Part 1. Kris Aquino refuses to talk about ex-husband James Yap: "Ayokong ma-color yung judgment ni Bimbs na hindi niya gustuhin ang tatay niya dahil sa sobrang pagmamahal sa akin."

Ayon kay Kris Aquino, sa nakikita niya ay wala talagang magugustuhan na lalaki ang anak niyang si Bimby para sa kanya. “Wala siyang gusto, gusto daw niya ng lolo. Yun ang sinasabi niya: ‘Somebody old, Mama, para you can’t kiss him anymore and you will only hold his hand.’ Tingin ko, wala siyang gugustuhin talaga, sobrang possessive because nasanay kaming tatlo, it’s just the three of us."


Bago natapos ang 2012 ay itinanggi ni Kris Aquino ang sinabi ng kanyang ex-husband na si James Yap na maayos ang kanilang relasyon.

Hndi naging malinaw kung ano talaga ang rason ng pinagkatampuhan nina Kris at James, pero gumawa ng ingay ang naging tweet ng TV host-actress na nabastos siya sa mismo niyang tirahan na siyang ugat kung bakit nagalit siya sa basketbolista.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa grand presscon at premiere screening ng ABS-CBN primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw noong Linggo, January 13, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris kung naayos na ba ang tampuhan nilang dalawa ni James.

Sagot niya, “I promised my sisters I won’t talk about him… sorry, ha.

“Ayoko talagang if you say something now, tatanungin na ninyo naman siya, hahaba nang hahaba lang.

“It’s really for the sake of our son,” pagtukoy pa ni Kris sa anak nila ni James na si Bimby.

“Whatever you say, ang anak, kakampi at kakampi sa nanay.

“So, ayokong ma-color yung judgment ni Bimbs na hindi niya gustuhin ang tatay niya dahil sa sobrang pagmamahal sa akin.

“So, dapat quiet na lang ako.”



THE OTHER MEN. Naikuwento ni Kris sa recent interviews niya na galit na galit at hinamon pa ng suntukan ni Bimby si Robin Padilla dahil sa napanood nitong kissing scene nina Kris at Robin sa Kailangan Ko’y Ikaw.

Hindi rin ba nagalit si Bimby sa pagbibiro na ginagawa naman ng kaibigan ni Kris na si Vice Ganda sa kanilang dalawa ni Daniel Matsunaga?

Sagot ni Kris TV host, “Siyempre hindi niya sineryoso kasi feeling naman niya, never niyang nakita anywhere.

“So, feeling niya talaga, gawa-gawa lang yun—which is true naman talaga.

“Sineseryoso lang naman niya kung sino talaga ang nakita niya.

“Unfortunately, sobrang paulit-ulit yung trailer ng Kailangan Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kahit kilala niya si Tita Mariel [Rodriguez, Robin’s wife], medyo ano talaga sa kanya yun.

“Sinasabi niya sa akin, ‘You married him, there was a church.’”

Ayon pa kay Kris, sa nakikita niya ay wala talagang magugustuhan na lalaki ang anak niya para sa kanya.

“Wala siyang gusto, gusto daw niya ng lolo.

“Yun ang sinasabi niya: ‘Somebody old, Mama, para you can’t kiss him anymore and you will only hold his hand.’

“Tingin ko, wala siyang gugustuhin talaga, sobrang possessive because nasanay kaming tatlo, it’s just the three of us.

“My two sons sleep with me, wake up with me, travel with me.

“Parang ang mundo namin, umiikot sa aming tatlo. Mahirap para sa kanila.

“And siguro si Bimby asserts that so much ‘coz he knows he’s responsible to his Kuya [Joshua].”

KIM-MAJA ISSUE. Malapit si Kris sa young actress na si Kim Chiu. Tuwing naggi-guest nga si Kim sa Kris TV ay kitang-kita talaga ang closeness nilang dalawa.

Tinanong ng PEP si Kris, bilang isang kaibigan, ano ang suportang ibinibigay niya ngayon kay Kim dahil sa isyu nito kay Maja Salvador.

Magkasama sina Kim at Maja sa primetime soap na Ina Kapatid Anak, ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa dahil sa pagkaka-link ni Maja kay Gerald Anderson, na ex-boyfriend naman ni Kim.

(CLICK HERE to read related story.)

Naging maingat naman si Kris sa kanyang naging pahayag.

Aniya, “Alam ninyo, ayokong pumili between the two kasi si Maja also started with us in The Buzz, we were her first interview.

“But I’m not gonna deny na nakausap ko si Kim recently.

“Ang sinabi ko lang kay Kimmy is that, ‘You’re at a such good place in your life right now. Kung nasaan ka man ngayon, dun ka mag-focus kasi hindi mo naman mababalik ang nakaraan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The last thing I want is for people to think that she’s bitter because, recently, sa lahat ng nakita ko, maligayang-maligaya na siya, e.

“Unfortunate lang yung mga circumstance ngayon, yung mga intriga, pero hindi nadi-diminish nun ang pagmamahal ko sa dalawa.

“Hindi kami nagkausap ni Maja, honestly si Kim talaga ang mas regular ang communication naming dalawa.

“Very okay talaga, ayoko siyang pangunahan, kasi buhay niya ‘yan, ayokong manghimasok sa buhay nila.

“Pag narinig ninyo yung narrative niya, yung kuwento niya, maiintindihan ninyo—the same way very much like Kailangan Ko’y Ikaw.

“Parang yun lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN