Derek Ramsay on being dragged into Cristine Reyes-Rayver Cruz breakup: “I don’t give it much attention and I won’t let it affect my friendship with Cristine.”

Nadadawit ang pangalan ni Derek Ramsay bilang "third party" diumano sa breakup nina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Ngunit maging sina Cristine at Rayver ay itinangging may kinalaman si Derek sa kanilang hiwalayan.


Lumutang ang pangalan ni Derek Ramsay na third party diumano sa hiwalayang Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Pero sa panayam ng The Buzz kina Cristine at Rayver ay pinabulaanan nilang hindi si Derek ang dahilan sa kanilang breakup.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ng InterAksyon kay Derek ngayong araw, January 14, inamin niya na lumalabas talaga sila ni Cristine. Pero itinanggi ng aktor na nililigawan niya ang dalaga.

Ani Derek, “Sabi nga ng mga tao, nakikita nila kami lumalabas… yeah… twice?

“But comfortable… we’re comfortable to be seen by anyone because we’re friends.”

Naging malapit daw sina Derek at Cristine simula noong magkatrabaho sila sa 2011 film nilang No Other Woman.

Natatawa pang dagdag pa ng Kidlat star, “We have a very weird relationship because every time na I call to check up on her, sasagot ‘yan na, ‘Ano? Mang-eepal ka na naman?’

“Pero ganun lang talaga siya magsalita. And that’s how we are with each other and we laugh about it.”

Inamin din ni Derek na dalawang beses na silang nagkasama ni Cristine.

Una, noong isang taon sa Batangas, kung saan aksidente silang nagkita. Kasama niya ang kanyang pamilya noon, samantalang si Cristine ay kasama ang kanyang mga kaibigan.

Pangalawa, sa isang gimik kasama ang mga kaibigan sa The Fort noong December.

Pero patuloy na pinanindigan ng Kapatid hunk na hindi talaga siya ang dahilan ng breakup nina Cristine at Rayver.

Aniya, “We’re friends. We developed this friendship over No Other Woman.

“Rayver was my friend before No Other Woman.”

Dagdag pa ni Derek, “I don’t give it much attention and I won’t let it affect my friendship with AA [palayaw ng Cristine].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN