Francine Prieto on the possibility of Vice Ganda being a sperm donor: "Feeling ko hindi magbibigay sa akin si Vice, baka hindi niya ako type, e."

Kahit nahirapan siya noong umpisa, naging matagumpay na rin sa wakas ang weight loss program ni Francine Prieto, at dahil dito’y muli siyang nabigyan ng pagkakataong sumabak muli sa showbiz. Bukod sa kagustuhang maatim ang ideal niyang timbang at sukat, mas mahalaga kay Francine na magsilbing gabay at inspirasyon sa mga taong overweight at naghahanap ng karamay sa kanilang problema.


Masaya si Francine Prieto dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabao sa mundo ng showbiz.

Mula sa sunud-sunod na dagok ng buhay dahil sa kanyang personal na suliranin sa pamilya at sa kanyang weight disorder problem, unti-unting nagbabalik sa normal niyang buhay ang dating Bubble Gang mainstay.

Kasalukuyan siyang abala sa iba’t ibang projects, kabilang dito ang ABS-CBN drama series na Ina Kapatid Anak.

May bagong TV program din si Francine sa PTV-4, ang travel show na Biyahero na napapanood ng 2:30 ng hapon tuwing Linggo.

At tuloy pa rin ang aktres sa pagiging DJ sa 103.5 FM.

Labis ngang nagpapasalamat si Francine sa lahat ng tumutulong at patuloy na nagtitiwala sa kanyang pagbabalik-showbiz.

Tinatawag niyang earth angels o mga anghel sa lupa ang mga ito dahil sa malaking suportang ibinibigay sa kanya.

“Nagpapasalamat ako sa mga positibong nangyayari sa akin ngayon, siguro talagang kailangang mangyari ang mga bagay na iyon, para lalo kong makilala ang sarili ko," banggit ng dating ramp at print model.

"Alam mo iyon? Para mahanap mo ang sarili mo.

“So, ngayon ay ayos na, iyong sa family ko, sa career.

"Sabi ko nga, ano ako e, saved by earth angels. Marami po sila, sama-sama na po sila.

"So, yung nagtapos na year, yung last year, yun ang pinaka-okay po sa akin.

“Kaya sana ay mas maging active ako sa showbiz.

"Natutuwa nga po ako sa mga project na dumarating sa akin, like itong Ina, Kapatid Anak.


"Ito ang isa sa pinakamalaking project ko,” panimulang saad ni Francine nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, January 10, sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

WEIGHT PROBLEM. Ano ba ang ginawa niya at malaki na ang nabawas sa kanyang timbang?

“Ang ginawa sa akin, natural way talaga, so work out po at saka diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman po talagang bawal kainin, lahat naman ng gusto ko ay nakakain ko.

Ang problema lang noon, hindi kain ang ginagawa ko, kundi lamon, e,” nakatawang saad niya.

Dito napatunayan ni Francine na wala nga talagang shortcut para sa weight loss.

Dagdag niya, “So, dapat lang talaga ay yung in moderation, e. Tapos, siyempre, hindi puwede yung tamad. Dapat ay sinusunod mo iyong dapat mong gawin.

“At saka ako, importante sa akin yung tumatakbo talaga e, yung jogging... kahit once a week lang kapag busy talaga ako, okay na iyon.”

FRUSTRATIONS. Habang pinagdadaanan niya ang kanyang weight problem, inamin ni Francine na noong una ay talagang halos sumuko na siya dahil parang pakiramdam daw niya ay walang nangyayari at imposible na siyang pumayat.

“Nagsimula ako noong June last year, ang hirap talaga pero walang na-lose na weight kahit isang pound.

"So, talagang parang nakakabaliw dahil siyempre, pagod na pagod ka, six times a week may ginagawa ako... five times a week work out, tapos once a week tumatakbo, pero walang nangyari, kaya nakakabaliw, e.

“Kaya talagang dapat ay magku-quit na ako noon, e... iyong tama na dahil wala namang nangyayari.

"Pero iba talaga yung moral support ng mga friends. And yung will power nga, dapat talaga di ka maggi-give up.

“After a month, medyo umepekto na at noong bandang September, iyon na, at nagtuloy-tuloy na siya,” pagbabalik-tanaw niya.

Ngayon daw ay ganado na siya, kaya hindi na nahihirapang magpapayat.

Ani Francine, “Ngayon po ay tuloy-tuloy lang yung work out. Kahit papaano, ganado ka na at iba talaga kapag ine-enjoy mo yung ginagawa mo.

“Kaysa before na parang feeling mo ay nahihirapan ka talaga.

"Na parang feeling mo ay ayaw mong pumunta ng gym dahil feeling mo ay pahihirapan ka lang doon.”

Ano ang mensahe niya para sa mga overweight o may problema sa kanilang figures?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa, basta importante ay determinado ka at hard work po talaga iyan," diin niya.

“Dapat magpunta ka sa gym, magpakahirap ka para sa gusto mong weight dahil walang nangyayaring magic, e.”

Kung noon ay nahihiyang sabihin ni Francine ang weight niya, sinabi niya sa PEP ang pinakamabigat niyang naging timbang noon.

“I think umabot ako sa lagpas 180 pounds. From 180 ngayon ay around 150 na lang ako," deretsahan niyang banggit.

“Target ko pang magbawas ng about 20 para maging 130 na lang ako. Although sa TV ay medyo malaki na yung tignan.”

Hindi ba siya nag-aalala na masira ang kanyang image bilang isang dating sexy actress?

“Hindi ko naman po inisip iyon, gusto ko kasing maging inspiration sa iba.

“And hindi ako nagpapayat para maging sexy ulit at para magkaroon ng career, panghahambuhay na po ito…

“Choice ko talaga ito na maging healthy e, importante sa lahat iyan.

“At saka kapag nagkaka-edad na, kailangan talaga natin yung healthy lifestyle.

“Siguro kaya kailangang mangyari talaga sa akin ang mga bagay na pinagdaanan ko, para magbigay inspirasyon sa iba,” wari niya.



V-DAY SHOW. Samantala, isa si Francine sa mga guests sa Valentine’s Day show ni Angeline Quinto sa February 14 sa SMX Convention Center.

Ang naturang concert na pinamagatang Angeline Quinto In Love ay hatid ng ALAM o Alab ng Mamamahayag Party List na pinangungunahan ng media man at isa sa leader ng National Press Club na si Mr. Jerry Yap, at ng Frontcourt Entertainment Incorporated ni Julie Bonifacio.

Tampok din dito sina Vice Ganda at ang X Factor finalist na si Michael Pangilinan.

Hindi ba siya nag-aalala na maraming concert na kasabay itong sa kanila?

“Hindi naman po, kasi iba-iba naman ang audience ng bawat concert, e.

"At saka dito po, may Angeline na, may Vice Ganda pa, iyon po siguro ang kaibahan,” nakangiting wika niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"ARTIFICIALLY YOURS, VICE?" Speaking of Vice, dahil nasabi ni Francine na kapag wala pa siyang asawa by the age of 37 ay magpapabuntis na lang daw siya, papayag ba siya sakaling maging sperm donor niya si Vice?

“Feeling ko hindi magbibigay sa akin si Vice, baka hindi niya ako type e,” nakangiting saad ni Francine.

KIM-MAJA ISSUE. Samantala, kinuha rin ng PEP ang reaction ni Francine sa balitang tila nagkalamat ang magandang pagkakaibigan nina Maja Salvador at Kim Chiu dahil sa pagkaka-link ni Maja kay Gerald Anderson.

“Hindi pa kami nagkikita mula nang pumutok ang balitang iyan," kuwento ni Francine.

"Ang taping ko kasi sa Ina Kapatid Anak ay M-W-F, and masasabi ko na nakikita ko talagang close na close silang apat. Sila kasi ang magkakasama sa tent e.

“Pero kung sakaling may gap nga sina Kim at Maja, nakakalungkot namang balita iyon. Nakapanghihinayang din, kasi hindi basta-basta na mawalan ka ng kaibigan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN