Gardo Versoza uses Adam Sandler as peg for his character in Never Say Goodbye

Gardo Versoza on what else he wants to do in showbiz: "Actually, gusto kong mag-direct. Problema lang kasi, parang yung mga materials na gusto ... ko, medyo marami akong babanggain kaya. Hindiactually, parang gusto ko kasing makita yung other side ng pulitika na lagi nilang bina-block, hindi nila ipinapakita sa tao. Ipakita n’yo, para malaman ng mga tao talaga kung ano yung... bakit nag-aagawan dun sa puwesto, di ba? Bakit kinakailangan ng ganito, ganyan? So, mabigat yung


Muling sasabak sa drama si Gardo Versoza sa pamamagitan ng pinakabagong teleserye ng TV5, ang Never Say Goodbye, na ipalalabas simula January 28.

Dito ay gaganap si Gardo bilang Dindo, at makakapareha niya ang Superstar na si Nora Aunor (Marta) at magiging karibal si Cesar Montano.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo sa set visit ng Never Say Goodbye sa The Manor Hotel, Camp John Hay, Baguio City noong January 13.

Ayon kay Gardo, hindi na naging mahirap para sa kanya ang makatrabaho si Ate Guy sa proyektong ito.

Pagbabahagi niya, “Kami kasi, nagkasama na kami before sa isang series, sa Bituin [ABS-CBN].

“Kaya lang, nung time na yun, yun yung bakla yung role ko. So, kahit papano, magkagamayan na kami.

“So ang difference lang dito is, kumbaga, may relasyon kami dito.

"Unlike before na parang ako lang yung ano niya, kumbaga, hingahan ng sama ng loob dati.”

VIN ABRENICA. Ilan pa sa mga makakasama ni Gardo sa Never Say Goodbye ay ang grand winners ng Artista Academy na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Magsisilbing foster father ni Vin (William) si Gardo sa teleseryeng ito kaya naman nagkasama na sila sa ilang mga eksena.

Pag-amin ni Gardo, nakikita niya ang kanyang sarili kay Vin nung nagsisimula pa lamang siya.

Wika niya, “Kumbaga, sa ‘kin, naaalala ko yung Seiko days ko, pa-extra-extra pa lang ako.”

Ano naman ang masasabi niya sa pag-arte ni Vin?

“Sa ngayon, hindi ko pa maibigay yung full rating ko sa kanya kasi hindi pa katindi or kabigat yung mga nakaengkuwentro naming eksena, e. So, hindi ko pa ma-judge na ano…

"Pero like yung sa kanya, nararamdaman ko yung pagpupursige, tapos like yung willingness na matuto.”

DRAMATIC ROLE. Sa huling teleserye ni Gardo sa GMA-7, ang Aso Ni San Roque, gumanap si Gardo bilang isang aswang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw ito sa mga dahilan kaya sinisikap niyang pag-iba-ibahin ang mga karakter niya.

Sabi pa niya, “So yung dito, parang ang nakikita kong pini-peg ko sa character ko, like, parang yung kay Adam Sandler—na yung parang happy-go-lucky siya, jolly na person... positive.

“And then, pag may mga times na intimate or dramatic scenes, yung treatment niya, parang sa totoong buhay lang.

“Oo, kaya lang kasi, the thing is, kailangan maparating ko na seryoso, and like, mabigyan mo ng buhay kahit mukha siyang light.”

Paliwanag pa niya, “Kasi minsan, ang tendency, kahit na yung drama niya nakapaloob na dun sa scene, minsan para lang mapansin, ang ginagawa nung artista is, like, masyado niya pang binubungkal, e.

“Na parang kasi yung essence nung drama, nakapaloob na dun sa ano. So yun yung kadalasan kong iniingatan dito.

"Para hindi magmukhang masyadong pilit.”

Kuwento ni Gardo, hindi niya plinano na maging aktor noon.

Wika niya, “Hindi, e. Actually, sinunod ko lang yung nanay ko.

"Nanay ko yung mahilig sa mga arti-artista.

“Tapos, siya yung talagang fan na fan before, nung mga times niya,” sabi ni Gardo tungkol sa kanyang namayapang ina, na isang fan daw ni Nida Blanca.

Mahigit dalawang dekada na si Gardo sa showbiz.

Pagbabahagi niya, isa si Cesar Montano sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng pagkakataong sumikat

Sabi ni Gardo, “Actually, malaki nga utang na loob ko sa kanya, e.

"Kasi, kung hindi siya umalis ng Seiko, wala akong posisyon.

“Kasi kung hindi niya binakante yung ano, wala akong slot.

"It so happened na, as far as I know, kumbaga, hindi siya kumportable dun sa... like yung parang mga ST-ST before.”

Anong pakiramdam na nagtagal siya nang ganito sa showbiz?

Sagot ni Gardo, “Sobrang elated and happy and thankful kay God and thankful din sa inyo [press].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi through the years, like ayan, magkikita pa rin kami ulit.

“So, parang totoo yung sinasabi mo na, di ba, hindi puwedeng hindi ka lilingon pabalik. Kayu-kayo pa rin magkikita sa future.”

Anong tips ang maibibigay niya sa mga mas batang artista?

Ani Gardo,“Siguro, like, just be yourself.

“Baka kasi mamaya, may sasabihin ako na parang, ’O, eto, sundan ninyo yung molde ni ganito,’ tapos hindi naman sila yung ganung person sa totoong buhay.

"Mahirap, di ba?

“Magko-contradict lang and then, in the end, sila rin yung magsa-suffer.”

EDDIE GARCIA. Nang tanungin kung sino ang iniidolo niya sa showbiz, sagot ni Gardo, “Si Manoy.”

Si "Manoy" ay ang veteran actor na si Eddie Garcia.

Masuwerte raw si Gardo dahil nakatrabaho na niya ito, “Ilang beses na, actually lucky charm ko yun, e.”

Sa pakikipagtrabaho niya kay Eddie Garcia, anu-ano na ang mga natutunan niya sa beteranong aktor?

Wika ni Gardo, “Sa kanya, never ko siyang nakitaan ng kayabangan. Ever since, sobrang down-to-earth.

“And then, like, pag yung mga eksena, hindi siya... lagi siyang kumbaga ano... ka-team.

“Mapi-feel mo na hindi nagsosolo. Laging, kunwari, kung ano yung ibibigay mo, ibabalik niya sa ‘yo, and vice versa.”

ASPIRING DIRECTOR. Sa dami na ng nagawa niya sa showbiz, may nais daw gawin si Gardo na hindi pa niya nagagawa.

Paglalahad niya, “Actually, gusto kong mag-direct.

"Problema lang kasi, parang yung mga materials na gusto ko, medyo marami akong babanggain kaya.

“Hindi... actually, parang gusto ko kasing makita yung other side ng pulitika na lagi nilang bina-block, hindi nila ipinapakita sa tao.

“Ipakita ninyo, para malaman ng mga tao talaga kung ano yung, bakit nag-aagawan dun sa puwesto, di ba? Bakit kinakailangan ng ganito, ganyan?

"So, mabigat yung tema, yung tipong bukas, patay na ’ko! Hahaha! Ganun.

“Kaya nung buhay pa yung nanay ko, nagagalit siya. Sabi niya, ’Wag ka nang makialam diyan. Tama na ’yan diyan sa showbiz ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, hindi naman ‘to para sa ‘kin.

"Parang sabi ko, kahit papa’no, pag nawala na ’ko, maalala ka na, eto, ginawa niya ‘to para sa mga kapwa niya, ganyan-ganyan.

“Actually, hindi ko alam kung saan yung drive, pero parang... parang kanina, may napanood ako sa TV na parang… ah, yung commercial ng Coke.

“Maganda yung tagline niya na, ‘Sinong napaligaya mo ngayon?’

“Actually, yung before-before pa, yung kay Carlos Santana, meron ’yan, e, sa kanta na ‘Make Somebody Happy.’

“Tapos, kasi ang hirap gawin kung iingatan mo yung ganito, iingatan mo yung ganyan.

“Kumbaga, sasagasa ka talaga, na parang, wala ka mang pini-pin-point or ni-ne-name drop. Solid, klaro yung tinutumbok mo, di ba.”

Bukod sa pagdidirek, gusto niya bang maging producer ng mga pelikulang may ganoong tema?

Sagot ni Gardo, “Ayokong produce, magastos yun! Gusto ko, dream ko na parang maging Mel Gibson.”

Nang tanungin kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika, wika ni Gardo, “Ay, hindi, wala.

“Kasi pag kunwari, pinasok ko yun, mawawalan na ng essence yung mensaheng gusto kong iparating.

“Parang kakainin ko lahat nung pinaglalaban ko, kung gagawin ko yun.”

Hindi lingid sa kaalaman ni Gardo na hindi madali ang nais niyang gawin.

Aniya, “Mabigat.

“Kaya nung ano, hindi rin ako masyadong ganung ka-open kasi bina-block talaga nung nanay ko.

"Sabi niya, parang, siguro puwede mo lang gawin ’yan pag patay na ‘ko.

“E, parang ngayon, yung drive, parang feeling ko, hindi kumpleto yung buhay ko kung hindi ko man lang magagawa yun.

“Tapos, isa rin siguro yun sa nagpipigil kaya ayokong mag-pamilya.

"Kasi kung yun ang ipu-push mo, anytime talaga, puwede ka nang mamatay, e.

“Dahil ganun ka-risky, di ba?

"So parang ang pangit kung magpapamilya ‘ko tapos maiiwanan sila, napaka-unfair, di ba.

“Whereas kung parang nag-iisa ka, klaro yung adhikain mo, parang... di ba, kung sa boksingero... di ba, jab ka nang jab?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Jab nang jab tapos bigyan mo nang isang matinding straight, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN