Pops Fernandez wishes to do another TV show with Martin Nievera because: "Parang hindi ’yon work, parang naglalaro lang kami all the time"

Though Pops Fernandez isn’t as active in the music scene these days, she says she hasn’t lost her love for singing. But if there’s one thing that she would like to do these days, it’s “to do another TV show with Martin.”


Marami ang nakapuna sa tila magandang aura ng singer/host na si Pops Fernandez.

“I don’t know…” mapagkumbaba niyang tugon nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment press kung anong sikreto niya for looking young.

“Siguro mas marunong na akong mag-ayos, dati one line ang kilay ko!

“Uhm, siguro kasi noong bata ako I’m guarded, siyempre… uhm, parang noong bata ako mas matanda ako, alam mo ‘yon, siyempre my mom is very strict.

“Of course I have great times with Martin [Nievera],” pagtukoy niya sa kanyang ex-husband.

Pagpapatuloy ni Pops, “but parang mas natuto lang ako ‘tapos mas nakilala ko si Pops… noong mag-isa na lang ako.

“So I don’t know, I got to know myself more, mas naging confident ako siguro, I think that’s part of it.

“I think, even though ang dami nang nangyari sa buhay ko, I’m still very positive, I think that’s very, very important.”

Nakausap ng PEP si Pops sa presscon ng Foursome kahapon, Enero 11, sa C2 Event Place sa Greenhills, San Juan.

Ang Foursome ay ang Valentine’s Day concert kung saan makakasama niya sina Martin Nievera, Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ito’y magaganap sa Pebrero 14 sa SM Mall of Asia Arena.

TV SHOW WITH MARTIN. Bagamat isa siya sa mga hinahangaang mang-aawit at TV host, hindi na gaanong visible si Pops sa telebisyon ngayon.

Masyado raw kasi siyang abala sa ibang bagay tulad ng production company ng kanilang pamilya at ang kanyang online store.

Pero sabi ni Pops, abala man siya sa ibang bagay ay hindi pa rin nawawala ang kanyang “love” sa pag-awit.

Hindi naman napigilan ni Martin na sang-ayunan ang komento ng ilan na dapat nang magbalik-telebisyon ang tinagurianmg Concert Queen ng bansa.

Ani Martin, “[She’s] one of our best, if not one of the most gifted female talk show host, interviewee, she sings well, she’s beautiful pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think she does business but she’s still so fab [fabulous] and great.”

Pero ano nga ba ang makakakumbinsi kay Pops na muling gumawa ng mga TV show?

Napaisip saglit si Pops at saka sumagot, “Gusto ko kasi ‘yong sobrang comfortable ako and bagay ako.

“Alam ko naman yung strengths ko, it’s more on hosting and musical. I would want that, I would want to focus siyempre yung sa pagsasalita ko, tapos pagkanta ko.

“Sa soap [opera] kasi hindi ako masyadong confident, kasi hindi naman ako talaga… well, I’m nominated several times [and] I thank everyone who actually notice it.

“Hindi pa rin ako ganoong ka-confident, so to do a soap, siguro kung small parts lang... yung mawawala ako kagaad, tapos babalik ako sa ending.”

Ngunit kung mayroon man daw isang offer na maaaring hindi niya matanggihan, iyon ay “to do another TV show with Martin.”

Nagkasama sila noong 1982 sa TV variety/talk show na Penthouse Live! sa GMA-7.

“Again, parang hindi ‘yon work, parang naglalaro lang kami all the time, parang gano’n, that would be something… hopefully that could be offered,” nakangiting pagtatapos ni Pops.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN