Part 2. Kris Aquino on box-office success of Sisterakas: "Parang hindi ako makapaniwala talaga."

Ipinaliwanag ni Kris Aquino kung bakit hindi na siya papayag kung sakaling gawan ng sequel ang Sisterakas: “I told Vice you cannot repeat this because it was a fresh experience. Obviously, kung uulitin mo, hindi na siya fresh. Sinabi ko, kung gagawa sila ni Uge [Eugene Domingo] or sila ni Ai-Ai, out na ako dun, kasi nagawa na namin yung combination na ito. Saka sinabi ko sa kanya, ‘Nagawa natin ang movie we’re still the best of friends,


Nagdilang-anghel na naman si Kris Aquino nang sabihin niyang ang Sisterakas ang mangunguna sa takilya sa katatapos lang na 2012 Metro Manila Film Festival.

Ang Sisterakas ang entry ng Star Cinema at Viva Films sa taunang film festival. Kasama ni Kris dito sina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda.

Bukod sa pagiging topgrosser sa MMFF, ang Sisterakas na ngayon ay may hawak ng record bilang “highest-grossing Filipino film of all-time.”

Sa pagtatapos ng 2012 MMFF ay kumita ang Sisterakas ng P342 million, na siguradong tumaas pa dahil palabas pa rin ito sa maraming sinehan.

Nabura ng pelikulang ito ang record na naitala ng Praybeyt Benjamin (2011)—na mula rin sa Star Cinema at Viva Films at tinampukan ni Vice—na kumita ng P320 million.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Kris sa tagumpay na tinamo ng kanilang pelikula.

“Alam ninyo, nagugulat ako, kasi every day, si Tita June Rufino [of Viva Films] at si Tess Fuentes [of Star Cinema], nag-a-update pa rin.

“You know we’re going on… patapos na yung third week, pa-fourth week na.

“And the fact na yesterday [January 12], we still earned almost six million, parang approaching na siya 380 million.

“Yun, parang hindi ako makapaniwala talaga.

“Honestly, again, kaya ko ito sasabihin na ni-lure nila ang expectations ko kasi tinanong ko before, ‘Ano’ng opening ng Enteng Ng Ina Mo [Vic Sotto-Ai-Ai delas Alas movie]?’ Tess Fuentes told me 32 million.

“She told me, ‘You better pray for between 30 to 35 million para we’ll hit our target.’

“Tapos paggising ko, at nakita kong 40 million ang first day, parang talagang, ‘Is that possible? Puwede ba itong mangyari talaga?’

“Tapos araw-araw na for our first, all the way hanggang New Year, di bumaba sa 30 million a day, e. Parang ang feeling mo, ‘Ano ito?’"

Patuloy niya, “It came at the right time with the right combination—and it was something fresh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I told Vice you cannot repeat this because it was a fresh experience.

“Obviously, kung uulitin mo, hindi na siya fresh.

“Sinabi ko, kung gagawa sila ni Uge [Eugene Domingo] or sila ni Ai-Ai, out na ako dun, kasi nagawa na namin yung combination na ito.

“Saka sinabi ko sa kanya, ‘Nagawa natin ang movie we’re still the best of friends, sobrang nagmamahalan tayo. Kung sobra nating i-stretch ito, baka magkabuwistan na tayo.’”

SHOW ME THE MONEY! Bilang isa sa co-producers ng Sisterakas, along with Vice and Ai-Ai, sinabi ni Kris na bagamat malaki ang kinita ng kanilang pelikula ay nagkakamali ang iba kung inaakala nilang sobrang dami na niyang pera.

“Pero feeling ninyo sobrang yaman ko na ngayon, mali, kasi nagbayad ako because siningil ako ng Star Cinema.

“Akala ko, di ba, parang quits na lang kasi ang laki na ng kinita? But I paid my share and I paid myself.

“Binayaran ko ang sarili ko ng talent fee at nag-pay din ako for the cost of production.

“So, parang kung anumang bonus ang inabot sa amin nung Thursday, wala, hindi ko talaga naramdaman.

“Tapos times four nun ang ibinalik ko sa production.

“Tapos nung tinanong ko kung kailan natin makikita yung pera, nagulat ako na parang yung suweldo ko as artista…

“Di ba tapos na, nag-showing na and all? By my birthday ko [February 14] pa raw mararamdaman.

“Tapos yung mga profits daw, by Mother’s Day [May].

“’Ay, matagal pa pala!’ Pero okay lang na matulog ang pera kasi mas di mo yun kikitain sa bangko.”

NO TO SEQUEL. Consistent naman si Kris sa pagsasabing hindi niya gagawin kung magkakaroon ng sequel ang Sisterakas.

“Honestly, ayoko nang gumawa ng movie for now, ha. Natatakot talaga ako.

“Because of the big success [of Sisterakas], parang takot na takot ka talaga na, ‘Kaya ko ba kahit mangalahati man lang niyan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kahit kalahati, sobrang laki na. “

Isang pelikula lang daw ang nakalinya niyang gawin this year, kasama si Eugene Domingo, kung saan magko-co-produce ulit siya.

“Also, mayroon talaga akong long-standing commitment kay Uge, with Eugene Domingo.

“Before pa nag-Kimmy Dora 2, kinausap na nila ako... ng Spring Films, ni Direk Joyce[Bernal], nag-meeting na ako with Direk Chris Martinez.

“So if there’s one project I will do this year, mukhang yun.

“Parang it will be similar sa Sisterakas na 50 percent will be from Star, tapos 25 percent from Spring and yung kay Atty. Joji [Alonso], tapos paghahati-hatian. Kasi ang daming nakausap na pagsamahin kami."

Sabi pa ni Kris, “Nahihiya din ako kasi naka-sampung tawag na si Mother Lily at si Roselle [Monteverde].

“And sobrang laki ng utang na loob ko kay Mother so nahihiya akong hindi tuparin—pero isa lang ang katawan ko.

“Until magtapos ang Pilipinas Got Talent, which is in June, mahirap talagang ibigay ang commitment.

“Kasi pag-aari ng Kailangan Ko’y Ikaw ang schedule until the end of April.”



KAILANGAN KO’Y IKAW. Magsisimula nang ipalabas on January 21 sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang Kailangan Ko’y Ikaw.

Hindi kaya kinakabahan si Kris sa mataas na expectation ng iba na kung hindi man mahigitan ay dapat ay mapantayan nila ang ibang dekalidad na ABS-CBN primetime series, gaya ng Walang Hanggan?

Sagot niya, “Hindi ako kinakabahan, pero si Deo [Endrinal], pinapakaba ako.

“Kasi parang sinabi sa akin ni Deo, there’s so much pressure on him coming from the success of Sisterakas.

“Na ang feeling niya, pag hindi niya pa raw ito mapa-rate, dahil napagsama-sama niya kaming lahat, may mali na raw sa kanya as creator of television.”

Kasama ni Kris sa cast sina Robin Padilla at Anne Curtis.

Dagdag niya, “Sinabi ko sa kanya, ‘Bago ikaw kinabahan, hindi naman ako kinakabahan, tapos ngayon biglang kinabahan na ako.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN