Derek Ramsay irked by rumor dragging him into Cristine Reyes-Rayver Cruz breakup

Derek Ramsay on friendship with Cristine Reyes: “Si AA, na-maintain namin yung friendship namin. Alam mo naman yung nangyari sa akin before, she stood by me as a friend. Nakita ko talaga yung tunay na pagkatao ni AA na meron akong tunay na kaibigan sa showbiz.”


Isa si Derek Ramsay sa TV5 stars na maagang dumating kahapon, January 15, sa Newport Performing Arts Center ng Resorts World Manila, para sa rehearsal ng gaganaping “GO5, Happy Maging Kapatid Trade Launch.”

Habang nagbibihis ng kanyang Kidlat costume ay nagpaunlak si Derek ng exclusive interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi niyang “nakakapikon” na ang balitang lumalabas sa ngayon tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Paliwanag pa niya, “Nakakainis, kasi you’re out... kaunti na nga lang ang time mo na mag-ano [unwind], tapos nadya-judge ka pa na ano…

“Pero sabi ko nga, buti na lang si AA [palayaw ni Cristine], kasi si AA talagang kilala ko, matalik kong kaibigan.

“Hindi siya yung tipong nali-link sa akin na hindi ko naman kilala, di ko naman nami-meet.”

Bakit nga ba nadadawit ang pangalan niya sa ganun?

Sabi ni Derek, “E, kasi good friends kami ni AA.

“Kumportable kami makita sa publiko, wala naman kami ginagawa.

“Kaibigan ko sila [Cristine and Rayver] pareho.

“Si Rayver, hindi ko naman nakikita, hindi ko nakakausap.

“Si AA, na-maintain namin yung friendship namin.

“Alam mo naman yung nangyari sa akin before, she stood by me as a friend.

“Nakita ko talaga yung tunay na pagkatao ni AA na meron akong tunay na kaibigan sa showbiz.”

Ang tinutukoy ni Derek ay ang breakup nila noon ni Angelica Panganiban.

Patuloy ng Kapatid star, “So we’re comfortable going out with each other, hindi na nga namin inisip na magkakaroon ng issue.

“Pero para sa akin, hindi ito makakaapekto sa friendship namin dahil itong mga lumalabas na mga isyung ganito, I’m not gonna let this affect us.

“And nagsalita na rin si AA na wala namang nangyayari sa amin, we’re strictly just friends.”

Nagkuwento na ba si Cristine sa kanya noong mga panahong naghiwalay na sila ni Rayver?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Derek, “Hindi ko nga alam, e… nalaman ko na lang after nilang in-announce.

“Tinext ko nga siya, e, sinabi ko, ‘Uy, okie ka lang ba?’

“Sinabi niya, ‘Okay naman ako,’ and hanggang dun na lang hindi na namin pinag-usapan.

“Kung gusto niyang mag-open up sa akin, siyempre makikinig ako, pero wala siyang sinasabi.

“Ayun, tinext ko lang siya, ‘Balita ko nag-announce na kayo,’ and that’s it.”

Ano ang masasabi niya na itinuturo siyang third party sa breakup nina Cristine at Rayver?

Seryosong sabi ni Derek, “I wouldn’t do that to Rayver, I wouldn’t do that to AA.

“You know, hindi maganda yung ganun, alam nilang dalawa ‘yan.

“So, hindi ko na poproblemahin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN