Rhian Ramos on Sarah Lahbati’s ongoing controversy with GMA-7: "She wasn’t really my friend, but I don’t want her to be my enemy, so I don’t wanna say anything about it.”

Rhian Ramos’s stand on the alleged competition among her home network’s female lead stars: “Personally, I really don’t like competing in the first place. Kung may ilang leading ladies, I mean, feeling ko, may place naman para sa lahat, e. Hindi naman kailangang isa lang, you know."


Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na muntik na palang mag-sexy pictorial si Rhian Ramos para sa men’s magazine na FHM Philippines.

“Before, when I turned eighteen, na-offer-an ako.

“My thing is lang naman, and I talked naman also to them about it, kasi actually ang gaganda lagi ng mga pegs nila every time na nag-o-offer sila.

“Actually, nung ibinibigay nila sa akin, nakita ko... disente, maganda, classy, sexy, hindi bastos yung itsura,” umpisang kuwento ni Rhian.

Ang problema lang daw ay hindi naman mako-control ni Rhian ang kabuuang nilalaman ng magasin.

“As much as nako-control ko yung photo shoot ko, or kung ano yung gusto kong clothes... kung ano yung gusto kong pose... hindi ko mako-control yung mga confessions, hindi ko naman mako-control yung ibang ano, e... so I don’t wanna push that.

“E, hindi naman ako writer ng magazine, so it’s parang mahirap tanggapin.

"Kasi every time you put your face on something kasi, parang you have to understand what you’re selling, so ayun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian noong January 9, sa Max’s Restaurant sa SM Megamall, pagkatapos ng press screening ng Indio na upcoming primetime series ng GMA-7.


COMPETITION. Samantala, ayon kay Rhian, hindi raw sila nagpatalbugan na mga gumanap na diwata sa Indio.

Sa bagong primetime series ng GMA-7, gumaganap na diwata ng mga lumilipad na hayop na si Magayon si Rhian; diwata naman ng hangin si Ehra Madrigal bilang si Lehangin; si Solenn Heussaff bilang Lalahon; si Sam Pinto bilang Lidagat; si Rachelle Ann Go bilang Libulan; si Ellen Adarna bilang Dalikmata; at si Sarah Lahbati bilang Ynaguigilid.

Sabi ni Rhian, “Actually, well, wala naman kaming patalbugan kasi yung outfits naman namin, lahat naman provided.

“And then, as for yung mga character namin, iba-iba din ang peg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung peg ko kasi, mas simple talaga.

"Yung peg ni Solenn, talagang yung mukhang very fiery, very sultry yung itsura, iyon.

"Iba-iba talaga so walang kumpetisyon sa amin.”

Wala rin daw intrigahan kahit lumalabas na siya ang bida among the “diwatas” sa naturang primetime series.

Sa pilot week kasi ng Indio ay maraming eksena si Rhian kumpara sa ibang mga aktres na gumanap na diwata.

“Kasi yung character ko yung nagbabantay kay Indio kaya kailangan, kung nasaan siya, nandun ako!” sabay tawa ni Rhian.

“Lahat naman kasi ng mga diwata, parang pinag-uusapan namin kung ano yung gusto naming mangyari sa Pilipinas.

"Pero ako yung naatasang sundan si Indio.”



SARAH ISSUE. Dahil kasama sa cast ng Indio si Sarah Lahbati, nausisa rin si Rhian tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang co-star.

Ngayong "wala "na sa GMA-7 ang young female star, tila naging “maluwag” na ang kumpitensiya among the leading ladies sa Kapuso network.

Ano ang komento rito ni Rhian?

“Personally, I really don’t like competing in the first place.

"Kung may ilang leading ladies, I mean, feeling ko, may place naman para sa lahat, e.

"Hindi naman kailangang isa lang, you know.

“May place naman para sa lahat, so hindi ko naman iyon naisip.”

Diretsahan namang sinabi ni Rhian na hindi sila close ni Sarah kaya wala siyang maibibigay na advise dito.

“I don’t know kasi hindi ko alam yung side niya, e. I don’t know, I can’t really give advise.

"I mean, it’s so hard to give advise.

“I mean, she wasn’t really my friend, but I don’t want her to be my enemy, so I don’t wanna say anything about it.”



MISHANDLED? Hindi nga sila close ni Sarah, although iisa ang handler nila noon sa GMA Artist Center, ang talent management division ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have the same handler, dati. Dinagdag ko talaga yung ‘dati’,” sabay tawa ni Rhian.

Ang naturang handler ay nasangkot din kasi sa mga kontrobersiya na may kinalaman kay Sarah.

Ayon pa kay Rhian, “Actually, nalaman ko na lang nung lumabas sa balita and na-shock din ako."

Pinagdaanan na rin ni Rhian ang mga issues at kontrobersiya.

“I don’t know if it’s the same thing, pero, yeah!”

Si Rhian ay nanahimik noon sa gitna ng mga eskandalo sa kanya.

“That was my choice, that was my personal choice to stay quiet, leave.

"I didn’t wanna talk about anything,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN