Direk Dante Nico Garcia on his indie films: "Masakit minsan na may ini-imagine ka na mas marami pang nakapanood ng shooting kaysa sa nakapanood ng pelikula."

“The way I believe in my product will never change fifty years down the road. So, hahanapan ko ng paraan para kumita. Gagawa ako ng baby steps para sa akin, para sa iba pang mga tao. Pero hindi ako nagse-settle masyado… hindi ako nagdu-dwell masyado dun sa idea na hindi nakakabawi agad kasi baka ma-trauma ako. Baka ma-trauma ako at umayaw na ako. Kasi gusto ko pa, e, gusto ko pa," pananaw ni Direk Dante Nico Garcia tungkol sa patuloy na paggawa ng indie films.


Bilang big supporter at tagapagpalaganap ng independently-produced films—o mas kilala bilang indie movies—ramdam na ramdam pa rin ng direktor na si Dante Nico Garcia na hirap pa rin ang mga ganitong pelikula na kumita sa takilya.

Mangilan-ngilang indie movies lang daw ang nabibigyan ng pagkakataon na mai-release commercially at mai-distribute ng malaking film company.

Halibawa na nga lang daw ang recent indie movie ni Direk Ga (palayaw ni Dante) na Madaling Araw Mahabang Gabi, na sa kabila ng presence ng mga malalaking artista ay hindi pa rin masyadong tinangkilik ng mga manonood sa sinehan noong ipalabas ito last year.

Tampok sa Madaling Araw Mahabang Gabi sina Angelica Panganiban, Glaiza de Castro, Kean Cipriano, Edgar Allan Guzman, Buboy Garovillo, Tutti Caringal, Karel Marquez, Rocco Nacino, Alchris Galura, Jeffrey Hidalgo, Callum David, Dominic Roco, Lou Veloso, at Cherie Gil.

Dahil pinag-isipang mabuti, pinaghirapan, at pinagkagastusan niya ang pelikula niya, nasasaktan ba siya kapag hindi ito kumikita?

Pag-amin ng direktor, “Masakit… masakit minsan na may ini-imagine ka na mas marami pang nakapanood ng shooting kaysa sa nakapanood ng pelikula.

“Prangkahan na. Ganun talaga.

“Pero alam ko, fifty years down the road, gusto ko yung mga apo, kundi man sa akin, yung mga anak ng mga kaibigan ko, mapa-proud naman sa mga pelikula ko.”

Ngunit hindi raw siya sumusuko na makikita niya ang indie movie niya na kikita rin sa takilya.

Sabi ng Ploning director, “Ako, proud ako. Parang how I see myself now will never change.

“The way I believe in my product will never change fifty years down the road.

“So, hahanapan ko ng paraan para kumita.

“Gagawa ako ng baby steps para sa akin, para sa iba pang mga tao.

“Pero hindi ako nagse-settle masyado… hindi ako nagdu-dwell masyado dun sa idea na hindi nakakabawi agad kasi baka ma-trauma ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka ma-trauma ako at umayaw na ako. Kasi gusto ko pa, e, gusto ko pa.”

MAY PERA SA BASURA. Ano naman ang komento niya sa sinasabing ang matitinong pelikula ay hindi kumikita at yung itinuturing ng iba na basurang pelikula ang kumikita?

Sagot ni Direk Nico, “Masyadong masakit iyan naman. Kasi wala naman talagang basura na ipapalabas mo, e.

“Kanya-kanyang niche market lang iyan. Kanya-kanyang hanapan ng audience."

So, para sa kanya, walang pelikulang basura?

“Hindi pa ako nakakapanood.

“Kasi kaya nga may kanya-kanyang pilian. Yung mga tao, opinyon nila yun.

“At saka art iyan, relative iyan, e.

“Puwede yung maganda sa iyo, basura sa paningin nila, e.

“So, kanya-kanya na lang tayong hanapan ng audience.

"Kung may way na makapagtulungan, e, di mas masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN