Gerald Anderson on courting Maja Salvador: "Yeah, I’d love to—kung bibigyan niya ako ng chance.”

Wala raw nakikitang masama si Gerald Anderson kung sakali mang manligaw siya kay Maja Salvador. Saad ng young actor, "Being single at matagal na rin akong single… siya rin, single siya at that time, parang ano ang masama kung yayain ko siyang lumabas? Mas makilala namin ang isa’t isa?"


“What’s new?” ang nakangiting sagot ni Gerald Anderson nang sabihin ng The Buzz host na si Boy Abunda na maintriga na naman ang lovelife ngayon ng Kapamilya young actor.

Nauugnay kasi ngayon si Gerald kay Maja Salvador, na best friend ng ex-girlfriend ng young actor na si Kim Chiu.

Napailing si Gerald nang tanungin kung ang pagkakasambit ba niya ng mga katagang “what’s new?” ay tipong “getting used to it” na lang.

Saad ng young actor, “Paano po kayo masasanay? It’s different, e. Bawat intriga, iba-iba, e.

“But you know, I’m twenty-three years old. Hindi naman nasasanay, pero habang tumatagal, with every intrigue, ang dami mong experience.

“So, you know how to handle it better than the last one.”

Ipinalabas ang eksklusibong panayam ni Boy kay Gerald sa The Buzz noong Linggo, January 13.



MISIBIS BAY TRIP WITH MAJA. Pero pinag-uusapan nga ngayon ang tungkol sa larawan nina Gerald at Maja na kuha si Misibis Bay at lumabas sa Instagram.

Ang tanong: Totoo ba ang mga larawang yun?

“Yes, opo, totoo po,” pag-amin ni Gerald.

Base sa kuwento ni Maja, kaya siya nasa Misibis Bay ay dahil sa nagkaroon ng bridal shower niya.

Ano naman ang panig niya sa larawang lumabas?

Saad ni Gerald, “Well, one time, parang nag-usap kami ni Maja at parang isang trip to Davao. Parang we’re doing a promotion for a commercial.

“Tapos, nag-usap kami sa Davao. Parang I was asking, anu-ano ang magagandang place na puwedeng puntahan for vacation.

“So, yun, sinabi niya ang Misibis Bay.

“Ako naman, sabi ko, ‘Wow, parang exciting ‘yan!’

“Tapos, binanggit niya na pupunta siya. Kasama niya ang mga pinsan niya, kaibigan niya… marami sila—kapatid niya, pamilya niya—dahil, yun nga, bridal shower.

“Sabi ko, ‘Kailan? I’ll gather a group for my friends para marami tayo. We can all go.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun nga, nag-ayos na.

“After ng vacation ko, kasama ang pamilya ko, we all went there.”

Ang dahilan ba ng pagpunta ni Gerald sa Misibis Bay ay dahil sa kagustuhan niya lang o dahil sa imbitasyon ni Maja?

“Upon myself,” sagot ng young actor.

“Siyempre, hindi ko naman i-invite ang sarili ko sa bridal shower ng pinsan niya.

“Kahit bago yun, hindi kami nagti-text ni Maja.

“Parang, ‘Okay, let’s do this. Let’s have fun. Enjoy our vacation.”

Ang kasama naman daw ni Gerald sa Misibis ay ang kapatid at kaibigan niya.

Sabi pa ni Gerald sa pagkikita nila ni Maja, “May mga activities pa kami do’n. Isang malaking group kami.”



IS GERALD COURTING MAJA? Sa press conference ng Book 2 ng primetime series nina Maja at Kim na Ina Kapatid Anak noong January 8, tinanong si Maja kung nililigawan ba siya ni Gerald.

Pero ang naging sagot ni Maja ay dapat daw ay si Gerald mismo ang tanungin tungkol dito.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman diretsahang tinanong ni Boy si Gerald kung nililigawan nga ba niya si Maja.

Sabi ng young actor, “Yun nga, explain ko na lang… So, yun nga, nagkasama po kami sa Misibis Bay.

“Maja and I were not really friends po talaga—totoo po ‘yan.

“Kahit bago pa ‘yan, hindi kami masyadong magka-text.

“That was the first time na magkasama kami ni Maja. With my group of friends, pamilya.

“During our activities po, yung ginagawa ng ibang tao sa beach, parang nakita ko sa kanya na, ‘Wow, parang masaya siyang kasama, charming, mabait.’

“Yun nga, nag-e-enjoy akong kasama siya.

“So when we came back, being single at matagal na rin akong single… siya rin, single siya at that time, parang ano ang masama kung yayain ko siyang lumabas? Mas makilala namin ang isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“Yun nga lang, inunahan ng maraming tao. Meron na agad naninira, accusation.

“Ewan ko, parang it has blown out of proportions agad.

“Parang hindi pa kami nagdi-date, lumabas na kaming dalawa.

“Pero if you’ll ask me, yeah, I’d love to—kung bibigyan niya ako ng chance.”

BEST FRIENDS. Noong sinabi ni Gerald na hindi sila close friends ni Maja bago pa sila mag-Misibis Bay, aware ba siya na si Maja ay best friend ni Kim?

Si Kim ay ex-girlfriend ni Gerald.

“Aware ako,” nakangiting sabi naman ni Gerald. “Pero hindi lang po talaga kami nagkaroon ng chance.”

Nadiskubre lang niya ang tungkol kay Maja sa ibang level noong nag-Misibis Bay sila?

“Yes, doon lang po na masaya siyang kasama,” tugon ng binata.

Alam ba niyang sinabihan ni Maja si Kim na baka ligawan siya ni Gerald?

“Yeah, nangyari yun,” pagkumpirma ni Gerald.

“Out of respect siguro, kasi friendship... friendship is everything to me.

“Like sa akin, hindi po ako mabubuhay kung wala ang mga kaibigan ko.

“Hindi nga po kaibigan ang tawag ko—they are part of my family.

“Kaya alam ko rin na sensitive din po ang sitwasyon na ito.”

So, totoo na nagpasintabi si Maja kay Kim?

“Hindi ko rin po… siguro si Maja na lang po ang tanungin ninyo sa aspetong yun.

“But, yung ginawa niya yun, I think is out of respect.

“The important thing is respeto.”

KIM’S INTRIGUING STATEMENT. Sa press conference pa rin ng Ina Kapatid Anak, may sinabi naman si Kim patungkol kay Maja.

Bagamat wala naman daw masama kung sakali ngang totoong may namamagitan kina Maja at Gerald, nalungkot lang si Kim dahil “nasayang yung friendship.”

Dagdag pa ni Kim, “Parang nalungkot lang ako kasi yung taong [Maja] sinabihan ko nung time na down ako dun sa [kay Gerald]… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Gerald sa pahayag na ito ni Kim?

“Tulad po ng sinabi ko kanina, friendship is everything. Napaka-importante niyan.

“Yun nga, alam ko na sensitive ito.

“Pero alam ko, magiging maayos din ito. Magiging maayos siya—depende sa maturity ng bawat isa na kasama sa sitwasyon.”

Ayon kay Boy, oo nga’t naging girlfriend ni Gerald si Kim, at best friends naman sina Kim at Maja. Pero tatlong taon na raw ang nakalipas at marami na ang nangyari.

Bakit ganoon pa rin ka-sensitive ang isyung ito?

Sabi ni Gerald, “Like I’ve said, yung sa akin, three years o magti-three years na kaming hiwalay ni Kim.

“At sa three years na yun, I’ve never been happier sa lahat ng blessings niya, sa lahat ng success, happiness na meron siya ngayon.

“And at the end of the day, alam ko na ganoon din po siya.”

Pero parang may laman daw ang salita ni Kim na “Maja knows who Gerald is.”

Sino nga ba si Gerald?

“Alam mo, Tito Boy, lahat naman tayo may opinyon. It’s our right.

“Karapatan natin ‘yan kung ano ang gusto nating iparating sa mga tao, karapatan natin ‘yan.

“Hindi naman po ako nagpa-interview ngayon para i-explain ang pagkatao ko sa inyo, sa mga tao.

“I know, every day of my life, I’m just trying to be the best person I can.

“So, it’s her opinion. Wala na po tayong magagawa riyan.”

FACE IT LIKE ADULTS. Ano naman ang masasabi ni Gerald na in-unfollow na nina Kim at Maja ang isa’t isa sa Instagram?

Sagot ng young actor, “I know magiging maayos din ito. Pero depende sa maturity natin.

“We have to face it as adults. Hindi na po kami mga bata.

“We make decisions every day and we have to face it like adults.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Boy, isa si Gerald sa may “passionate followers”—na ang tinutukoy ay ang masugid na mga tagahanga nito.

Nakangiting sabi naman ni Gerald, “And I love them all.

“Sa mga good and bad comments, I love them all.

“Isa akong very understanding person and I understand yung passion nila, kasi ganoon din ang passion ko for my work.

“But, you know, there’s always… lagi pong—hindi naman wall, may distance.

"Na there’s something for me and there’s something for them.”

At this point, ano ang gustong sabihin ni Gerald sa sarili niya?

“Just be happy. Kumbaga, sa lahat ng aspeto sa buhay, just be happy.

“Kumbaga, ako as a person, lahat ng tao sa paligid ko, gusto kong maging masaya—and I’ll do everything para mangyari yun.

“And ginagawa ko rin yun para sa mga taong hindi ko kilala—and that feeling is the best in the world.”

At siya rin ang klase ng taong ayaw na may masaktang iba?

“Kumbaga, yun ang huling gusto kong gawin.

“Alam ko, nangyayari at nangyayari yun na hindi naman natin sinasadya—especially sa mga katulad natin on TV.

“Tulad ng mga normal na tao, we hurt people without us knowing.

“Pero it’s nice… siguro we have to learn from our experience.”

CLOSURE WITH KIM. Nagkaroon ba sila ng tamang closure ni Kim?

“Opo, opo. And importante rin sa akin yun. And yes… opo, opo,” sagot ni Gerald.

Nag-usap sila kahit na maaaring mahirap yun noong panahon na yun?

“Opo, opo naman. And I will always be happy for her.”

Ano naman ang gusto niyang sabihin kay Maja?

“Alam n’yo po, mas malakas sa akin yun.

“Siguro po sa pamilya niya, sa pamilya ko… I’m sorry dahil lang may nagustuhan akong isang babae, everything became out of proportion. Maraming nadadamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mensahe ko, stay strong. Mas magiging mabuti tayong tao after this.”

Pero hindi ito nangangahulugan na ititigil na niya ang panliligaw kay Maja?

“Tulad po ng sinabi ko kanina, hindi na po ako bata and I make decision on my own.

“Kumbaga, kung mali man yun o tama, paninindigan ko,” sabi ni Gerald.

At paninindigan niya, at kung mabigyan siya ng pagkakataon ay patuloy niyang liligawan si Maja?

Sagot ni Gerald, “Opo, opo.

“At siguro, kapag nahanap mo ang tunay mong happiness is when you forget the opinion of other people na hindi mo naman kilala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN