Ricky Davao on the travails of being a director: “Ang hirap kasi lahat problema mo, e—away ng boyfriend, inaway ng tatay, ng magulang, masakit ang tiyan... lahat!"

Ricky Davao’s take on the Sarah Lahbati controversy: “Sayang, kasi iba yung tipo niya e. She’s tall, very pretty, very talented, magaling kumanta, sumayaw, seryoso naman siya sa craft niya. Sayang naman... Hindi ko lang talaga alam yung punu’t-dulo... mas malalim pa yun, e.”


Sa ika-limang pagkakataon, sumabak ulit sa pagdidirehe ng isang serye ang aktor na si Ricky Davao.

Ang pinakabagong project niya ay ang Forever, ang bagong afternoon soap ng GMA-7 na pagbibidahan nina Gloria Romero, Geoff Eigenmann, at Heart Evangelista.

Unang directorial job ni Ricky ay ang Grazilda noong 2010.

Nasundan ito ng dalawa pang serye, ang Sisid at Kokak, noong 2011.

Last year, 2012, dalawa uling drama show ang ginawa niya—Makapiling Kang Muli at Coffee Prince.

Sa panayam kay Ricky ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Forever na ginanap sa 17th floor ng Kapuso Network Center, sinabi nitong ngayon niya nari-realize kung gaano kahirap ang pagdidirek.

“Sinasabi ko ito na, when I started directing, yung respeto ko sa mga director—kahit yung mga director na gumawa ng mga pelikulang hindi ko nagustuhan—sobrang respetado ko yun.

“Kasi ang hirap maging director, ang hirap!

“Para makabuo ng isang kuwento sa pelikula, short film or whatsoever... para mabuo o magkaroon ng saysay, makaapekto sa tao... ang hirap!

“Kahit noong araw, binabawi ko yung mga nasabi ko na nainis ako dito...” putol ni Ricky sa sasabihin nang matawa siya nang malakas.

Ipinaalala kasi namin sa kanya na meron kaming interview sa kanya noon kung saan inamin niya na may mga pelikula siyang ginawa na hindi niya gusto at parang nais niyang kalimutan.

“Hindi naman! Hindi naman!” tanggi niya habang nasa pagitan ng pagtawa.

Ibig sabihin, ngayon niya lang napagtanto ang trabaho ng isang direktor?

“Ang hirap pala... ang hirap pala,” sang-ayon niyang sambit.

“’Ikaw ngang mag-direk nito?!’ Parang ganun yung feeling ngayong ako naman yung nasa puwesto nila.”

Patuloy niya, “Ang hirap, kasi lahat problema mo, e—away ng boyfriend, inaway ng tatay, ng magulang, masakit ang tiyan... lahat!

"Late ang script, trapik! Mag-aano ka ng ilaw, ng ano...

“But I’ve learned to relax. Pero paminsan-minsan, bumibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming stress moments. Pero ang ginagawa ko, pumipikit... nagdadasal.

"Pero bumibigay din, sumisigaw rin.”

Hindi ba natatakot si Ricky na baka magkasakit siya sa pagiging stressed sa directorial project niya?

“Yun ang sinasabi nila. Pero kailangan, e. Dapat may oulet ka, e.

"Suwerte naman tayong mga artista, e, nai-express mo ang sarili mo—umiiyak ka, nagpapatawa ka.

"Malaking bagay na naire-release mo yung stress.

“Pero minsan, naaano ka rin, e...

“Pero siyempre, iba rin yung working conditions… minsan seven to seven kami.

"Sana mabago natin yun, di ba? Kaya lang, talagang ngayon nakaano, e...

“Dito [Forever], lucky ako, e... I have more than a month to do this para at least meron kaming two weeks to advance.

“Yung Coffee Prince, sinabi sa akin na ganyan ang taping, one-week taping, after three days showing.

“Minsan nakaka-challenge. Pero siyempre, iba pa rin sana yung relax, napag-isapan...”

Mahirap din daw gawin ang period concept, TV series, at nagiging contemporary rin.

“Oo,” kumpirma ni Ricky, “sa ano, merong ano! Bakit may ganyan d’yan? Tanggalin mo ’yan!”

Paano niya ilalarawan yung hirap ng pagdidirehe niya sa Coffee Prince, Makapiling Kang Muli, at ngayon sa Forever?

Sabi ni Ricky, “Mahirap yung sa Makapiling Kang Muli kasi ang visual nun malaki, e—bundok, kabayuhan... physical.

"Although, meron ding ganito sa umpisa. Pero iba rin yung... kabayuhan yun, e.

"Biruin mo, ang superstar doon, yung kabayo, inaantay mo.

“Pag nagluko yung kabayo, ’Oy, makisama ka naman!’ Iba, e.

“O kaya, pag mga bata ang kaeksena. Sabi nga ni FPJ [Fernando Poe Jr.], ang superstar sa isang pelikula are the kids and the animals. Aantayin mo yun, e!

“Yung sa Coffee Prince naman, though laru-laro lang, pero mahirap din.

"Kasi ang comedy mahirap, a! Yung timing.

"Lalo na ako, ayoko ng slapstick. Sinasabi ko, ’O, huwag tayo magpatawa dito kasi nakakatawa na siya kung gagawin natin nang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Eto ang dialogue mo. ’Yan lang ’yan, gawin mo nang tama yung reaksiyon mo.’

"Funny na siya.

“Alam mong babae na nagpapanggap na babae. Bakit mo pipigain yun ano...

"Ako, sa akin yun ha? I don’t know sa ibang director, baka iba naman ang interpretation nila. Kanya-kanya ’yan, e.

"Although, sabi nila sa film school daw, walang mali.

"E, bahala na ang tao kung magustuhan nila o hindi.”



ALL PRAISES FOR ALJUR. Si Aljur Abrenica ang bida sa idinirek ni Ricky na primetime series last year, ang Coffee Prince.

May nagsasabing wala pa rin daw improvement sa kanyang acting ang hunk-actor. Pero kinontra ito ni Ricky at pinapurihan niya ang naobserbahang performance ni Aljur.

“Well, ang laki ng improvement ni Aljur sa Coffee Prince!” pagpapatunay ni Ricky.

“Sobra! Ang galing niya sa Coffee Prince.

“Ako, sa standard ko, ilalaban ko siya.

"Ngayon ko lang uli narinig ’yan. Pero before Coffee Prince may narinig ako na hindi siya actor. Medyo hesitant pa nga ako.

“Pero nung first day, second day, ’kala ko tsamba.

"Pero third day... aba, seryoso!

"Saka maya-maya nagtatanong, ’Direk, paano ito?’

"So, okey siya,” patuloy na pagtatanggol ni Ricky kay Aljur.

Willing pa rin daw siyang hawakan sa isang project ang young actor.

Ibig sabihin, nasa director din pala para mailabas ang husay ni Aljur sa acting?

“Well, depende, e. Baka nasa role. Baka na-inspire siya dito... depende. Baka dahil kay Kris [Bernal].

"Lambingan sila nang lambingan pero may kanya-kanya silang lovelife, e. Pero on the set sila.”



ON THE SET OF FOREVER. Magaan para kay Ricky ang gawin ang bago niyang serye, ang Forever.

Pahayag niya, “Masarap silang lahat kasama.

"Si Heart, hindi prima donna. Napakadaling kasama.

"Pag sinabi niyang ’dating ako ng 6:30,’ dating siya ng 6:30. ’Aalis ako ng 12, ha?’ Pero puwedeng magpaalam kung aalis.

“Walang conflict sa kanya, kahit yung mommy niya. Minsan dumadalaw sa set may dalang pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naramdamang may conflict.”

Hindi ba dumadalaw sa set si Senator Chiz Escudero, ang current boyfriend ni Heart?

“Wala pa... inaantay nga namin, e,” biro niyang sabi.



SARAH ISSUE. Si Sarah Lahbati, na controversial ngayon dahil sa away nito sa GMA-7, ay naging artista ni Ricky sa launching series nitong Kokak at Makapiling Kang Muli.

Ang Makapiling Kang Muli ang dahilan kung bakit nagkadebelopan sina Sarah at Richard Gutierrez bilang magkasintahan.

Bilang dating director ni Sarah at nasubaybayan niya ang young actress, hindi ba nanghihinayang si Ricky sa posibleng pagkalusaw ng potensiyal nitong maging big star dahil sa kontrobersiya nito sa dalawang network entity?

“Totoo bang aalis na siya? Hindi ko alam, e,” paglilinaw munang tanong ni Ricky.

“Hindi ko alam yung buong kuwento. Parang si Tita Annabelle Rama na ang ano niya [manager].”

“Hindi ko alam ang buong kuwento, pero oo, nanghihinayang ako.

"Tapos kung totoong nangyari sa kanya na nag-walk out siya, that’s really bad for her.”

Ang tinutukoy ni Ricky ang pag-alis diumano ni Sarah sa taping ng Indio na siyang sinasabing dahilan kung bakit natapon ang higit sa P500,000 na production cost sa taping nung araw na iyon dahil hindi nagawa pang kunan ang iba pang eksena.

“Mahal yun! Mahal naman talaga... bayad lahat, e.

"Bayad ang tao, bayad ang pagkain, bayad ang gasolina, bayad ang location... lahat! Toilet, bayad! Everything!

"Milyon sa isang araw. Lalo na yung Indio!

“Baka nga four million a day ’yan,” estima niya.

Nung nagkasama ba sila ni Sarah sa Makapiling Kang Muli, wala bang napansin si Ricky na napapagod na siya o may tendency na siyang mag-aklas at magreklamo?

“Wala naman... yung sa Kokak at saka sa Makapiling? Wala naman. Minsan lang inaantok. Minsan pagod siguro.

“Minsan sinasabihan ko, ’O, bakit pagod ka?’ Galing daw ng ganito, rumaket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan ko naman yun. Actors should rest also.

"Cooperate. Ibig sabihin, hindi mo naman puwedeng tanggapin lahat.

"E, kung ganon, e, di sige, tumanggap ka. Pero pagdating mo sa set, trabaho tayo.

“Huwag mong sabihing, ’E, kasi rumaket ako kagabi, e. Hindi excuse yun.

"Siyempre, lahat naman tayo gustong kumita. Kung araw-araw lang kung puwede, di ba?

"Yun nga lang, affected ang trabaho mo.”

Base sa mga nalalaman ni Ricky, pupunta na nga raw ng Switzerland si Sarah para mag-aral at iiwan na lang nito ang career niya.

“O, e, matalino naman siya saka taga-Switzerland naman siya.

"Pero sayang kasi ngayon pa lang umaakyat yung career niya at wala pa naman talaga.”

Matipid sa kanyang comment si Ricky tungkol naman sa nababalitang diumano’y pagdadalantao ni Sarah kaya nito gustong bumalik sa Switzerland.

“Totoo naman kaya yun? Hindi ko alam,” nangingiti niyang sabi kasunod ng reaksiyon niyang na-in love ang aktres.

Sa paniniwala ni Ricky, kahit artista, dapat nitong gampanan ang responsibilidad nito sa kanyang trabaho.

“Meron tayong responsibility, e. Sabi nga ni Spider-Man: ’With great power comes great responsibility,’ di ba?

“You’re a star, ibinigay sa iyo yang responsibility na ’yan, so do your responsibililty.”

Gaano kalaki ang panghihinayang niya kay Sarah?

“Sayang, kasi iba yung tipo niya, e.

"She’s tall, very pretty, very talented—magaling kumanta, sumayaw, seryoso naman siya sa craft niya. Sayang naman...

“Kasi nung presscon ng Kokak, sinabi ko na we have a new leading lady, new star in the person of Sarah Lahbati. E, tama naman, di ba?”

Gaya ng nauna niyang sabi, wala raw talagang ideya si Ricky sa isyu ng young actress.

“Hindi ko lang talaga alam yung puno’t-dulo... mas malalim pa yun, e.”



DAUGHTERS ENTERING SHOWBIZ? Samantala, hindi pa rin tiyak ni Ricky kung isa sa mga dalaga niyang anak ang makaka-interesang pasukin ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahiyain, e... baka late-bloomer.

"Kasi ako, late din ako, e [pumasok sa showbiz].

"Meron na akong 23-year-old, 19, 15...” na ang tinutukoy ay edad ng kanyang mga anak.

Kuwento naman niya sa sinasabing late-bloomer na pagpasok sa showbiz, “Pasundut-sundot lang.

"I was fourteen, pero hindi natuloy. Mga nineteen na ako, e.

"Nung nag-stage, twent... late-bloomer din ako, e.

“Hanggang sa patigil-tigil. Nung nag-graduate ako, kasi Engineering ang kinuha ko, e... Management Industrial.

"Nung naka-graduate ako, doon ako nag-decide na, ’Sige, mag-aartista na lang ako.’”

Ibig sabihin, hindi niya nagamit yung titulo niya?

“Eto ngayon, sa bidahan! Kuwento! Ayos ng bahay. I’m an Industrial Management engineer!

“Sana, nag-ano ako... AB Speech and Drama or Film kung meron man... Theater Arts,” saad niya.



INDIE FILM PROJECT. Isa sa mga pinupuntirya ring direksiyon ni Ricky ay ang makagawa ng indie film na siya ang magdidirehe.

Kuwento niya, meron na raw siyang material, “Meron akong material, matagal ko nang nilalako.


"Hiblang Abo, written by Rene Villanueva... the late Rene Villanueva…

"It’s about four old men sa home for the aged. Play yun, e.

“Nung nakausap ko si Rene, sinabi ko na dream kong gawing film ito. Nagdidirek-direk na ako.

"So, after a few weeks, he wrote a screenplay at dini-dedicate pa niya sa father ko.

“Kasi, gusto ko pa nga gawin ito ng tatay ko [the late Charlie Davao], si Dolphy [deceased], Paquito Diaz [deceased], and Eddie Garcia.

“Actually, hawak ko yung material four years na. Ibinigay ko kay Dolphy.

"Si Eddie Garcia, tumatawag yun from time to time: ’Hey, Ricky! I’m ready for my close-up.’

"In-offer ko na pero wala akong pera. Tapos, walang producer.

“Sana apat yun, kinamatayan na nga, e.

"Tapos meron sanang Tita Glo [Gloria Romero], Armida [Siguion-Reyna] sana... kasi may mga lola sa kabilang ano, e.

“So, pag pelikula, dadami na... kasi dun sa play, puro lalake lang. Pero since pelikula na nga ito, lalagyan natin ng mga lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isinulat ito nung 1980s at winner ito sa CCP... so sana makahanap ng producer at magawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN