Phil Younghusband on girlfriend Angel Locsin: "Alam ko, I want it, gusto ko mag-settle down with Angel."

Ano ba ang sikreto ng matibay na relasyon nina Phil Younghusband at Angel Locsin? Sagot ng football player, “A, sa palagay ko, communication. Kasi lagi kaming nagko-communicate with one another, so kung may problema ako, I’ll tell Angel. And pag may problema siya, she would tell me. So, I think, ang importante is communication.”


Ang magkapatid na Phil at James Younghusband, at ang basketbolistang si Benjie Paras ang naatasang mag-present ng mga bagong sports program at activities ng TV5 at AKTV sa idinaos na “GO5, Happy Maging Kapatid” trade launch sa Resorts World Manila kagabi, January 15.

Matapos nito ay pinaunlakan ni Phil ang eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bungad ng football player,“I’m good. Meron kaming competition sa March, Challenge Cup, dito sa Manila.

"Magsisimula na kami ng training next week.”



CHRISTMAS AND NEW YEAR WITH ANGEL. Sunod na inusisa ng PEP kung kumusta na ang relasyon nila ng girlfriend na si Angel Locsin.

Nakangiting sagot ng Azkals striker, “A, masaya, masaya.

“Lagi kaming masaya, we’re happy together and enjoying each other’s company.”

Inusisa rin namin kung paano nila ipinagdiwang ang nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Kuwento ni Phil, “Nag-Christmas kami sa bahay lang.

“Christmas eve, kasama ko si James at si Keri [Phil’s young sister].

“And Christmas day, kasama ko si Angel.

“And then New Year’s eve, with the family pa rin. And New Year’s Day, with Angel.”

Dagdag pa niya, “And pumunta kami sa Batangas, sa San Benito—just relax, just relaxation.

"Just rest lang, pahinga lang.”



SECRET OF THEIR RELATIONSHIP. Medyo halos mag-iisang taon na ang relasyon ni Phil at ng Kapamilya actress, pero walang nabalitaan ang publiko ng tampuhan o awayan between them.

What makes their relationship strong?

Sabi ni Phil, “A, sa palagay ko, communication.

“Kasi lagi kaming nagko-communicate with one another, so kung may problema ako, I’ll tell Angel.

“And pag may problema siya, she would tell me.

“So, I think, ang importante is communication.”

Gaano na ba sila katagal?

Sabi ni Phil, “Nag-meet kami, February 13 [2011]—nearly two years na. So, matagal na.

“And then seven months, we’ve been boyfriend and girlfriend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sariwa pa raw sa kanyang isipan ang araw na napa-oo niya ang girlfriend.

Aniya, “Yeah, May 27, 2011, 11:56 p.m. Sa bahay niya.

“Yes, naalala ko, nagsulat ako sa papel, ‘Would you be my girlfriend?’ And nag-check siya ng ‘yes.’

“Masaya kami, may tears… umiyak kami, so medyo it was really happy.”

Does he believe in the traditional way of courting a girl?

Tugon ni Phil, “Yes. Yes, yes... I believe, that way, mas maganda pag sa bahay ng girl.”

May plano na ba siya para sa Valentine’s date nila?

Wika ni Phil, “Hindi ko pa alam, but alam ko it would be special.

“Pero hindi ko alam what are the plans yet for Valentine’s day.”

IS ANGEL THE ONE. Sa ngayon kaya ay napapag-usapan na nila ang pag-aasawa?

Pahayag ni Phil, “Alam ko, I want to settle down, but I don’t know yet the exact time.

“Pero alam ko, I want it, gusto ko mag-settle down with Angel.”

Is Angel the one for him?

“Yes, yes, she’s the one, definitely,” sagot ni Phil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN