Bela Padilla on Sarah Lahbati controversy: "Well, let’s hope for the best and hindi naman siguro dito mag-e-end yung career, e."

Kuwento ni Bela Padilla sa pakikitungo nila sa "tita" nilang si BB Gandanghari: “Lahat kami actually, minsan nagkakamali pa rin kami, how we sometimes slip and call him uncle Rustom… Pero ngayon, medyo nasasanay na rin ako, ’Tita BB’ na ang tawag ko sa kanya.”


Nagpasilip si Bela Padilla ng mga magiging kaganapan sa huling linggo ng pinagbibidahan niyang afternoon series sa GMA-7, ang Magdalena.

Naganap ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bela noong nakaraang linggo sa GMA-7 studios pagkatapos ng live interview niya sa H.O.T. TV.

Saad niya, “Sa last week na ito ng soap namin, ipapakita na ito na talaga ang last chapter ng buhay ni Magdalena.

“So, hindi na ganoon ka-heavy like doon sa ipinalabas sa fifteen weeks na ipinalabas sa show na masyadong mabigat na ang dami-daming nangyari sa kanya.

“Sa last week, parang tumalikod na siya sa mga experiences niya, kaya yung mga decisions niya, very easy na lang gawin.

“So, hindi gaya ng ibang soap na gradual lang, tapos sa ending na lang itotodo.

“Eto baliktad. Nag-umpisa kami sa bugbugan, sa sampalan hanggang sa middle, tapos ‘etong last week, parang pahinga na.

“Ibibigay namin sa audience yung hinihintay nilang moment, kasi alam ko, lahat sila nagwi-wish ng mabuti for Magdalena.

“So, maa-achieve na yun this week,” detalyadong paglalahad ni Bela sa magaganap na pagwawakas ng drama soap niya.



EXTENDED. Ayon pa rin kay Bela, fifteen weeks tumagal ang kanyang serye sa dapat sana’y isang season lang.

“Sayang nga sana na-extend kami ng seventeen weeks, kasi hindi kami puwedeng magsabay magtapos ng Sana Ay Ikaw Na Nga. So, nag-give way yung Magdalena.”

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Bela sa itinagal ng kanyang serye.

“Super happy naman ako kasi every taping day, meron akong natutunang skill.

“Parang hindi siya yung type na yung iyak mo, isa lang.

“Kasi halos araw-araw umiiyak ako at saka ang bibigat ng eksena.

“At least, nag-iiba-iba yung attack… nakakatuwa.”

NEXT PROJECT. Wala pang alam si Bela sa susunod niyang gagawing project sa GMA-7.

Aniya, “I’m gonna meet up with my manager this week to find out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpapahinga ba muna siya?

“Siguro oo, kasi ang bibigat talaga ng pinagdaanan ko sa show.

“Pag umuuwi ako, pasa-pasa ako… ganoong level.

"At saka hindi ako nakapagpahinga noong holiday season sa amin.

“Tsaka two days lang yung break namin kaya after Magdalena, makakapaghinga na ako talaga.”



SATISFIED. Sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7, masaya ba siya sa estado niya sa Kapuso network?

“Yeah, I’m very happy. Nagagawa ko naman yung mga hindi ko pa nagagawa before.

“Hindi ako nabu-bore… alam mo yung meron akong liberty na gawin yung mga gusto kong gawin?

“Pati sa role, magaganda yung mga ibinibigay sa akin.”



SARAH LAHBATI ISSUE. May pagkakahawig ng pinagdaanan si Bela sa karanasan ni Sarah Lahbati na nagreklamo tungkol sa diumano’y dami ng kaliwa’t kanang projects.

Hindi ba nararamdaman ni Bela ang pagod niya sa dami ng trabahong ibinibigay ng GMA-7?

“Ay, hindi ! Never! Mangangarag ka sa dami mong show?” sabay iling niya.

Dagdag ni Bela, “Kung artista ka, iwi-wish mo ‘yan! Lalo na ako, kasi sobrang gusto ko yung ginagawa ko.

“Feeling ko, hindi ako mapapagod ever, kung binibigyan nila ako ng marami.

“Pero sa tingin ko, tama lang naman ang ibinigay nila sa akin.”

Ano ang opinyon o pananaw niya sa isyu sa pagitan ni Sarah at ng GMA-7?

“Well, I really just hope for the best for both of them ’coz Sarah is good friend of mine. And I’m also working in GMA.

"So, sana maayos lang nila.

“Wala ako sa posisyon para mag-comment. Let’s leave it up to them na lang.”



IN TOUCH. Kumusta naman si Sarah, nakakausap ba niya?

“Oo, kinakausap ko siya from time to time.

“Siyempre, ayoko naman siyang every day kulitin.

"Kasi, I’m sure, kung meron kang ganoong klaseng hinaharap na… ewan ko, obstacle in your life, you just wanna be with your family or your loved ones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero from to time, I ask her how she is, sabi niya, okay naman.”

Alam na ba niya ang mangyayari bago pa nag-post ng kanyang reklamo si Sarah sa Twitter laban sa GMA Artist Center at sa GMA-7?

Sabi ni Bela, “Hindi. Hindi naman siya nagsabi.

"Very ano si Sarah, e, very private sa mga ganyang bagay, lalo na work related.”

Hindi ba buntis si Sarah, gaya ng nababalita rito?

“No, I don’t think so,” mabilis na tugon ni Bella. “No, I don’t think so.

“She really grew up in Switzerland… If you wanna get away, I think the first place you go is home,” pagtatanggol niya sa kaibigan.

Nanghihinayang ba siya at mawawalan ng chance si Sarah na maging next big star ng GMA-7?

“Well, let’s hope for the best and hindi naman siguro dito mag-e-end yung career, e.

“So, good luck na lang kay Sarah, sana maayos nila.”

Kapag napapagod na ba si Bela, nagrereklamo siya?

“Hindi. Ako yung last na reklamador... nagagalit na yung mommy ko.

“Pag hindi mo kaya, sabihin mo at hindi yung bigla ka na lang umiiyak kasi sobrang sakit na. Yung ganoon.

“Kasi yung feeling… ako, ako yung huling magrereklamo sa set.

“Kasi feeling ko, bayad ako for the day, gagawin ko lang kung ano ang dapat kong gawin.”



CONTRACT STAR. Ilang taon ba ang kontrata niya sa Kapuso network?

“Five years… five plus five, ten years… co-management ako with Viva,” banggit ni Bela.

Dugtong niya, “Kaka-sign ko na lang naman sa Viva late last year.

“Hindi ako kumalas kay Tita Claire dela Fuente. Tied-up siya with Viva and also with GMA Artist Center.

“So, medyo tatlo ang managers ko, kaya malaki ang binabayaran ko sa managers ko.

“Meaning, wala akong time magreklamo para matulog—kailangan kong magbayad ng managers!” natatawa niyang sambit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BB GANDANGHARI. Pagdating naman sa kanyang "tita" na si BB Gandanghari, nagkita na ba sila mula nang bumalik ito mula sa U.S.?

“Hindi pa, e. Kakauwi lang niya, e,” mabilis niyang sagot.

“Actually, dito ko lang nalaman sa GMA, sa StarTalk.

“Kahapon ko lang nalaman sa news na ano nga raw siyang magpa-sex change… I just found out yesterday.”

Nagulat ba siya sa balita?

“Oo, siyempre, nagulat ako. Medyo na-shock ako. Pero it’s his decision.”

Okey lang ba sa pamilya nila?

Nag-isip saglit si Bella na tipong naghahanap ng tamang sasabihin.

“Ahm… honestly?” bitin niyang sagot.

Okey lang ba sa kanila ang sex change? ulit naming tanong kay Bela.

“Siya yun, e, hindi mo siya mapapalitan.

“Parang ako, na gusto kong magpagupit, hindi na ako hihingi pa ng opinyon sa kanila na ganoon ka-light na bagay lang.

“So, yung ganoong kalaking bagay, sa tingin ko, dapat siya ang nagde-decide para sa sarili niya.

“Hindi siya dapat nasu-sway ng sinasabi ng ibang tao,” paliwanag niya.

Pero sa sarili at personal niyang opinyon?

“Ahm… ewan ko. Pero kung ako, hindi… siguro hindi.

“Pero sa kanya yun, e.

"Pero siguro sa akin, dahil sa kinalakihan kong religion, e… iba-iba kami, e.

“Kahit magkakamag-anak kami, iba-iba kami ng takbo ng isip.

“So, kung yun ang gusto niyang gawin, e, di, go!”



UNCLE RUSTOM. Kapag nakikita niya si BB, nakikita pa rin ba ni Bela yung dati niyang katauhan na si Rustom Padilla?

“Oo. Lahat kami actually, minsan nagkakamali pa rin kami how we sometimes slip and call him ’Uncle Rustom.’

“Pero I think habit na lang yun, e. Kasi yun ang kinalakihan namin.

“Pero ngayon, medyo nasasanay na rin ako, ’Tita BB’ na ang tawag ko sa kanya.”

Magiging pareho pa rin ba ang pagtingin at treatment nila kay BB kung sakaling magpa-sex change nga ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Bela, “Yeah, of course. Something that shouldn’t change kasi we love him as a whole, e.

“Hindi dahil sa maliliit na factor… So, same pa rin yung acceptance namin from before.”



BOYFRIEND. Nang makapanayam ng PEP si Bela ay kasama niya ang boyfriend niyang si Neil Arce, na dating boyfriend naman ni Maxene Magalona.

Sinamahan siya ng kasintahan sa guesting niya sa H.O.T. TV.

Kumusta naman ang lovelife ni Bela?

Napatingin muna si Bela sa kasintahan na nakikinig sa interview.

“O, napatingin ako… secret!” ang mabilis na reaksiyon ni Bela habang nakatingin kay Neil at saka tumawa nang malakas.

Ano ba ang inaasahan niyang magiging kaganapan ng career niya sa 2013?

“Sana mas maging okay pa yung career ko…

“Yung talagang dream role ko, sana magawa ko na at same intensity na nagawa ko sa Magdalena and sana I don’t let people down. Yun lang,”

Happy ba naman siya sa lovelife?

“Happy naman ako!” sagot niya saka tumawa kasunod ang paglapit niya sa kasintahan at saka nag-thank you sa amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN