Part 1. Heart Evangelista on how far she would go to show PDA: "I would never make laplap, if that’s the norm. Oh, my God!"

Kahit tinagurian siyang isa sa pinakamaganda at pinaka-seksing babae sa local showbiz, minarapat pa rin ni Heart Evangelista na hindi muna pumayag sa planong maging cover girl ng FHM Philippines.


Inalok na pala ng FHM Philippines si Heart Evangelista for a sexy cover and pictorial, pero tinanggihan ito ni Heart.

“Yeah, but ayoko.

"I was supposed to do one that was gonna come out, I think, December or January, parang ganun. Pero hindi, e.

“Nakausap ko na yung photographer, I’m friends kasi with Xander Angeles, I got the pegs... ayoko.

“Ayoko, bakit, for what pa?” sinabi ni Heart nung nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng GMA afternoon drama series na Forever last January 8 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Wala nang chance na pumayag siyang magpa-pictorial for FHM?

“For what naman, di ba? Maghahabol pa ako ngayon?

"Okay na yun, naka-survive na naman ako.

“I’ll think about it maybe,” sabi ni Heart.

So, hindi pa pala niya tuluyang isinasara ang pintuan ng pagkakataon para sa nasabing sexy photo shoot?

“As of now, I’m closed, but I could still change my mind!” sabay tawa ni Heart.

Since February 14 ang birthday ni Heart, maganda siguro kung maging cover girl siya ng FHM sa February issue.

“Depends, e, kasi conscious ako sa mga ganyan, e. Maarte ako, e, pero mabuting tao naman ako,” paliwanag ng Forever lead star.



FRIENDS WITH DANIEL. Napag-usapan din ang tungkol sa pagiging magkaibigan ngayon nina Heart at ng ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.

“Yeah, we’ve always been friends. We’ve always been friends.

“Okay siya. In fairness, sa lahat ng naging ex ko, siya yung pinaka... ‘How are you?’... gaganun siya.

“’Look, I’m good,’ sabi kong ganyan. ‘What is this I’m hearing?’

“Gaganyan siya... ‘How about you, I heard this and that...’

In an interview with Daniel, na lumabas din dito sa PEP, sinabi ng Brapanese hunk na kapag nakita nito si Senator Chiz Escudero, ang sasabihin niya dito ay: “Chiz, take care of Heart. It would be really nice to meet you, I heard really good things about you, I heard you’re really smart and baka one day you’ll be the President of the Philippines, you know."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang reaksyon ni Heart tungkol dito…

“Mabait siya, mabait naman siya, e," banggit niya tungkol sa ex.

“He’s really nice. Hindi lang talaga kami nag-work dahil iba pa rin yung Pinoy.”

Long-distance ba talaga ang dahilan ng breakup nila ni Daniel?

“O sige, hindi namin napag-usapan yun, pero sige, iyon na rin yun. Agree na,” ang tawa nang tawang sagot ni Heart.

Sabi nga, si Heart may senator; si Daniel naman ay may presidential sister dahil nali-link ang ex-boyfriend ni Heart kay Kris Aquino.

“Ang taray! Oh, my gosh!” sabay tawa muli ni Heart.

Idinenay naman ni Daniel na may ugnayan sila ni Kris.

“Ah, dinenay niya? I don’t know, e, I really don’t know,” gulat niyang sagot.



DEFINING PDA. May isyung mahilig daw silang mag-PDA (public display of affection) ni Chiz.

Sabi ni Heart tungkol dito, “To what level? Ako, I’m very affectionate, I’m very malambing.

“If holding hands and maybe a kiss on the cheek or an embrace or yun lang naman, then if that’s what PDA is, then fine, that’s PDA.

“But I would never make laplap, if that’s the norm. Oh, my God!

“If that’s the word that’s they’re... ano. For me, laplap is PDA, that doesn’t happen.

"And not like that then.

“Kiss, oo... smack!” sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN