Saab Magalona on doing kontrabida roles: “I think as an actress, parang mas nagseseryoso ka at mas na-appreciate ko yung craft ko bilang artista with these roles.”

Tulad ng ibang magkakapatid, hindi maiwasang magkaroon ng awayan sa pagitan nina Saab at Maxene Magalona. Inamin ni Saab na nag-aaway rin sila ng nakatatandang kapatid na si Maxene. Aniya: “Never kaming nagpi-pisikal… Saka the only reason naman we fight it’s because we’re very protective with each other.”


Mula noong pumirma siya ng five-year contract sa Kapuso Network noong 2010, pawang puro kontrabida roles na ang ibinibigay kay Saab Magalona.

Kontrabida siya sa Kamandag, My Beloved, Koreana, Captain Barbell, at Hindi Ka Na Mag-iisa.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Forever noong Martes, Enero 8, na mabait na karakter naman ang gagampanan niya sa nasabing serye.

“Medyo sobrang ibang-iba siya,” kumpirma ni Saab.

“Kasi I really… when I first started GMA, I asked for a kontrabida role para maiba ako sa sister ko, para hindi naman kaagad na just like her.

“Parang she’s like apihin. Ako, gusto ko maging stronger one na masama.”

Si Saab ay nakababatang kapatid ni Maxene Magalona at ate naman ni Elmo Magalona.

Patuloy pa ni Saab, “So ngayon, binigyan ako ng chance to showcase my versatility.

“So, I find it very challenging also and rewarding.

“Kasi after kong magawa yung mga scenes ko, sinasabi noong director namin [Ricky Davao] na ang galing ko… so I’ll take it na parang grabe yung rewards.”



SERIOUS ACTRESS. Saan ba siya mas kumportable na role—sa kontrabida o underdog?

“I like playing kontrabida role. Sobra! Masaya siya.

“Siyempre, umaarte ka. Laging nasa mansion… ganyan.

“Pero I think as an actress, parang mas nagseseryoso ka at mas na-apreciate ko yung craft ko bilang artista with these roles.”

Saan siya mas nakaka-relate sa tunay na buhay—sa kontrabida o mabait na character?

“In real life… I think a little bit of both. Never naman akong nang-bully, pero hindi talaga ako magpapaapi.

“Kasi, I stand my ground and hindi puwede sa akin yung lalait-laitin ako.

“Kasi, di ba, may kasabihan na, no one will hurt you unless you let them?

“So, ako, kung may sasabihin sa aking masama, okay lang. Pero hindi ako papaapi.

“So, a little bit of both—strong personality but also not naman na push over.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STRONG PERSONALITIES. Pareho ba sila ni Maxene na palaban?

“Yes. That’s one thing na ipinapatuloy namin yung legacy ng dad ko na you can’t be apathetic…

“And kailangan mong maging active sa mundo natin na wala kang ginagawa.

“You really have to stand up and fight for what you believe in.”

Nagkaroon na ba siya ng karanasan na nakipag-away or nakipagtarayan sa totoong buhay?

“Naku, siguro grade school pa… nasampal ako noong grade school!” natatawa niyang rebelasyon.

Umpisa niyang kuwento, “Best friend ko siya noon, noong grade school kami.

“Nasampal niya ako pero hindi yung biglaan.

“She asked for my permission dahil galit na galit daw siya sa akin dahil yung crush niya, sa tingin niya, may crush sa akin.

“Pero wala talaga, wala talaga! Grade school lang kami, ‘no? Grade Five, I think."

Patuloy niya, “Medyo mabait ako noon, e. Sabi ko, ‘Whatever makes you happy, gawin mo na lahat. Ayoko lang masira yung friendship natin.’

“Sabi niya, ‘Puwede ba kitang sampalin?’

“Sabi ko, ‘Oo, sige.’ So, sinampal niya ako.

"And then I asked… kasi ang sakit ng sampal niya, e. So, sabi ko, ‘Okey ba if I also slap you?’

“Sabi niya, ‘O, sige.’ After noon, nag-hug kami.

“It was a very stupid, very grade school thing.

“Pero hindi na kami super close ’coz she already moved to the States.

“We’re Facebook friends pero we have our own separate lives. Pero that instance, I will never forget in my life.”



SCHOOL BULLIES. Saang punto siya naging mataray at naging matapang?

“Kasi noong grade school ako at high school ako, binu-bully talaga ako.

“Noong college ako, mas naging parang… because I’ve grown up, I’ve matured, so parang ang dami ko nang nababasa.

“So, I’m confident in what I know. When I know I’m right, I will fight for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga nila, puwede raw akong maging lawyer and tell people na, ‘No, you’re wrong.’

“Pero hindi naman ako nakikipag-away.”

Paano siya binu-bully noon?

“Yung mga pailalim na… actually, there’s this one girl na anak siya ng teacher.

“Talagang hinaharangan niya ako sa daan, hindi siya gagalaw.

“At saka yung friend niya… Grade Five lang ako noon… mga high schoolers sila. Hindi nila ako papadaanin.

"Tapos, noong high school ako, tinatawag akong makapal yung kilay.

“Tinawag akong mataba… hindi talaga ako nakikipag-away.

“Kasi parang… dyusko, ‘no, napaka-immature nila. So, ako… okay lang yun.

“And then, that’s when started my blog… meron kasi akong blog.

“Kasi wala talaga akong friends, inaaway ako ng mga tao… medyo introvert pa kasi ako noon.”



SIBLING QUARRELS. Nag-away na rin ba sila ni Maxene?

“Oo naman, sobra!” pag-amin niya.

“Kasi best friend kami. Siyempre, you always fight with your best friend… Ayun.

“Yung pinakamalala naming away, back in college when I had a boyfriend na hindi niya gusto.

“Hindi siya sang-ayon dahil parang naririnig niya na parang queer yung guy.

“Ayokong makinig sa kanya. E, nagalit siya sa akin. Ayun, sobra kaming nag-away.

“Pero after that, hindi na kami nag-away.”

Hindi ba sila nagkasakitan that time?

“Hindi, hindi. Oo, noong bata pa kami. Hinahampas ko siya ng hanger!” natawang pag-alala ni Saab.

“Saka nangangagat ako noon.

“Wala kaming away na nagkamurahan kami or nagasakitan kami.

“Kung nag-aaway kami, sigaw. Medyo napapataas yung boses.

"Pero never kaming nagmumurahan. Never kaming nagpi-pisikal.

"Pag nake-carried away lang, yun, napapalakas ang boses.

“Pero ngayon, in the past years, hindi na kami nag-aaway.

“Saka the only reason naman we fight it’s because we’re very protective with each other.

“So, kapag may nakikita akong mga tao na kasama niya na hindi ko gusto, not because of personal reasons…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But because na may nakikita akong hindi nagiging okay na tao at naiimpluwensyahan siya ng masama, magagalit ako sa kanya.

“Kasi choice niya yun at hindi niya ginagawa nang tama. Parang hindi niya pinipili yung mga tao.

“Of course, hindi ko siya kinu-control. E, very defensive and she’s my ate.

“She doesn’t like me telling her what to do or these things… kaya nag-aaway kami.”



HARDHEADED. Aminado naman si Saab na mas matigas ang ulo niya kaysa sa ate niya.

“Si Max kasi, kapag sinasabihan ko siya, she will listen and she’s not pikon.

“And because nga I’m so stubborn, I don’t like hearing that I’m wrong.

“Because I’m a perfectionist and I like always being mindful of others.

“If na-feel ko na I let other people down, naiirita ako. I get mad at inilalabas ko yun sa kanya.”



SISTER’S APPROVAL. Pagdating naman sa lovelife ng kapatid, hindi raw aprubado si Saad sa ilang nakakarelasyon ng kanyang ate.

Kay Renz Fernandez ba, aprubado siya?

“Well, I feel na they’re hanging out more and more and he’s also hanging out with my family.

“He’s showing naman effort.

“Pero of course, hindi naman basta lang na okey na siya forever. But it’s an ongoing process. He will still have to keep making her happy.

"But right now, she does seem very happy.

“So, as long as he does that, I’m fine with it.”

Ibig sabihin, hindi pa siya kumbinsido na okay ang current boyfriend ni Maxene?

“Well, wala naman akong say sa talaga… pero yung sa akin, ang feeling ko as long as he makes her happy…

“Pero siyempre, hindi lang naman love ang makakabuhay sa inyo, di ba?

“So, as long as he’s a stable partner for my sister, as long as he works harder towards their future…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If ever naman na maging serious sila and that’s fine with me.

“Pero okay naman siya [Renz], we always hang out, we play board games… He’s really fun to be with naman.”

Tumanggi si Max na pangalanan kung sinu-sino sa mga naging boyfriend ng ate niya na hindi niya aprubado.

Pero umamin siyang meron sa mga ito ang hindi niya kailanman nagustuhan para sa kapatid.

“I just have to say na, ‘Max, I told you so.’ Sinasabi ko talaga yun sa kanya from the start.”

Maging sa mga ilang kaibigan daw ni Maxene ay hindi aprubado si Saab.

“Why am I not a friend with them? Oh, my God!” makahulugan niyang sambit saka tumawa.

Paglilinaw niya, “I don’t know who you’re talking about but it’s Max, e.

“Sinasabi ko lang sa kanya kung ano yung feeling ko.

“Sinasabi ko lang na the real friends of my sister are also my friends.

“Kasi kunwari, she says na, ’Best friend ko si ganyan.’ Sasabihin ko, ‘Paano mo naging best friend ‘yan, e, hindi ka naman kilala?’

“So, parang paano mo magiging best friend ‘yan kung hindi mo ipinakikilala sa pamilya mo? It’s all a family thing.”

Itinuturing ni Saab na kaibigan si Renz dahil nakiki-bond daw ito o nakikisama sa kanilang pamilya.

Katulad daw ito ng kanyang boyfriend na nakikisalamuha sa kanyang pamilya.

“Renz really comes over at ang favorite namin, when we play board games.

“And also, watching movies—very wholesome family gathering affair.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN