Matet de Leon on her good fortune this year: "Hindi kasi ako naniniwala sa luck. Naniniwala ako kay God."

Despite her good fortune and numerous projects, the former child star remains thankful for all the blessings she gets from her extended family and from loyal friends such as Wilma Doesnt, Aiza Seguerra, and Jodi Sta. Maria


Former child star turned award-winning actress Matet de Leon has learned to count her blessings.

Isa raw itong malaking dahilan kaya masaya siya at kampante sa buhay, bilang isang may-asawa na’t dalawang anak na babae.

"Sobrang blessed ako! Sa pamilya... sa trabaho... sobrang saya ng 2012!" nakangiting bulalas ni Matet nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 6, sa birthday party ni John Rendez, ang close friend at mina-manage na talent (rap artist) ng Superstar na si Nora Aunor.

Si Nora ang mommy ni Matet, na malapit din kay John, tulad ng kanyang mister (former cager Michael "Mickey" Estrada) at dalawang anak na sina Mikka and Mishka.

Noong gabing iyon ay masaya ang mag-anak na naki-bonding kina Ate Guy at John, at iba pang guests sa intimate dinner sa Alfredo’s Steak House, sa Quezon City.

Sa interview ng PEP ay ibinahagi ni Matet ang kasalukuyan niyang kaabalahan, na aniya’y "carry-over" pa ng nakaraang taon.

"Last year, kasali ako sa Broken Vow [a GMA-7 afternoon drama series], tapos yung John Lloyd-Sarah movie rin," aniya.

Pangatlong team-up na nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang It Takes A Man And A Woman, under Star Cinema and Viva Films.

Kasama si Matet sa cast bilang si Zoila, ang editorial assistant, mula sa pag-uumpisa ng kuwento niyon, sa naunang dalawang installments: ang A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

"Putul-putol ang shoot... kasi sobrang busy ni John Lloyd!" pag-inform ni Matet.

Bukod dito, mayroon ding sinimulang teleserye si Matet last year sa ABS-CBN, titled Against All Odds, na pinagbibidahan naman nina Judy Ann Santos at Sam Milby.

"Tapos, ngayong taon, gano’n pa rin. Yun pa rin!" natawa si Matet na busy ngayong first quarter sa shooting at taping ng dalawang projects.

Blocked na nga ang karamihang dates ni Matet ngayong January at February para sa dalawang nagpapatuloy na projects. Ipinakita niya sa PEP ang kalendaryo ng kanyang cell phone bilang pruweba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sobrang nagpapasalamat ako! Regalo ito ni God, agad-agad!" sabi pa niya.

"Hindi kasi ako naniniwala sa luck. Naniniwala ako kay God."

Early last year, na-interview ng PEP si Matet at ang isa sa wish niya ay "huwag sanang mag-end of the world!" ayon daw sa prediksiyon.

"Hindi naman siya nag-end of the world," isip daw niya. "Regalo din ni God sa atin, na hindi niya sinira ang mundo, para sa atin."

FAMILY LIFE. "Sa pamilya ko, masayang-masaya ako... yun siguro ang pinaka-malaking blessing sa akin ng Diyos: ang mga anak ko, ang asawa ko, mga kapatid ko, nanay ko at mga in-laws ko."

Hands-on mom si Matet sa kanyang dalawang daughters with husband Mickey.

"Okey din ang schooling nila; tinuturuan ko din sila, hindi puwedeng wala akong time. Kahit gumawa ako ng reviewer sa set, okey lang yon," pagmamalaki niyang sabi.

Nasa kinder si Mishka at Grade 2 naman si Mikka.

"Pero huwag na nating banggitin ang school nila, baka ma-kidnap pa sila... sabihin mayaman ako," pabiro niyang pahabol.

Wala pa raw silang plano ng kanyang husband na sundan ng isa pang supling ang dalawang babae.

Sabi ni Matet, "Di ko pa kaya yata. Naka-focus pa ako dito sa dalawa.

"Gusto ko nang sundan, kung sa gusto. Ang problema, yun nga, bata pa sila.

"Baka hindi ko matutukan, e, mag-boyfriend nang bigla-bigla yung anak kong isa... hindi ko kaya ‘yon.

"So, pag naipunan ko na ng ano yan... ng mga leksiyon sa buhay, saka na ako magpaplano ng isa pa.

"’Tsaka, bibili muna kami ng house... ng sarili naming bahay..." plano pa ni Matet, 26, at ng husband na si Mickey, 30.

THANKFUL TO WILMA DOESNT. Masayang nai-share din ni Matet, with her husband beside her, ang tungkol sa kaabalahan ni Mickey na may posisyon sa isang insurance company.

"Okey naman... pero bukod do’n, nag-aaral siya ngayon ng Culinary Arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabigyan siya ng scholarship ni Wilma Doesnt, sa school ni Wilma—British Columbia Hospitality Academy and School of Culinary Arts," banggit ni Matet.

Thankful daw ang mag-asawang Matet at Mickey sa naging tulong sa kanila ni Wilma sa pamamagitan ng nasabing institusyon.

"Napakabait na kaibigan ni Wilma, tsaka yung partner niya sa school," pagpuri pa ni Matet sa character actress-comedienne.

"Tumutulong... maraming natutulungan si Wilma Doesnt.

"Tingnan mo... di ba? Pinalitan ni God yung ibinigay niya sa amin na tulong!

"Binigyan siya ng Best Supporting Actress award, kasi mabait siya!" sambit pa ni Matet, referring to Wilma’s recent win at the 2012 Metro Manila Filmfest for her participation in the top-grossing movie, Sisterakas.

Ayon naman kay Mickey, thankful siya sa naipagkaloob na pagkakataon ni Wilma na makapag-aral ng nasabing kurso, on Culinary Arts.

"Ang dami mong matututunan. Pagkatapos mo do’n, meron kang certificate—at hindi ka lang basta cook, chef ka na.

"May mga mastery courses pa. Dalawa ang mastery courses ko."

CHARACTER ACTRESS. For her part, masaya naman si Matet bilang isang character actress, sa TV at movies.

"Oo, kapag natengga ako nang matagal, nalulungkot ako talaga," amin niya.

May mga nagsasabing mahusay na aktres si Matet, hindi lang nabibigyan sa ngayon ng mas challenging roles.

"Salamat naman... kesa puro comedy ano? Pero, okey lang. Basta meron, okey na yon."

Open pa rin naman daw si Matet sa mga offbeat roles, na mate-test pa ang kanyang kahusayan. Yun nga lang, may mga limitations siya bilang siya’s isa nang mommy at wife.

"Sana, this year. Ipagdadasal ko ang mas challenging na role," wish ni Matet.

AIZA SEGUERRA AND JODI STA. MARIA. Anuman ang kahinatnan ng kanyang showbiz career, hindi rin nga maihihiwalay ang pangalan ni Matet sa mga kilala ring tulad nina Aiza Seguerra at Jodi Sta. Maria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Aiza ang karibal ni Matet noon bilang "child wonder" o babaeng counterpart ni Niño Muhlach (of the ’70s) na sumikat mula mid-’80s onwards.

Si Jodi naman, naging kapanabayan nina Matet at Aiza during their teens, noong late ’90s onwards.

Nagkikita pa ba sila ni Aiza ngayon?

"Si Aiza... ayun, nag-guest kami [recently] sa Gandang Gabi Vice [hosted by Vice Ganda]. Nagkita kami. Chikahang walang humpay.

"Mabait si Aiza talaga," wika pa ni Matet.

Good friends din ba sila ni Jodi Sta. Maria?

"Oo, never kaming nag-away ni Jodi. Oo, ’tropa-peeps’ kami ni Jodi!" pagmamalaki niyang inamin.

There was a time na parehong napaugnay ang pangalan nina Matet at Jodi kay Baron Geisler, bago pa magkaroon ng notorious image ang aktor.

"Ay, hindi! Hindi namin napag-usapan [ang tungkol sa kanya], na ano... mabait si Jodi."

Ang sitwasyon, ayon sa napaulat noon, naging boyfriend ni Jodi si Baron, after napaugnay rin ang pangalan ni Matet sa aktor.

Kaya may haka-hakang "hindi naging pleasant" sa isa’t isa sina Matet at Jodi.

"May narinig kang gano’n, na nag-away kami ni Jodi? Wala! Mga kasundo ko namang lahat... [ang contemporaries ko].

"Pero kasi, ang mga kakuwentuhan ko, hindi lahat kaibigan ko," banggit ni Matet.

CAREFUL... CAREFUL! Kaya maingat na si Matet ngayon. Gusto man niya si Jodi, hindi siya magkukomento on anything tungkol sa kasalukuyang napapaulat dito, na sangkot ang mga pangalang Iwa Moto, Pampi Lacson, o Jolo Revilla.

"Ayaw... ayaw ko no’n," simpleng saad ni Matet.

Bilang panuntunan ni Matet, makakapagpaalala ’yon sa bahagi ng theme song lyrics ng top-rating GMA-7 showbiz talk show noon na See-True (late ’70s up to late ’80s) ng yumaong Inday Badiday: "Careful... Careful! Kailangan nating maging careful..."

Si Jodi naman ay kasalukuyang namamayagpag, bilang actress-comedienne; o bidang character na si Maya dela Rosa ng toprating morning drama series na Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako para kay Jodi," matapat na sabi ni Matet. "Kasi, alam mo si Jodi, magaling na artista rin, bukod sa napakaganda niya!

"Magaling na artista, at saka mabait na tao naman yun, e.

"Napakabait niya, kaya binibiyayaan din siya ni Lord. Alam kong sikat na sikat siya ngayon."

Who knows, one of these days, magkasama sila ni Jodi sa isang project, o maski guesting sa TV, dahil pareho silang mahusay sa drama at comedy.

"Sana nga. Tingnan natin, sana... oo. Nakakaloka!" huling hirit ni Matet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN