Janine Gutierrez on mom Lotlot de Leon and grandma Pilita Corrales reconciliation: “Super touching—talagang parang Christmas miracle!”

Nag-celerate ng isang napakasayang Pasko ang buong pamilya ni Janine Gutierrez dahil sa pagbabati ng kanyang ina na si Lotlot de Leon at ng kanyang lola na si Pilita Corrales. Lahad niya, “The day after, nag-Mass kaming lahat—kaming magkakapatid, si Mama, si Papa, si Mamita, at saka si Tita Jackie. Nakakapanibago… pero ang sarap ng feeling talaga.”


Hindi naitago ni Janine Gutierrez ang sobrang tuwa sa pagbabati sa wakas ng kanyang inang si Lotlot de Leon at lolang si Pilita Corrales.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janine sa Party Pilipinas noong Linggo, January 13, naikuwento niya kung paano ito nangyari.

“Kasi, Mamita [Pilita] sent her a gift, tapos may letter.

“Christmas Eve iyon. Tapos kinausap kaming magkakapatid ni Mama [Lotlot] na, kinabukasan, pupuntahan na lang namin si Mamita.

“Sobrang natuwa talaga po kami.

“Kasi hindi ko po inakala… hindi ko na lang in-expect na baka mangyari pa iyon kasi parang matagal po kasi silang hindi naging okay, e.

“Kaya noong nangyari po, talagang super surprised kami.

"Sobrang saya at sobrang thankful po namin.”



PILITA’S GIFT. Ano yung gift na ipinadala ng kanyang Mamita sa Mama niya?

Sabi ni Janine, “Hindi ko po alam, e. Ang tiningnan ko lang po ay yung card.

“Kasi, ipinabasa po niya sa amin para daw makita namin kung ano raw iyong sinabi ni Mamita.

“Naiyak po talaga ako noong sinabi ni Mama na gusto nga niya pong puntahan si Mamita kasi talagang natuwa po kami.”

Ano naman ang kanyang naging pakiramdam nang magpunta sila sa bahay ng kanyang Lola Pilita noong mismong araw ng Pasko?

“Parang kinabahan po ako!” sabay tawa ni Janine. “Ako yung kinabahan!

“Noong dumating kami, si Mamita, nagulat. Kasi hindi naman namin sinabi na pupunta kami kasama si Mama.

“So talagang nagulat si Mamita.

"Tapos, I really saw na talagang happy siya.

“Sabi niya sa amin, iyon daw ang happiest Christmas niya kasi nandoon daw si Mama.

“So yun… super touching—talagang parang Christmas miracle!”



EFFORTS. Dati, may mga pagkakataon daw na sinusubukan nilang mamagitan para baka sakaling mapagbati nila ang dalawa.

“Minsan po, magkukuwento kami kay Mama ng tungkol kay Mamita, na parang kung ano lang yung mga nangyayari na mga ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mamita rin naman, lagi niyang mini-mention si Mama. Na parang, ‘I hope we can be okey na.’”

Ano ang unang nasabi nina Lotlot at Pilita sa isa’t isa nang magkaharap na ang mga ito?

Sabi ni Janine, “Hindi ko po alam, e. Hinayaan po kasi naming silang makapag-usap nang silang dalawa lang.

“Pero yun… nagyakapan po sila. Tapos magkakasama po kaming nagmeryenda.”



ABSENT PAPA. Nandoon ba ang ama niyang si Ramon Christopher nang araw na magkabati ang kanyang ina at lola?

“Wala. Pero the day after, nag-Mass kaming lahat—kaming magkakapatid, si Mama, si Papa, si Mamita, at saka si Tita Jackie [Lou Blanco].

“Nakakapanibago… pero ang sarap ng feeling talaga.

“Super-saya po naming magkakapatid.

“Kasi sanay po kami na kapag Christmas, pupunta muna po kami kay Mamita, tapos kay Lolo [Christopher de Leon], tapos sa amin.

“So, at least ito, napagsama-sama lahat.”

Nagkita-kita rin ba sila ng lola rin niyang si Nora Aunor?

“Hindi po kami nagkita this Christmas, e. Busy po… Kasi filmfest, e,” sagot ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN