Sophie Albert on her first major break in TV5’s Never Say Goodbye: "It’s win-win all the way!"

Masayang sinalubong ni Sophie Albert ang bagong taon dahil todo-suporta ang TV5 sa kanya via Never Say Goodbye. Bukod dito, doble pa ang tuwa ng dalaga dahil mga award-winning na mga artista ang nakasama nila ni Vin Abrenica sa bagong serye.


Nagpapahinga si Sophie Albert habang taping break ng kanyang bagong teleserye, ang Never Say Goodbye, nang hilingan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng maikling panayam.

Agad namang nagpaunlak ang dalaga.

Magandang pagkakataon na pareho sila ni Vin Abrenica na nakapanayam ng PEP noong January 9, sa taping ng pinakabagong drama series ng TV5 sa isang may kalayuang location sa Tanay, Rizal.

Sina Sophie at Vin ang dalawa sa pinakabagong inaalagang young stars ng Kapatid network.

Kapwa sila produkto ng matagumpay na artista reality search noong isang taon, ang Artista Academy, kung saan sila ang nag-emerge na top winners bilang Best Actress at Best Actor, respectively.

"It’s only my screen name," bungad ni Sophie Albert nang tanungin ng PEP hinggil sa kanyang pangalan.

Dagdag niya, "I’m Bianca Reyes. That’s my real name."

Kaya raw dinesisyunang gamitin niya ang Sophie (pronounced "sow-fi") Albert, "Kasi, Reyes... it’s a really common name. Albert is my mom’s middle name."

Kumusta na siya, matapos ang Artista Academy search noong October 27, 2012, kung saan nanalo nga si Sophie ng top acting plum?

"I’m so happy. Sobrang saya ko, kasi start ng year [2013], ito ang ginagawa namin.

"I mean, that’s what we worked for nung nasa Artista Academy kami... and, talagang TV5 is true to its word, na binigyan kami ng teleserye.

"And kasama namin si Ate Guy!" bulalas ni Sophie.



GREAT DIFFERENCE. Indeed, Ate Guy or Nora Aunor, being the lead actress in Never Say Goodbye, spelled the great difference for Sophie and Vin.

"She’s very nice and so supportive talaga," said Sophie about local showbiz’s reigning Superstar.

"She helps me out, giving me pointers on how I should tackle my scene correctly.

"Like, kanina, kasi it’s a heavy scene, na I find it difficult to cry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabihan niya ako na ’This is the way to do it... try to remember...ang malulungkot na nangyari sa buhay mo...’

"And I followed her, kaya I was able to cry na rin.

"Thanks to her, really... thanks to Ate Guy! She’s just great!"

But apart from Ate Guy, kasama rin nina Sophie at Vin sa una nilang major project ang iba pang seasoned actor-performers, gaya nina Cesar Montano, Alice Dixson, at Gardo Versoza.

"As in, award-winning actors and actresses, so talagang masaya!" bulalas pa rin ni Sophie.

"Masaya ako kasi ginagabayan din kami ng mga kasama naming artista.

"So it’s really... parang win-win all the way! Di ba?"

Needless to say, Sophie is greatly challenged at laan ang focus niya ngayon sa kanyang pagiging artista ng nasabing romantic drama series.



COPING WITH NEW CHALLENGES. Ibinahagi rin ni Sophie sa PEP ang ilang bagay tungkol sa kaabalahan niya bago siya "naangkin" ng showbiz.

"I’m not yet finished with college... no, not yet," sabi niya, na wala namang mababakas na pagsisisi sa kanyang tinig.

"I was in second year, taking up Business in FEU [Far Eastern University]. Pero I was about to switch to Fashion bago ako pumasok ng Artista Academy, pero... wala. Destiny, I guess..."

How is Sophie coping with the new challenges that come her way?

"A... tine-take ko lang siya... one day at a time. Di ba?

"Even yung change from... nung hindi pa ako pumapasok ng AA, then dito na ako... parang sobrang bilis ng change!

"And, I believe... I feel na para sa isang tao, nakaka-overwhelm talaga yung pinagdaanan namin.

"Pero, yun nga, taking it a step at a time... one day at a time.

"Parang inaano ko talaga lahat ng pinagdaanan namin... it’s really a blessing, na hindi lahat ng tao napagdadaanan yung pinagdadaanan namin, so dinadamdam ko talaga lahat..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sophie could have meant "ninanamnam" niyang lahat ang magagandang pangyayaring dumarating at nararanasan niya, sa kasalukuyan niyang buhay, given her much charmed life at the moment.

"Opo, pini-feel ko talaga lahat!" sabi ni Sophie, sabay ngiti nang pagkatamis-tamis.

UP-CLOSE AND PERSONAL. Asked about her loveteam partner in Never Say Goodbye, Sophie has so many interesting words and "revelations" na siguradong magpapakilig sa kanilang mga fans at supporters.

"Yeah, I didn’t expect na you can be close to a guy this way, na you feel comfortable, kahit anong gawin mo.

"So, I’m happy siya Vin ang nakasama ko dito. And nagtutulungan kami, as in we help each other, kasi pareho kaming bago.

"Yung mga experiences, at least, hindi ako mag-isa... kasama ko siya all throughout," wika pa ni Sophie.

May pressure ba mula sa fans, to an extent, hinggil sa mga "expectations" ng mga ito sa kanilang loveteam?

"Oo," sagot ni Sophie.

"Pero nakakatuwa, at least, they liked us that much, na gusto nila yung... hanggang sa totoong buhay, ganun kami...

"Nakaka... it’s nice! You know, it’s a nice feeling!" masayang banggit pa ni Sophie, na totoong "ninanamnam" nga ang mga bago niyang karanasan, with a guy like Vin Abrenica!

"Pero whatever we show them naman, it’s always real," pasubali din ni Sophie, "parang... how we treat each other, kung anong...

"I mean, what we do, siyempre, dito sa NSG, we’re acting. Pero yung friendship namin, yung everything, it’s all natural for us. Yeah!"

Kaya walang pag-aalangan si Sophie na masasabihang "pina-plastik" lang ang kung anumang closeness o sweetness nila ni Vin.

"Oo... na for the sake of the loveteam? I dont think so."

HELLO, YOUNG LOVERS? "No, we’re really good friends lang!" muling diin ni Sophie hinggil sa kanila ni Vin.

Cliche man sa pandinig, nais niya itong panindigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, as of now, we both are really focused sa work namin. Kasi that’s the most important thing, e.

"Pumasok kami sa showbiz, hindi naman para magka-boyfriend or girlfriend, di ba?

"So, yun. Wala akong boyfriend, at wala rin siyang girlfriend," tahasang sabi ni Sophie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN