Enchong Dee on Maja Salvador’s bashers: “Siguro di naman yun mawawala, they will never be gone. Palagi silang nandiyan and they will always have their opinions. For whatever it’s worth, our lives are not their lives.”

Enchong on what to expect in the continuing drama in the ABS-CBN teleserye Ina Kapatid Anak: “Kalahati pa lang siguro, kung hindi kalahati, siguro katiting pa lang yung mga napanood nila. Mas marami pa silang mapapanood after January 14.”


Sa press conference at thanksgiving para sa Book 2 ng Ina Kapatid Anak, naging mainit at kontrobersiyal ang naging pagtatapat ni Kim Chiu ng kanyang saloobin tungkol sa nababalitang espesyal na relasyon na namamagitan sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson at matalik na kaibigang si Maja Salvador.

Magkasama sa naturang teleserye sina Kim at Maja.

Kung si Kim ay nagpakatotoong inamin ang damdamin niya tungkol dito, taliwas naman ito ni Maja na very safe ang bawat binibitawang salita tungkol sa pagkakaugnay nila ni Gerald.

Sa nasabing presscon ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong Dee—kapareha ni Maja sa Ina Kapatid Anak, at malapit na kaibigan nina Maja, Kim, at Gerald.

Nagbigay ng personal niyang opinyon si Enchong sa sinasabing tampuhan sa pagitan nina Kim at Maja.

“I think it’s not healthy para sabihing may friction sila because of isang tao.

"And I think hindi naman yun enough reason para pag-awayin o yung pagkakaibigan nila na naipon, hindi naman basta-basta yung mawawala dahil lang dun.

"Siguro marami pang puwedeng maging pangyayari after today, siguro maraming lang tanong na hindi kayang sagutin at the moment.”

MAJA BASHERS. Sa ngayon ay napakaraming bashers ni Maja kung saan puro below-the-belt comments ang talagang natatanggap ng aktres dahil nga sa panliligaw sa kanya ni Gerald at gap nila ngayon ni Kim.

Ipinagtanggol naman ni Enchong ang kapareha na minsan ding naging biktima ng ganitong mga bashers.

“Siguro hindi naman yun mawawala, they will never be gone, palagi silang nandiyan and they will always have their opinion.

"For whatever it’s worth, our lives are not their lives,” mahinahon niyang bigkas.

GERALD WALKOUT? Doon ay tinanong siya tungkol sa balitang napikon at nag-walk out daw si Gerald sa ASAP nung nakaraang linggo dahil sa panunukso niya rito on-air.

“Ay hindi, hindi. After nun, nagkita pa kami, nagkita pa kami sa dressing room... supposed to be lalabas pa kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang ganun,” tanggi ni Enchong.

JULIA MONTES. Kinumusta rin kay Enchong ang samahan nila ngayon ni Julia Montes.

“Yeah, we did the Coke commercial together,” kaswal niyang pahayag.


INA KAPATID ANAK. Labis-labis ang pasasalamat ni Enchong sa consistent high-ratings ng Ina Kapatid Anak at nangako siyang mas maraming kaabang-abang na mga pangyayari pa ang mapapanood sa mga darating na araw sa nasabing serye.
“Napakasuwerte ko na nakasama ako sa show na ito lalo na mga kaibigan ko ang mga kasama ko, naging mas madali yung trabaho para sa akin.
“Kalahati pa lang siguro, kung hindi kalahati siguro katiting pa lang yung mga napanod nila. Mas marami pa silang mapapanood after January 14,” sabi ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN