Angeline Quinto on who’s the better kisser between Coco Martin and Paulo Avelino: “Si Coco po kasi, e, medyo lasang lokal. Pero si Sam Milby, lasang imported!”

Bukod sa halik, may iba pang katangiang nakikita si Angeline Quinto sa dalawa niyang leading men sa Kahit Konting Pagtingin. Ang gusto niya kay Sam Milby: “Maganda talaga ang katawan ni Sam Milby kahit nakadamit o hindi.” Ang gusto naman niya kay Paulo Avelino: “Tahimik lang kasi si Pau, na medyo mysterious po… mysterious po na medyo bastos!”


Hindi maipapamalas ni Angeline Quinto ang husay niya bilang singer sa upcoming kilig-serye ng ABS-CBN na Kahit Konting Pagtingin.

Sa halip, gagamitin niya ang boses niya dito bilang isang kundoktora ng bus.

Kuwento ni Angeline sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa bagong soap po, sa tototo lang po, dito sa Kahit Konting Pagtingin, e, medyo hindi ko po gagamitin yung pagkanta.

“Kasi, hindi po ako dito marunong kumanta talaga.

“Pero maririnig ninyo naman po ang powerful voice ko sa pagiging kundoktora ko.

“Kaya abangan n’yo po iyon, doon ko na lang po ginamit.”



WITH SAM AND PAULO. Gaganap na Aurora si Angeline sa romantic-comedy series na ito ng ABS-CBN kunsaan tampok din sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Paglalarawan pa ni Angeline sa kanyang role, “Simpleng babae na talagang ang taas-taas po ng pangarap niya para sa pamilya niya.

“Kahit na medyo mahirap lang yung buhay nila, e, talagang matapang si Aurora.

"Para po sa pangarap niya para sa kapatid at sa tatay niya, kasi silang tatlo na lang yung magkakasama.

“Kaya kahit anong trabaho po, na basta ibinibigay sa kanya ng kaibigan niya, e, pinapasok niya lahat.

“Kaya pati yung pagiging kundoktora po, pinasok niya din.”

Pareho raw sa tunay na buhay ang ginagampanan ni Angeline na may mga pangarap.

“Yes po. Super talaga taas ng pangarap ni Aurora, like me!” ang natatawa niyang sinabi.

Kung kakausapin siya ni Aurora, ano ang ibibigay niyang payo kay Angeline?

“Siguro po, kung sakaling magkausap kami ni Aurora, sa tingin ko ang isang masasabi lang niya sa akin, e: ’Ipagpatuloy ang mga pangarap.’

"Kasi, sa totoo lang po, si Aurora at si Angeline, iyon po ang isang katangian na nagkapareha silang dalawa.

“Kumbaga, sa pagtupad ng mga pangarap nila ay pareho silang hindi tumigil hanggang sa narating nila kung ano yung gusto nilang marating.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang naiinggit kay Angeline dahil sa pelikulang Born To Love You last year ay “natikman” na niya si Coco Martin.

“Hindi ko po natikman si Coco Martin, natikman po ako ni Coco Martin!” biro niya.

At ngayon naman sa telebisyon ay sina Sam at Paulo ang mga leading men niya sa Kahit Konting Pagtingin.

Sino ang mas “masarap” para sa kanya?

“Sa kanilang dalawa? Hindi pa po silang dalawa… isa pa lang.

"So far, si Sam Milby po,” sagot ni Angeline.

Wala pa raw kasi silang kissing scene ni Paulo.

Kung ganoon, paano naman niya ikukumpara ang halik nina Coco at Sam?

“Si Coco po kasi, e, medyo lasang lokal. Pero si Sam Milby, lasang imported!

“E, siyempre, doon na tayo sa imported!” at tumawa si Angeline.

Si Paulo ba, sa tingin niya ay lasang lokal din?

“Hindi naman—lasang class A!” sabay-tawa ni Angeline.

“At least, papuntang imported din,” dugtong pa niya.

Mula last year hanggang ngayong 2013 ay sinusuwerte sa career si Angeline.

“Opo naman! Siguro nga, sa lahat po ng mga nagtatanong sa akin ng ganyan—at saka ang dami ko ring naririnig na sinasabi ngang ang suwerte-suwerte—ang masasabi ko lang po sa kanila, e, lahat po ‘yan, e, nakukuha sa dasal.

“Kasi 2012, sobra din akong… ang dami ko din pong ipinagdasal na sana po magkaroon ako ng trabahong ganito.

“At ngayon pong 2013 po, bago mag-January 1, e, nalaman ko na magkakaroon ako ng soap.

"So, sobra po akong nagpapasalamat.”



QUALITIES. Personally, ano ang gustung-gusto niyang katangian na nakikita niya kina Sam at Paulo?

“Kay Sam Milby po kasi, bilang ako na hindi naman po ako ganoong kagaling mag-English… so nakikita ko po kay Sam na kung sakaling siya yung magiging boyfriend ko, malaking maitutulong niya sa akin.

“Na kahit hindi na po ako magpatuloy ng pag-aaral ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At siguro po, mas magiging maganda yung lahi ng pamilya namin!”

Kung malalahian siya ni Sam?

“Opo. Kumbaga sa asong askal, nalahian ng maltese. Ganun po ang dating,” at muling tumawa ang singer-actress.

Sa pisikal na hitsura ni Sam, ano naman ang pinakagusto ni Angeline?

“Siyempre, alam naman nating lahat na maganda talaga ang katawan ni Sam Milby kahit nakadamit o hindi.”

Pag hindi nakadamit?

“Mas magandang-maganda po!”

Ano ang pinakagusto niya kapag hindi nakadamit si Sam?

“Six-pack niya.”

Na parang pandesal na puwedeng almusalin?

“Dinner na lang para masarap ang tulog,” patuloy pa ring tawa nang tawang sabi ni Angeline.

“Kay Paulo naman po, tahimik lang kasi si Pau, so isa rin yun sa mga gusto ko sa lalaki, na medyo mysterious po…

“At… mysterious po na medyo bastos!

“Tsaka si Paulo, mahilig siya sa whiskey, e. E, mahilig ako sa wine, so magkakasundo kami.”

So may konek iyon?

“Yes po, parehong alak!”

So, gusto rin ba niya ang medyo bastos na lalaki?

“Opo, pero huwag naman po yung bubugbugin ako—yung medyo lang po.”

Physically naman, ano ang gusto niya kay Paulo?

“Si Paulo kasi, baby-face po siya at saka yung katawan niya, e pang-baby din.

“So, kailangan mong alagaan. Super-kinis na parang baby’s skin. Ganyan.”

Gusto rin daw niya ang mga mata ni Paulo.

“Kasi po, brown ang mata niya.”

Sino ang mas matimbang sa kanya ngayon?

“E, sa imported nga po ako.

“Nasanay na po kasi ako sa U.S. simula noong nag-tour ako dun!” at tumawang muli si Angeline.

Kanino niya sinabi ang "kahit konting pagtingin" sa soap nila?

“Kay Sam po. Kasi si Sam dito, medyo ayaw niya sa akin, e.

“So, ako po yung parang laging nagpapapansin sa kanya.

“Si Paulo naman po, medyo nagkakasundo kaming dalawa.

"Kasi, si Sam kasi, e, mayaman—e, mahirap lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayaman din po si Paulo, pero siya yung mas mabait sa kanila, ayaw kasi niya [Sam] sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN