Janice de Belen on being loveless: “Ganun naman talaga ang buhay ko, e. Sa sobrang busy ko, san ko pa ilalagay?"

Para kay Janice, being loveless doesn’t mean being unhappy. Paliwanag niya, “This is where I am happy right now, let’s not ask for too much. Nage-enjoy ako ngayon, okay na ako, pagdating sa relationship, I don’t have to prove anything anymore.


Sa nakaraang interview kay Priscilla Meirelles sa launching ng isang brand nitong ineendorso, ipinagtanggol nito ang asawang si John Estrada sa matagal nang balita na hindi sapat ang sustentong ibinibigay nito sa mga anak nila ni Janice de Belen, kung kaya’t masama raw ang loob ng actress-TV host sa dating asawa.

Ayon sa dating beauty queen, sa nakikita niya ay hindi nagkukulang sa pagbibigay ng sustento ang asawa. Kung minsan nga raw ay sobra pa ang ibininigay ng aktor kapag lumalapit ang mga anak nila ni Janice.

Agad namang hiningan ng reaksiyon tungkol dito si Janice nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang Thanksgiving and Book 2 presscon ng Ina Kapatid Anak sa Luxent Hotel, Quezon City, noong January 8.

“Hindi lang siguro siya aware sa kung ano ang dapat sa hindi. Kaming dalawa ni Priscilla, okay kami, wala kaming problema.

“Ayun, basta yun lang. Doon na lang ako sa sinabi ko,” diin niyang hayag.



IN LOVE... WITH HER KIDS. Isa si Janice sa mga artistang naging makulay ang buhay pag-ibig kung saan naging bukas na aklat ito sa publiko.

Kinumusta namin ang aktres kung may lovelife ba siya ngayon pagkatapos ng huli niyang relasyon.

Tugon niya, “Ang tanging pag-ibig ko lang ay ang mga anak ko, sila ang mga pag-ibig ko.

“You know, I really find it easier that way, kasi para sa ibang tao, parang pag sinabi mo na yun ang buhay mo, parang ayaw maniwala.

“Ganun naman talaga ang buhay ko, e. Sa sobrang busy ko, saan ko pa ilalagay?

“I go out with friends, I go out with my friends, okay naman yun sa akin, e...

"Yun na ang buhay ko ngayon, heto na muna ang ine-enjoy ko.

“This is where I am happy right now, let’s not ask for too much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-e-enjoy ako ngayon, okay na ako, pagdating sa relationship, I don’t have to prove anything anymore.

“May mga anak na ako. Let’s just hope that that day is not anytime soon kasi marami pa akong gustong ma-achieve.”



’ANG ANAK NI JANICE.’ Noon ay naging bukas sina Janice at Aga Muhlach na namroblema sila sa anak na si Luigi Muhlach dahil wala itong direksiyon sa buhay.

Ngayon na may sarili na itong pamilya at gumagawa na ng sarili niyang pangalan bilang isang chef, masaya si Janice sa magagandang nangyayari sa ngayon sa buhay ng panganay na anak.

“Siyempre, as a mom, minsan nga pag nanay ka, mas gusto mong mag-succeed ang mga anak kaysa sa iyo.

"Pag nag-succeed sila, you’ll be proud and you will be happy na ganun ang nangyari.”

Kinumusta rin namin ang aktres kung paano niya ipinagdiwang ang nakaraang Pasko at Bagong Taon.

“Okay naman, tahimik lang naman pareho, enjoy.

“Had a vacation, sobrang enjoy with the kids kasi feeling ko the whole year sa 2012, ito lang pag New Year naka-vacation ako, kasi really busy year.

"Amazingly, overwhelmingly busy."



HIGH RATINGS. Sa consistent high ratings ng Ina Kapatid Anak ay nagkaroon ito ng Book 2 na magsisimula sa January 14.

Masaya si Janice na nagbunga ang lahat ng mga paghihirap nila ng mga kasama sa nasabing serye at tinangkilik ito ng publiko.

“Siyempre happy, kaming lahat, ’coz it’s really an effort na magustuhan ng mga tao—yun naman ang importante, ang magustuhan ng mga tao.

"With good news like that, nakaka-proud, nakaka-happy.

“Alam mo kasi, ang drive ko kasi sa buhay is to do your best, your card is you do your best and just pray na magbunga nang maganda ang ginagawa mo.

"Siyempre may kabog, may nerbiyos, may pressure, of course.

"When you do a good project, yung after nun, nagkakaroon ka ng pressure whether you like it or not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan sa sarili ko naman nanggagaling yung pressure ’coz you have to do better than your past job. Ganun naman talaga.”

Nagkuwento rin siya ng magandang realsyon ng bawat isa sa kanila sa set ng Ina Kapatid Anak.

“Maayos naman, okay naman.

"Importante kasi na nagkakasundo din ang mga tao sa set para maganda ang output ng trabaho.

“Masaya, pag nasa isang location kasi kami, parang may long table kami dun.

“Usually, e, magkalapit lang ang dalawang location.

"Pag kumpleto dun, we try to make it a point, Unit 1 and Unit 2 sa isang lugar na yun... they usually make it a point to eat together.

"Pero dahil naghahabol kami, baka hindi na mangyari yung together," paliwanag niya.

Sa pagpasok ng 2013, ang paglipat sa dating bahay sa Parañaque na pinare-renovate niya ang isa sa nilu-look forward ni Janice para sa taong kasalukuyan.

“Im having my house fixed, it’s in Parañaque. I’m looking forward na matapos siya and hopefully live there again."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN