Kris Aquino "annoyed" by questions about Daniel Matsunaga; lashes back at her ex-husband’s fans on Twitter

“Sometimes u have to make a STAND. I won’t be Kris if I didn’t know how to defend myself & my sons,” explains Kris Aquino on why she decided to answer back at her Twitter bashers.


Hindi napigilan ni Kris Aquino itago ang kanyang pagkainis sa ilang Twitter followers niya, na patuloy pa rin ang pagpu-post ng masasakit na salita laban sa kanya.

Nag-umpisa ang pagpapahayag ng TV host-actress ng kanyang pagkadismaya sa ilang followers kaninang umaga, January 17, matapos niyang ianunsiyo ang nalalapit na pagbabalik ng Pilipinas Got Talent sa telebisyon.

May isa kasing nagtanong sa kanya sa Twitter kung makakasama ba si Daniel Matsunaga sa programa.

May ilang nagtaka sa naging sagot ni Kris (@krisaquino214) na, “Y? pls don’t be annoying.”

Nang tanungin kung bakit siya naiinis sa mga tanong tungkol kay sa hunk Brazilian-Japanese model, sumagot si Kris, “Because may ‘malice’ & hindi siya ang crush ko.”

Sumunod nito ay nakiusap na rin ang Kris Tv host na itigil na ang pagli-link sa kanila ni Daniel.

Nagsimulang ma-link ang dalawa nang maging guest sila sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice para sa promotion ng pelikulang Sisterakas.

Sinabi pa ni Kris sa kanyang Twitter followers, “Pwede makiusap, don’t tease me to Daniel. Kayo naman kasi nagpadala sa tukso ni @vicegandako [Vice Ganda] eh no truth.

“Nakaka BV [bad vibes] di nyo naman yung mga evil tweets sa kin saying ang ‘landi’ ko & di na ko natuto & wag naman boy toy. Kaloka.

“Now you know y I’m annoyed!”

Idiniin muli ni Kris na hindi totoo ang pagkaka-link sa kanila ni Daniel, na minsan na rin niyang naging co-host sa morning talk show niyang Kris TV.

Aniya: “Now I’ve explained y I don’t want to be teased when there’s no truth.

“Because if I let the teasing continue, it’s like I’m in agreement."



ON HER EX-HUSBAND’S SUPPORTERS. Sa sunud-sunod na posts ni Kris, nakapagpahayag din siya ng pagkadismaya sa ilang Twitter users na sa tingin niya ay fans ng dati niyang asawang si James Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Fans of my ex r anonymously bombarding me w/ hate tweets.

“How sad for them they haven’t moved on.

“W/ the millions he got from me and my sons, I wish they’d just let me have peace.

“Di ko kaya ginugulo, I more than ’paid’ for my peace already.

“Don’t dare me name the amount because then every1 will know y i’m so afraid of being used again, because Josh and Bimb ang nabawasan ang savings for their future.”

Isa sa mga hindi nagustuhan ni Kris na post ay ang pag-akusa sa kanya ng mga hindi niya kilalang Twitter user na “wala akong kwentang nanay—my God war yan!”

Kinalaunan, ipinaliwanag ni Kris kung bakit siya sumasagot sa mga hate message sa kanya ng anonymous Twitter users.

Aniya, “Sometimes u have to make a STAND.

“I won’t be Kris if I didn’t know how to defend myself & my sons.

“The truth will always emerge!”

Sa huli, ipinakita naman ni Kris na hindi siya masyadong nagpapaapekto sa online bashers.

Aniya, “But I have my sons, my career & now my crush—so Care Bears!!! Lovelovelove.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN