Part 2. Heart Evangelista on the speculation that competition among GMA-7’s female lead stars has slackened a bit with Sarah Lahbati’s sudden ’leave’: "For me to think of that, parang napa

Would Heart Evangelista sacrifice her career for love? "I only did that once and I’ll never do that again," she declares emphatically.


Ngayong wala na sa bakuran ng GMA-7 ang young actress na si Sarah Lahbati, ayon sa opinyon ng marami ay tila naging “maluwag” na ang kumpitensiya among the leading ladies sa Kapuso network.

At bilang isa sa mga female lead stars ng GMA-7, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opinyon si Heart Evangelista tungkol dito.

“I’m really so conflict-free, I’m just happy with what’s given to me,” sabi niya.

Pabor ba kay Heart at sa ibang leading ladies ng GMA-7 ang pagkawala ni Sarah?

“I don’t even have… I don’t even think like that, super no!

“I don’t think of those things, I’m just happy with whatever I have, and I treasure whatever I have.

"But for me, to think of that, parang napaka-evil ko!

“Parang ang dark ko naman,” pahayag ni Heart.


CAREER VS. LOVE. Kaya ba ni Heart na isakripisyo ang career ng dahil sa pag-ibig?

“I only did that once and I’ll never do that again!” ang tumatawang reaksiyon ng aktres.

Paano kapag niyaya na siyang pakasal ng kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero?

“Well, we’ll see when that happens. But don’t worry, I won’t hide it.”

Heart’s ideal age for settling down…

“Hmmm... feeling ko I was really made to… ano naman, e, one-man woman ako, you know, and I’m turning twenty-eight.

"But I don’t really think of it much now to be honest. Really, I don’t.”

Kung sakaling mag-aasawa na siya, hindi raw tatatalikuran ni Heart ang kanyang showbiz career.

“Ang career will always be there, I’ll always go back.

"Whether I end up with him or not, I’ll always go back to my career.

“But one day, when I do have a family, I have to live my life a little bit lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung maaari, ayaw ni Heart na isabay ang pagiging maybahay at ina sa pag-aartista.

“Ayoko, e,” giit niya.

Hindi naman siguro siya pagbabawalan ni Senator Chiz o kung sinuman na mapapangasawa niya.

“Kung siya... pero kung hindi?" at tumawa si Heart. “Ayokong maging masyadong presumptuous.”

Ayaw gamitin ni Senator Chiz sa eleksyon si Heart.

Ayon mismo kay Heart, ang senador mismo ang may ayaw na magkampanya si Heart para dito sa nalalapit na eleksyon.

“Kasi, because nga of what people are saying, just so... parang it’s for me and the people around me, dahil na din so nothing is said,” ang sinabi ni Heart.

At ayon sa marami, hindi na kailangang ikampanya si Chiz.

“Hindi na kailangan, ngayon number one siya sa Luzon!” deklara niya.

Pero very much willing si Heart na magkampanya para sa kasintahan…

“Alam mo naman ako, of course naman, ‘no! Siyempre naman.

“But I’ll also understand and I know he’s doing it for me and for the people that are with me, you know, like my family and all these things.

"So he’s very sensitive with that matter.

“In fact, we already talked on how we’re going to work with my schedule and his schedule, kasi he’ll be away, and hindi niya ako isasama.

“So, pag may time na puwede siyang bumalik, babalik siya, tapos pupunta siya ulit dun kung saan ang campaign niya, kahit mapagod siya, to make time.”



NO TO POLITICS? Si Heart daw ay walang planong maging pulitiko.

“No, no. Hindi, e.

"Hindi naman ako kailangang maging pulitiko to help. If it’s your destiny,” paglinaw niya.

Pero may pagkakataon siguro na maging First Lady siya kapag naging mag-asawa sila ni Senator Chiz at naging Presidente ng bansa ang senador.

“Taray! Pag-usapan natin ito pag dumating yun. Oh, my God!” bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never daw sumagi iyon sa isip ni Heart.

“That’s one of my things, e. I don’t expect kasi if you dream so much of what could be, you did your life together, and then something goes wrong...

“That’s one lesson I learned, I’m scared...

"So if it happens and it’s there na, e, di that’s when you could be happy about it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN