Sam Milby on his plans to pursue Shaina Magdayao: “I do. I keep announcing, may paghanga ako sa kanya.”

Is Sam Milby officially courting Shaina Magdayao? Sam says: “Hindi pa. We haven’t had yung mga deep talks or anything. Nagha-hang-out kami with friends pero hindi pa kami nag-uusap that much.”


Biglang nalagay sa hot seat si Sam Milby nang mag-live guest appearance ang singer-actor sa The Buzz noong Linggo, January 13.

Hindi nakapalag si Sam nang matanong ng host na si Charlene Gonzalez-Muhlach tungkol sa kasalukuyang estado ng puso niya.

Kailan lang kasi ay inamin ni Sam na may gusto siya sa young actress actress na si Shaina Magdayao.

(CLICK HERE to read related story.)



QUALITIES. Tanong agad ni Charlene kay Sam, ano ba ang mga katangian ni Shaina na nagustuhan niya?

“What I really like about Shaina is matagal na siya sa business!” natatawang sagot ni Sam.

Dagdag niya, “But even our friends and everyone sa business can vouch na talagang true and such a good-hearted person—a real person talaga.”

Pero may mga mga bagay o sitwasyon daw sa buhay ng tao na doon mo nari-realize ang isang bagay.

Para kay Sam, ano ang magical moment na iyon na nakita niya si Shaina differently… Na maganda pala ito? Na gusto niya?

“For me, she has a natural charm about her. When you see her and ganoon lang,” sabi naman ni Sam.



BEST FRIENDS. Mag-bestfriend si Sam at si John Prats.

Hindi lingid sa karamihan na bago pa man maging sina Shaina at John Lloyd Cruz noon, nagkaroon muna ng relasyon sina John at Shaina.

“Hindi lang kami best friend, para kaming brothers na,” pagtatama naman niya.

Ano ang sinabi niya kay John?

“Ako, ang sabi ko, kung sakaling liligawan ko si Shaina, ayoko ng masisira yung friendship namin.

“So, tinanong ko siya, ‘Kung sakaling liligawan ko si Shaina, okay lang sa ‘yo?’

“Sabi niya, ‘Okay lang.’”



ON HOLD. Pero sa ngayon, hindi pa nga ba siya officially nanliligaw kay Shaina?

“Hindi pa,” pag-amin niya.

“We haven’t had yung mga deep talks or anything.

“Nagha-hang-out kami with friends pero hindi pa kami nag-uusap that much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, sa mga nakikita niya kay Shaina, may balak nga siyang ligawan ito?

“I do. I keep announcing, may paghanga ako sa kanya.

“But I want to get to know her pa,” pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN