Alden Richards reassures Jake-Bea fans of his ’hands-off’ promise: “Wala po akong intention to ruin someone else’s personal life. Kasi that’s not my way of life.”

Mataas ang respeto ni Alden Richards para sa relasyon ng mga kaibigang Jake Vargas at Bea Binene. Saad niya, "Ako... kapag alam kong merong nabubuo at namumuo, I step aside. Hindi ako yung nakikisawsaw... hindi ako nakikisali... I make it work. Tumutulong pa ako to make it work better. Kumbaga, respeto lang.”


Last Wednesday, January 9, ginanap ang red carpet premiere ng Indio sa SM Megamall.

Present lahat ng cast nito na pinangungunahan ni Senator Bong Revilla Jr. at maging ang iba pang Kapuso stars na gusto ring manood nito.

Si Alden Richards ang gumaganap bilang younger Indio. Si Bea Binene naman ang kanyang love interest.

“Talagang gusto ko pong i-explore ang craft ko as much as possible. Like being paired to someone younger than me... like Bea,” sabi ng young actor nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Para ma-test ko rin yung sarili ko kung kaya ko ba. Which is… ang artista kasi, hindi lang ’yan nakukulong sa isang loveteam, e, o sa isang trabaho or sa isang role lang.

“Kailangan marami kang ma-explore, as many as possible, para for you to grow.

“Hindi yung, ’Ay, si Alden iisa ang dating ng acting... iisa ang loveteam.’ Yung gano’n.

“So thank you sa chance po na nakatrabaho ko si Bea.

"At least, for me to have something new, uhm… it’s a new experience.

“Excited ako na magsisimula nang umere ang Indio this Monday [January 14]. Sobrang gandang proyekto nito!

“One of the biggest ng GMA. Sobra!

Amaya at Encantadia, pinagsama. Kaya hindi ninyo dapat palampasin na mapanood ito.

“Mami-miss ninyo ang kalahati ng buhay niyo,” nangiti pang sabi ng Kapuso actor.



WORKING WITH BEA. May kissing scene sila ni Bea rito, at maingay ngang pinag-uusapan ang tungkol dito.

Sabi ni Alden, “Hindi naman dapat na malagyan ng malisya iyon. Kailangan kasi sa istorya.

“At bilang mga artista na gustong mapagbuti ang pagganap sa roles namin, susunod lang kami.”

Marami pa raw silang taping days na pagsasamahan ni Bea. Paano kung muli ay kailanganing maulit ulit ang pagkakaroon nila ng kissing scene?

“Why not?” sabay tawa ni Alden.

“Basta ako… for me, trabaho lang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po akong intention to ruin someone else’s personal life. Kasi that’s not my way of life.”

Ano ba ang ibig niyang ipakahulugan doon sa sinabi niyang wala siyang intensiyon "to ruin someone else’s personal life"? Para sa ka-loveteam at rumored boyfriend ba ni Bea na si Jake Vargas iyon?

May nasabi rin kasi si Alden kamakailan na walang dapat ipag-alala si Jake sa pagiging magkatambal nila ni Bea sa Indio at sa pagkakaroon nga nila ng kissing scene.

“Wala talaga siyang dapat na ipag-alala.

“Kasi I know naman na Jake and Bea are very special friends.

“And sinasabi ko talaga na wala kasi… ako, kapag alam kong merong nabubuo at namumuo, I step aside.

"Hindi ako yung nakikisawsaw. Hindi ako nakikisali.

“I make it work. Tumutulong pa ako to make it work better. Kumbaga… respeto lang,” saad niya.



JA-BEA FANS. Nababalitaang may ilang fans nina Jake at Bea (JaBea) na nagri-react na. May mga hindi tanggap na si Alden ngayon ang kapareha ng young actress.

Sabi ng heartthrob tungkol dito, “Actually, may mga nari-receive nga po akong hindi magagandang comments sa Twitter.

“Tutol daw sila sa pagkakaroon ng kissing scene namin ni Bea.

“Pero I understand. Naiintindihan ko na normal lang na magkaroon ng ganung reactions ang mga followers o supporters ng mga loveteam kapag naipapareha ang idolo nila sa bago.

“Hindi maiiwasang mag-react negatively ang mga solid supporters.

“So… ako po talaga, sa kahit sinong nakakatrabaho ko ngayon, strictly trabaho lang.

“Wala po akong intention to ruin someone else’s loveteam. Or to ruin someone else’s personal life.

“Basta priority ko po, trabaho. Yun na ‘yon!” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN