Richard Gutierrez on Sarah Lahbati-GMA-7 feud: "I’m on her side, pero siyempre, nalulungkot ako dahil ang nakalaban niya, yung network na mahal ko rin. I’m torn."

Richard Gutierrez on girlfriend Sarah Lahbati: "I believe in her and I am very proud of her as an artist, as a professional. Nakita ko kung paano siya magtrabaho and, I’m sure, a lot of people can attest to that—the directors, co-actors. She’s very professional. She arrives on time, prepared, and I saw that. I saw that sa Makapiling Kang Muli kaya nga na-impress ako sa kanya. Nakuha niya ang pansin ko. Magaling siya na artista. Magali


Ikinalungkot ni Richard Gutierrez ang pag-alis ng Pilipinas noong Linggo ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakadagdag sa kalungkutan ni Richard na nawalan ng pagkakataon si Sarah na maranasan na i-promote ang Seduction, ang una nilang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa January 30.

Hindi rin daw maririnig nang personal ng kanyang girlfriend ang mga papuri tungkol sa mahusay na performance niya sa pelikula.

Sabi ni Richard sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nami-miss ko nga siya talaga.

"Sana nga, nandito siya para sabay kaming mag-promote. At least, enjoy kaming dalawa.

"Sana, marinig niya ang mga feedback ng production people na maganda yung pelikula, magaling yung acting namin.

"Sana na-experience din niya ’yon. First movie din niya ito, so sayang lang.

"Sana nandito siya. Sana suportado siya ng lahat."

EXCITED. Tungkol naman sa pagbalik ni Sarah sa Switzerland, sinabi ni Richard na matagal na raw itong plano ng kanyang kasintahan.

Kuwento ng Kapuso actor, "Actually, nabanggit na niya sa akin ’yon before the whole mess exploded.

"Yung dad nga niya, dream na sana bumalik siya doon para mag-aral. Kumbaga, matagal nang dream ng dad niya.

"Right now, she has different options pero hindi pa sure Marami kasing magandang school sa Switzerland.

"At this point, hindi pa siya nakaka-decide.

"At this point, ’andoon siya ngayon to relax muna. To unwind, to clear her mind."

Dagdag pa ni Richard, "Excited ako for her.

"At least, kapag nandoon siya, makaka-relax siya. Makaka-unwind at mas magiging positive yung outlook niya.

"Saka hindi na siya tatawag-tawagan ng mga ibang tao."

HURT. Pero inamin din ni Richard na nasaktan siya sa pag-alis ni Sarah ng bansa at sa kontrobersiyang kinasangkutan nito.

"Siyempre, nasaktan din ako. Yung pag-alis niya, nasaktan ako.

"Nasaktan din ako sa nangyari sa kanya.

"Siyempre, I feel her pain, pero nalulungkot din ako dahil sa GMA na rin ako lumaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, marami na akong kakilala diyan. Close ko na lahat ng tao diyan from the utility to the producers.

"Kilala ko lahat from the cameramen to the news desk, entertainment, TV... lahat, kilala ko na sa GMA.

"So, nalulungkot ako na may nangyaring ganoon.

"Ang hindi ko lang kilala sa GMA, mga taga-Artist Center kasi I don’t work with them.

"Pero news department, kilala ko ang mga tao. I know how they work.

"Entertainment TV, I know how they work also. I know all the people there.

"So, yun lang, nasaktan ako sa mga nangyari kay Sarah.

"Mas maganda sana kung nagkaayos kaagad, hindi lumaki ang isyu.

"Sana ganoon na lang ang nangyari pero hindi. Ganoon talaga."

FEAR. Kuwento pa ni Richard, "Sinabi ko sa kanya [Sarah], kung puwede i-delay ng konti [ang pagbabalik sa Switzerland].

"E hindi, parang she really wanted to get away from everything. Stressed na stressed na siya.

"Actually, ’yang isyu na ’yan, they tried fixing it before it exploded. Matagal na ’yan, hindi lang basta biglang lumabas.

"They tried fixing it before pa. Hindi lang nagkaayos."

Ipinagtanggol din ni Richard si Sarah sa isyu ng propesyunalismo nito.

"I believe in her and I am very proud of her as an artist, as a professional.

"Nakita ko kung paano siya magtrabaho and, I’m sure, a lot of people can attest to that—the directors, co-actors.

"She’s very professional. She arrives on time, prepared, and I saw that.

"I saw that sa Makapiling Kang Muli kaya nga na-impress ako sa kanya. Nakuha niya ang pansin ko.

"Magaling siya na artista. Magaling siyang kumanta.

"So, sinabi ko sa kanya, when this whole thing was happening, ’Huwag kang matakot. As long as you have the passion, the craft, you can comeback anytime, kasi mahal mo yung ginagawa mo. Magaling ka, talented ka. Just don’t lose that passion.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time ni Sarah na maka-experience ng ganitong gulo.

"I’m on her side, pero siyempre, nalulungkot ako dahil ang nakalaban niya, yung network na mahal ko rin. I’m torn."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN