Vin Abrenica on loveteam partner Sophie Albert: "Siguro magle-level up kami, pero hindi in a way na magiging kami agad."

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

Ngayong bahagi na siya ng upcoming TV5 teleserye na Never Say Goodbye, malaking karangalan para kay Vin Abrenica na makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. Ayon kay Vin: "Medyo nare-relax ako, kasi dinadala niya ako. Inaalalayan ako ni ni Nanay, so masaya ako dahil ginagawa niya ’yon."

Hindi pa nagtatagal mula nang tanghalin siyang Best Actor sa Artista Academy, ang artista search ng TV5, ngayo’y regular nang aktor ng teleserye ang showbiz newcomer na si Vin Abrenica.

Magkasama sila ngayon ni Sophie Albert, ang kanyang female counterpart (Best Actress) sa Artista Academy, sa pinakabagong primetime teleserye ng Kapatid network na Never Say Goodbye.

"This is our first teleserye, after Artista Academy. Sobrang saya ako na ’eto yung engrande palang naghihintay sa amin!" bulalas ni Vin sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Miyerkules ng hapon, January 9, sa taping sa set nila sa Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal.

Dagdag niya, "So, yung pinaghirapan namin noon, lahat worth it talaga!

"Happy talaga ako. Tapos nakaka-overwhelm yung cast, kasi ang lalaki!

"Sina Ate Guy, sina Gardo [Versoza]... grabe!" masaya niyang bulalas.

Bukod sa nabanggit ni Vin, nasa Never Say Goodbye major cast din sina Cesar Montano, Alice Dixson, at Edgar Allan Guzman.

“NANAY” NORA. Noong hapong iyon, mga eksena nila nina Nora at Gardo, at ang katambal niyang young actress na si Sophie ang kinukunan. Si Mac Alejandre ang direktor.

Aminado si Vin na inspirado siya sa unang pagsabak niya sa totohanang pagtatrabaho bilang regular cast member na ngayon, at hindi lang basta isang reality-search contestant.

Wika niya, "Sobrang masaya ako sa teleserye na ito. Ito yung tinututukan ko talaga ngayon.

"Nasa fourth or fifth [taping day] na kami. Una, sa Baguio... tapos, nanay ko pa siya [Nora]!"

Kinakabahan pa ba si Vin matapos ang ilang araw ng pagtatrabaho nila ng Superstar?

"A... [nung] nag-start ako, talagang kinakabahan ako. Hindi mawawala yung kaba, kasi kapag ka-eksena ko siya, under pressure talaga.

"Ang iniisip ko, kailangan kong husayan, kailangan kong matapatan [si Ate Guy]...

"Pero ngayon, medyo nare-relax ako, kasi dinadala niya ako. Inaalalayan ako ni ’Nanay,’ so masaya ako dahil ginagawa niya ’yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nagkuwento nang bahagya si Vin tungkol sa una nilang matinding eksena ni Ate Guy.

"Nung nagkaroon kami ng sampalan, tinanong pa niya, after, ’Nasa’n ang anak ko?’

"Hinawakan niya yung pisngi ko, ’Anak, okey ka lang ba?’" tanong daw ni Ate Guy.

"Na-touch talaga ako. Inaalalayan talaga niya ako," sambit pa ng baguhang young actor.

Para sa isang bagito, malaking bagay ang unang karanasang iyon sa isang veteran actress, lalo’t kasing-sikat at respetadong tulad ni Nora Aunor.

"Oo, ang dami kong natututunang lessons. Sobra! Grabe! Suwerte talaga... suwerte talaga ako!

"Pag nag-uusap nga kami ni Nanay, alam niya, suwerte talaga ako. Kakapanalo ko pa lang, tapos may teleserye na agad ako—kasama ko pa siya!" dagdag pa ni Vin.

Pero hindi pala sa Never Say Goodbye ang una nilang pagsasama ni Nora bilang co-actors.

Nauna rito ang short film na ginamit bilang isa sa mga "final exams" ng Top 3 Artista Academy male finalists na bukod kay Vin ay kinabibilangan din nina Mark Neumann at Akihiro Blanco.

Directed by Joel Lamangan, ginampanan nina Nora at Vin ang papel ng mag-inang nagkahiwalay; na may kinimkim na poot ang naghirap na anak sa kanyang inang nang-abandona at gusto uli siyang kunin.

"With Ate Guy din... sabi, dun daw ako nag-standout... kasi dinala ako ni Ate Guy. Dinala ako ng aking nanay!" paliwanag ni Vin tungkol sa naunang short film.

“ABE” GARDO. Sa Artista Academy finals, may short film din na pinamagatang "Buwelta"na si Vin ang bida.

Nasubukan dito ang husay niya sa pag-action under direk Bb. Joyce Bernal.

"Kasama ko naman dito si ’Abe’... si Gardo [Versoza]," banggit pa ni Vin.

"Abe" raw ang tawag niya sa aktor bilang isang nakatatanda—parang "kuya," "utol," o "bro."

"Sinasabihan niya ako, ’O, relax... relax...’

"Ako naman, nare-relax. Dinadala niya ako [sa eksena]," banggit ni Vin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Never Say Goodbye, si Gardo ang foster father ni Vin.

"Oo, inaalalayan ako ni Abe... magkababayan kasi kami, so inaalalayan niya ako," wika ni Vin, na tulad ni Gardo ay tubong-Tarlac.

At tulad ng kanyang Abe Gardo, nakatuntong at nakapagtapos sa kolehiyo si Vin.

Grumadweyt siya sa kursong Culinary Arts, sa Global Academy of Culinary Arts (The Fort) na pag-aari ni Chef Rob Pengson.

Si Gardo naman, hindi man isang chef na tulad ni Vin, ay mahusay ring magluto. Pero kumuha ng kursong Engineering si Gardo bago siya pumalaot sa pagiging isang aktor.

ON KUYA ALJUR. Christened Avin Abrenica, nagpabagu-bago ng pangalan, o screen name, ang baguhan bago napagdesisyunang gamitin niya ang "Vin Abrenica."

"A-V-I-N. Four letters lang [ang name ko]," pagtukoy niya.

"Nung pumasok ako sa Artista Academy, ginawang ’Alvin,’ tapos they changed it [again] to Vin."

Sa Artista Academy finals noong October 27, 2012, grabe ang mga fans na nag-cheer kina Vin at mga kasamang top male finalists Mark Neumann and Akihiro Blanco; pati sa mga babaeng finalists na sina Sophie Albert, Shaira Mae, at Chanel Morales.

"Grabe! Nung pinalabas kami [sa stage], nanlalamig ako, parang hindi ko alam ang gagawin ko," pagbabalik-tanaw uli ni Vin.

"Was I expecting? Ah... I’m expecting naman na... siguro slight chance lang—super-super slight, kasi it’s a tight fight talaga.

"Inisip ko kung ano yung grading system, so kinuha nila yung grades ko sa simula pa lang ng Artista Academy.

"E, nung nag-start ako, medyo strong talaga. So, nag-expect ako, kahit konti.

"Sabi ko, may chance talaga ako ngayon," nakangiting sambit pa ni Vin.

Sa simula rin, marami ang nagsasabing malaki ang naging "edge" ni Vin sa laban niya dahil naipakilala siyang younger brother ng kilalang aktor na si Aljur Abrenica.

"Yes, malaki ang edge, agad akong nakilala," pag-amin ni Vin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil kay Kuya Aljur, agad akong nakilala.

"Mas matanda siya, kuya ko siya. Pero sinasabi ’yon, na sa screen, medyo... mature-looking ako.

"Medyo ano lang ako... taller, a bit," aniya.

Sang-ayon naman ba siya sa obserbasyon ng iba na siya ay "better actor" kaysa kay Aljur?

"Thank you," nangiti si Vin. "Naku, na-compare talaga?

"Sinasabi ’yon sa akin, pero I don’t think na, medyo... siguro, nakaka-overwhelm, nakaka-flatter a little bit. Pero it hurts," pagtatapat ni Vin.

"Mas masakit sa akin; ako ang mas nasasaktan, kasi he’s my brother.

"Mahal na mahal ko yun.

"Mahal ko siya kaysa anumang bagay... di ba?"

Bilang pambawi at kontra-opinyon, nagbanggit naman si Vin ng positive remarks about Aljur.

"Oo, nalaman ko din. Pinuri si Kuya Aljur sa Coffee Prince [a GMA-7 teleserye], yung last week.

"Grabe! Napanood ko rin ’yon, nadala niya ako doon, sa emosyon," sambit pa ni Vin.

TEAM-UP WITH SOPHIE ALBERT. Tulad ng actor-brother niya, gusto ni Vin na makilala rin balang araw bilang isang mahusay na action star.

Pero ang mga nagsisimulang kabataang aktor ay hindi nakakaligtas sa "loveteam syndrome," dahil ito ang tinatangkilik ng maraming kabataang fans.

Tulad ngayon, maganda ang reaksiyon sa loveteam nina Vin at Sophie.

"Gusto kong mag-action, pero... oo, si Sophie ang aking ka-loveteam!" pailing niyang sagot.

Okey lang naman daw kay Vin ang sitwasyon nila ng kapareha.

"Yes, kung ano ang ibigay nila sa akin, I’m happy with that. Kasi opportunity talaga ’yon.

"So, kung binubuo kaming loveteam, and nagki-click ngayon, that means malakas ka!" saad niya.

FOR REAL? Kumusta naman ang samahan nila ni Sophie, on- and off-camera?

"Sa real life talaga, we’re best friends," pagtukoy ni Vin.

Maaaring isiping "cliché" ang pahayag niya, pero naninindigan ang young actor na "best friends" lang talaga sila ni Sophie sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, we are best friends talaga! Akala nila, onscreen lang. Pero hindi.

"Best friends talaga. Before pa, sa Artista Academy, best friends na kami."

Ano ang damdamin ni Vin sa expectations ng fans nila ni Sophie, na ang gusto’y higit pa sa pagiging mag-best friends ang maging ugnayan nila?

"Yes, actually, lagi silang nagtatanong, kung kami na ba?

"Kaka-start lang namin... I think we’re gonna go there.

"Siguro magle-level up kami [relationship-wise], pero hindi in a way na magiging kami agad. Alam mo yon?

"Pero nagle-level up yung loveteam namin. I’m happy sa company niya [Sophie]... masaya ako pag nandiyan siya!

"Actually, we’re close na talaga," masayang wika pa ni Vin.

Nang tanungin namin kung si Sophie kaya’y ganun din ang damdamin, ayon sa palagay niya...

"Sana..." pag-wish din ni Vin.

Pareho sila ni Sophie na wala pang personal attachments sa ngayon, na sapat nang dahilan para bigyan ng kilig ang kanilang loyal fans.

"Wala siyang boyfriend. Actually, nag-start kami pareho sa Artista Academy, siyempre inaalam namin yung background.

"Ako, wala talagang girlfriend. Siya rin, walang boyfriend," tahasang wika pa ni Vin.

MESSAGES. Ano ang inaasahan ni Vin sa mga tagasubaybay ng team-up nila ni Sophie?

"Sana makilala, mapansin din kami sa ginagawa naming teleserye.

"Actually, nag-e-expect ako, kasi kung hindi, hindi siya darating.

"Sana mapansin din kami, kasi I’m giving it my best shot; ibinibigay ko yung hundred percent ko."

At the same time, "Thank you sa lahat ng suporta sa amin ng fans, mula sa Artista Academy hanggang ngayon.

"Sana suportahan din nila yung Never Say Goodbye, tulad ng pagsuporta nila sa Artista Academy.

"I promise them na I’ll give my best shot talaga; yung hundred percent ko, for them.

"At kung ano ang gusto nila, ibibigay ko yun," pagtatapos ni Vin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/37069/vin-abrenica-on-loveteam-partner-sophie-albert-siguro-magle-level-up-kami-pero-hindi-in-a-way-na-mag" data-desc="Vin still wants to be an action star." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c7ae8e5a5.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN