IS ROBIN? Hot ba sa paningin niya si Robin Padilla?

“Oo naman,” walang gatol niyang sagot.

Dagdag pa ni Anne, “Siya lang yung lalaking-lalaki sa industriya natin ngayon—until now.”

May isang eksena raw sila ni Robin na hindi napigilang mangiti ng aktor kahit ang hinihingi ng eksena ay galit na expression.

“Sino ba naman ang hindi mangingiti pag ang kaharap mo ay isang Anne Curtis?” natatawang sagot daw ni Robin matapos siyang pagsabihan ng kanilang direktor.

Ano naman ang masasabi dito ni Anne?

Tugon ng aktres, “Nakakatuwa naman yun.

"Well, the thing with Robin Padilla, he’s always charming, di ba? With how he treats you, how he speaks about you.

“And then, yun talaga masasabi ko until this day—siya lang talaga yung lalaking-lalaki talaga sa industriya natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanahimik ang mga kaharap ni Anne na media na may halong gulat na baka ika-offend ng iba at napaisip din ng itatapat kay Robin.

“True! O, sino sa inyo… mag-name. Sino? Sino? Sino?” paulit-ulit niyang hamon sa mga kaharap.

“Siya lang talaga. Who is the next Robin Padilla? O, nanahimik kayo, ’no?”

Nabanggit ang pamangkin ni Robin na si Daniel Padilla.

“Ano? Oo, pero hindi pa. Wala pa.

"Parang wala pang puwedeng tumapak sa throne niya. That’s what’s amazing. Parang…”

Ang karamihan daw kasi ng aktor ngayon ay hindi kasing-brusko ni Robin.

“Or metrosexual to be safe.

"I guess it comes with the times also. Nag-iba na yung…

"Pero siya talaga yung brusko. Yung… and also how he treats women. Yung gentleman…”

Mas lapitin ba siya sa brusko or good guys?

“Oo,” pagtukoy ni Anne sa huli.

Was there a time that she dated someone rough and rugged?

“Before, oo. Si Oyo Boy [Sotto] back when he was rough and rugged. Pero no’n kalbo…

“Minsan yung good boys ko, may naughtiness din naman sila,” natatawa niyang kuwento.



ERWAN HEUSSAFF? Ang boyfriend ba niyang si Erwann Heussaff ay good boy?

“Well, he’s not the innocent na parang… oo, playful siya.

"He gets along with my weirdness. Hindi siya safe. Hindi siya 9-to-5 office man.”

Dahil mas bata si Erwann sa kanya, does that make her feel like a young cougar?

“By two years... I’d like to think you’re only as young as the guy you date!” halakhak niya ulit.



"BYE 2012!" “Wow” kung ilarawan ni Anne ang nakaraang 2012.

Kinukundisyon din daw niya ang sarili that 2013 will be an equally amazing year for her.

“It doesn’t have to top last year. Basta maging masaya. Yun lang naman yung important for me, e.

"Positive vibes. Dedmahin na ang mga ano… hindi na dapat pansinin pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati concert scene ay pinasok niya last year.

“Siguro pinu-pursue ko lang yung dreams ko. I hope that gave inspiration to others to pursue their dreams as well.

"So parang nagtayo ako ng bandila sa mga non-singers diyan.

“So, alam mo yun?

"I guess 2012 was and inspirational year. So feeling ko that’s what works for me."

Tingin sa kanya ng iba ay playful…

“When it comes to films, kelangan karerin mo yun.

"I mean, how will you win an award if hindi mo siya ka-career, di ba?

"That’s why finally binibigyan ako ng mga pelikula na may substance. Dati kasi hindi, e."

Dati hindi siya serious?

“Serious naman kasi ako ngayon.

"At least now, I have a say in role, I have a say in the script.

"Dati kasi parang… and I speak for all of us, mga artista, parang wala kang choice, kailangan mong gawin, di ba?

"Nasa kontrata mo mero’n kang dalawang pelikula… kailangan mong gawin.

“Pero ngayon, may say na ako.

"Kunwari Boss Vic [del Rosario], ’Ayaw kong gawin ‘yan, medyo nakakatanda.’

“Before Secret Affair was given to me, there’s a script na ayaw kong tanggapin kasi may anak. May anak, na anak talaga.

"Sabi ko, ‘Boss Vic, not for anything, but coming from No Other Woman, baka it’s a drastic ano… jump.

“’Baka puwedeng young, young muna. Tsaka na tayo mag-move on when I’m a little older. I-enjoy muna natin what we have now.’

"Pag nag-anak kasi, that means you’re ready for mother roles.

“Pinapakinggan na ako ni Boss Vic. Open na siya," pagmamalaki ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN