Glaiza de Castro on Marian Rivera’s FHM cover: “Hindi siya talaga bastos. Para nga siyang cover ng fashion magazine, e.”

Glaiza de Castro on playing kontrabida roles: “Wala naman akong problema sa mga roles na ginagawa ko. Natutuwa ako sa reaksiyon ng mga tao kung gaano sila ka-affected, di ba? Masaya, pero at the same time, nandun pa rin yung conviction ko na ayokong isipin nila na kontrabida lang ako at saka ayoko na yung perception nila ay maihalo nila sa totoong buhay kung ano yung nakikita nila sa TV. Alam ko naman na matatalino na yung mga audience natin ngayon. Pero gusto ko lang siyempre


Suportado ni Glaiza de Castro ang kanyang kaibigang direktor na si Dante Nico Garcia sa adbokasiya nito kaya pumayag siyang maging cover sa maiden issue ng magazine na inilunsad ng direktor, ang Isda Revolution, na nagtatampok sa independently-produced contents—mula sa pelikula, musika, arts at iba pa.

Kasama si Glaiza sa cast ng Madaling Araw, Mahabang Gabi, ang indie movie na idinirek ni Dante.

Dumalo rin si Glaiza sa launching ng magazine na isinabay sa press launch ng Asean International Film Festival and Awards 2013 (AIFFA 2013) na ginanap noong Enero 12, sa Dragon Bistro sa A. Roces Avenue, Quezon City.

Si Dante ang tumatayong liaison director at nomination committee member ng naturang international film festival.

Dito nga eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza, at kaagad naming tinanong ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagiging cover niya sa magazine na lalabas ngayong Enero.

Sabi ni Glaiza, “Nakaka-overwhelm. Flattered din naman po ako.

“Siyempre naniniwala ako sa power ng independent content, independent film, independent music, ganyan.

“And siyempre, kaya rin natin ito ginagawa, to reach out to more people, di ba?

“Kaya nga nandito ako to support Direk Ga [palayaw ni Dante] sa advocacy niya.

“At saka matagal ko na rin kasi siyang kakilala at kaibigan kaya support talaga.”

Marami na rin kasing nagawang indie movies si Glaiza kaya hindi nagdalawang-isip si Dante na gawing cover girl ang aktres.

Inilarawan nga sa magazine si Glaiza bilang “flavorful” dahil, ayon sa paliwanag ni Direk Ga, marami kasing kayang gawin at ipakita ang aktres na gumaganap ng bida at kontrabida sa telebisyon at pelikula bukod pa sa kumakanta rin.

Ano ang reaksiyon ni Glaiza rito?

“Actually, natutuwa ako na nare-recognize niya ako bilang isang artist talaga. Hindi lang celebrity kundi bilang artist sa industry, parang ganun.

“Yun din naman talaga yung gusto kong i-project, e, na parang diverse yung ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kung masyado akong nakakulong kunwari sa isang role, kumbaga kung flavor as an artist, parang nakaka-bore o nakakasawa na.”



KONTRABIDA. Speaking of flavors, tila maanghang na naman ang reaksiyon ng mga tao sa kanyang kontrabida role bilang Heidi sa GMA-7 primetime series na Temptation of Wife.

“Yun nga, e, kaya nga humahanap din ako ng pambalanse, di ba? Para ma-lessen yung galit nila sa akin.

“Kasi siyempre, ayoko namang ma-recognize ako doon lang sa ganun.

“Kumbaga, pag naisip nila si Glaiza, ‘A, inis kami diyan,’ parang ganun.”

Hindi ba siya nag-aalala na baka ma-typecast na naman siya bilang kontrabida kahit na nakaganap na siya bilang bida sa teleserye at pelikula?

Saad ni Glaiza, “Wala naman akong problema sa mga roles na ginagawa ko.

“Natutuwa ako sa reaksiyon ng mga tao kung gaano sila ka-affected, di ba?

“Masaya, pero at the same time, nandun pa rin yung conviction ko na ayokong isipin nila na kontrabida lang ako at saka ayoko na yung perception nila ay maihalo nila sa totoong buhay kung ano yung nakikita nila sa TV.

“Alam ko naman na matatalino na yung mga audience natin ngayon. Pero gusto ko lang siyempre na balanse lahat.”

Bilang kontrabida ni Marian Rivera sa teleserye, gaano kahirap gampanan ang role na ito, lalo pa’t sa totoong buhay ay malapit silang magkaibigan?

“Mahirap pero thankful ako kasi nakikita ko yung support ni Marian sa akin.

“Sobra, as in nagugulat ako, e, na ganun pala siyang klase ng tao.

“Kumbaga, naririnig natin the negative things about her, pero kapag nakilala mo na siya, nakatrabaho mo na siya, nabubura yung negative things na yun.

“So, masaya ako dahil kahit mabigat at mahirap yung ginagawa namin, yung co-actors ko, very supportive talaga—pati sina Direk [Dominic Zapata] at yung production people.”



NOT YET READY FOR FHM. Naitanong din ng PEP kay Glaiza kung ano ang reaksyon niya sa pagiging cover girl ni Marian sa FHM January issue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang ganda, as in wala kang masabi doon sa magazine, e,” sabi niya.

Hindi ba siya nagulat na finally ay pumayag si Marian na maging FHM cover?

“Medyo, parang lahat yata nawindang nung makitang nag-FHM siya, e.

“Pero ako, nakasuporta lang kay Marian.

“Hindi siya talaga bastos. Para nga siyang cover ng fashion magazine, e.”

Ngayong pumayag na ang kaibigan niya na mag-cover sa FHM, siya na ba ang susunod na papayag para maging cover girl ng naturang men’s magazine?

“Binibiro nga nila ako, e. Sabi nila, ‘O, ikaw na ang sunod!’

“Kasi first si Bubbles [Paraiso], tapos si Marian nga.

“Tapos ako na raw yung next. Parang Temptation of Wife girls daw.

“So, parang iniisip ko, ‘Puwede, e, puwede.’

“Kaya lang, parang sa ngayon, hindi ko ma-imagine yung sarili ko na magse-sexy pictorial.”

Paano kung parang fashion editorial naman ang dating na parang naging pictorial ni Marian?

“Tingnan natin… hindi ko pa maisip.

“Hindi pa rin talaga ako ready. Hindi pa ako decided, e.

“Siyempre kung ako, pag gusto ko talaga, ‘Oo, why not, di ba?’

“Pero nandun pa rin yung merong kahalong alinlangan ba. Parang hindi ko pa makita yung sarili ko.”

Pero hindi naman daw niya isinasara ang sarili niya sa posibilidad na pumayag ding mag-FHM in the future.

“Oo naman, hindi ko naman isinasarado. Ayoko ring magsalita nang tapos.

“Pero sa ngayon, hindi ko pa nakikita. Matagal pa naman ang itatakbo natin dito [sa industriya].

“So, marami pang puwedeng mangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN