Rocco Nacino on being more than just friends with Lovi Poe: “Ang sa akin naman kasi, if it happens, it happens.”

Ipinagmamalaki ni Rocco Nacino na nag-invest siya sa isang naluluging gym na ngayo’y maganda na ang takbo. Sabi niya: “Pasara na siya… we practically saved the gym. Tapos, ni-renovate namin… Nakakatuwa na in six months, naka-ROI [return on investment] na kami.”


Pumasok na rin sa business ang Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Naniniwala raw siyang magandang i-invest sa negosyo ang perang kinikita at naiipon niya.

Bunyag niya, “I co-own Elorde-Ortigas [Gym] sa may Home Depot [Ortigas Avenue]. Lima kaming magkakasosyo doon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa Party Pilipinas last Sunday, January 13.

Patuloy niya, “Last year namin pinasok, e. Kami yung naging bagong management.

“Pasara na siya. So we practically saved the gym. Tapos ni-renovate namin.

“Naging okay yung gym. Ngayon, kumikita na kami. Nakakatuwa na in six months, naka-ROI [return on investment] na kami.

“Ngayon, binili na namin yung katabi—under construction na. Ii-expand na namin yung gym.

“So we are expecting to have more clients.”



CELEBRITY CLIENTS. May mga celebrities din umanong naenggayong doon na mag-gym.

Kabilang sa mga ito sina Raymond Gutierrez, Rico Robles, Carla Humpries, Nicole Anderson, ang magkapatid na sina Maxene at Elmo Magalona, JC de Vera, Michelle and Ehra Madrigal, Ellen Adarna, at Hans Montenegro.

Ang leading lady niya sa Yerterday’s Bride na si Lovi Poe, hindi ba niya ini-invite na doon na rin mag-gym?

Sabi ni Rocco, “Naipakita ko na sa kanya yung lugar, one time na nag-firing kami.”

Ang dating rumored girlfriend niyang si Sheena Halili na ngayon ay sinasabing ex na niya, hindi nagpupunta ba doon?

“Nagpupunta si Sheena. At saka si Chariz [Solomon]. Nagbo-boxing sila doon,” sagot niya.

Kapansin-pansin ang magandang built niya ngayon at well-defined na ang kanyang chest at muscles.

May plano ba siyang palakihin pang lalo ang katawan niya?

Sabi ni Rocco, “Holiday mode pa ako ngayon… medyo tumaba nga ako.

“Pero part of my program na lumaki pa ng konti ang katawan ko.

“Babalik ako sa pagbubuhat. Tapos by February, magda-diet ako.”



LOVI POE. Kumusta naman sila ngayon ni Lovi?

“Masaya. Masaya ang working relationship namin—we’re good friends, we hang out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, we go out kung minsan. Kasi ang dami naming common friends.

“Actually, nagkita-kita nga kami ng mga kaibigan namin sa Boracay.

“Nag-Boracay kasi ako noong January 2 to 4.

“Tapos… ayun!

“Magkaibigan kami. Sobrang saya ng friendship namin,” saad niya.

Pero sa paningin ng iba, parang higit na raw sa friendship yung namamagitan sa kanila?

Sagot ni Rocco, “Siguro dahil we’re that close talaga.

“At saka rin siguro dahil magka-partner nga kami sa Yesterday’s Bride, kaya they’re expecting something.

“Pero the thing is ano… we’re just really good friends.

“At ganoon kami ka-close.”

Masasabi ba niyang si Lovi ang pinaka-close sa puso niya ngayon?

“Yes—at dahil sa show namin kaya lalo pa kaming nagiging close.”

Posible kaya na mauwi ito sa espesyal na pagtitinginan?

“I don’ know. Ang sa akin naman kasi, if it happens, it happens.

“Right now, parang it’s too early to tell.

“Gusto ko munang magtrabaho nang magtrabaho.”

Hindi na exclusively dating sina Sheena at Rocco at hindi na rin sila halos nagkikita. Does he go out on dates lately?

“Well, I see people. I hang out,” tugon niya.

Wala na talaga yung dating special something sa pagitan nila ni Sheena?

“We talk... nagkukumustahan pa rin kami.

“Pero hindi nga kami masyadong nagkikita ngayon. Hopefully soon, magkita rin kami.

“Ang maganda, magkaibigan kami,” sabi ni Rocco.



COMEDY ROLE. May pelikula raw siyang nakatakdang gawin sa GMA Films, pero hindi pa raw niya puwedeng magbanggit ng specific details tungkol dito.

Aniya, “Inaayos pa po yung schedule ko para doon.

“Maganda yung project. There are two big stars. Tapos lahat ng mga ekena ko, kasama silang dalawa.

“Its’ a different role for me. Magandang-maganda yung role kaya gusto ko talagang matuloy iyon.

“Medyo may problema lang sa schedule ko sa Yesterday’s Bride.

“Pero they’re working it out… kasi they want the role for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Romantic-comedy yung tema ng movie. So siguro may pagka-comedy yung role ko.

“Hindi ko ma-explain yung character na ipu-portray ko, but it’s interesting,” sabi pa ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN