Sam Milby dislikes labels on his "friendship" with Shaina Magdayao

Sam Milby on being single: "Ako, I definitely want to have a date. I definitely want to have a girlfriend. Three years na naman na last girlfriend ko, but di siya nade-depress ako. And I’m still young. I’m twenty-eight. Kung sino ang tamang babae sa akin, darating yun."


Kahapon, January 16, ay nagkaroon ng concert-themed press launch ang Kahit Konting Pagtingin ng ABS-CBN sa Laffline sa Quezon City.

Dumalo rito ang cast ng show, sa pangunguna nina Sam Milby, Paulo Avelino, at Angeline Quinto.

Comedy ang tema ng bagong series na ito ng Kapamilya channel, kung saan gaganap si Angeline bilang Aurora, na mapagkakamalang fiancee ng isang mayamang lalaki.

Matapos ang press launch ay nagkaroon ng pagkakataon ang media na makapanayam ang mga artista.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam, ipinahayag nito na gusto niyang nakakatrabaho si Angeline dahil totoo ito sa sarili.

"Yun ang charm niya, e. And I think yun ang gusto nang tao na very prangka, she’s very open.

"Ganun talaga siya, e," sabi ng 28-year-old actor-singer.

At kahit madalas biruin ni Angeline si Sam na gustung-gusto siya nito, nilinaw ng hunk actor na magkaibigan lamang sila.

"Ayoko nang bigyan ng malisya ang friendship namin. Yun ang ine-expect dahil may project kami.

"Gusto kong sabihin ang totoo. We’re friends, we’ve been friends na matagal na.

"Ganun lang kami, walang malisya kami," pahayag nito.

Bukod pa dito, chemistry raw kasi ang hinahanap niya sa makakapareha.

Saad ni Sam, "That’s something that I definitely look for in a woman, but ang pinakaimportante sa akin is kung may chemistry with a woman.

"Nararamdaman mo kaagad kung may connection, kung may chemistry, and kung nag-uusap kayo, kung tuluy-tuloy yung pag-uusap ninyo. It comes naturally."

DATING SHAINA. Kamakailan lamang ay napabalitang nais ligawan ni Sam si Shaina Magdayao. Napabalita ring nagpaaalam siya sa kanyang kaibigan na si John Pratts para rito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam kagabi ay sinabi ni Sam na hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga pahayag niyang ito.

Sana nga raw ay hindi bigyan ng label ng mga tao kung ano na ang nangyayari sa kanyang relasyon kay Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "I don’t know how to talk about it kasi wala pa, friendship lang talaga.

"Pero dahil nagtanong yung mga press, gusto ko maging honest.

"Yung yung ginawa ko kay Pratty [John Prats], hindi naman ibig sabihin na may something na. May label na... wala, wala kaming anything.

"Napi-preempt na, parang may pressure na.

"E, hindi naman dapat ganun.

"Kung nakikita ninyo na lumalabas kaming dalawa, ibig sabihin nagbu-bloom yung friendship namin.

"Kung hindi, mas mabuti na friends lang kami.

"So, ’wag i-preempt, ’wag i-label kasi wala pa talaga."

Ang totoo raw ay kaibigan niya lang ang young actress.

Kuwento niya, "We hang out a few times, kasi yung mga kaibigan, kasi friends lang.

"And, uhm, ayoko na nile-label talaga yung friendship namin kasi wala pa talaga.

"We don’t actually text that much.

"I’ll say na, itong last Sunday, yung friend niya, nag-birthday, and I was there also.

"Kumbaga, birthday party ng friend niya. Kaya lahat kami nag-hang out ulit. Yun lang.

"We don’t really text that often, so that’s why ayoko nang bigyan ng label tulad ng ginagawa ng ibang tao, kasi nga, yun nga, wala pa."

Pero kailangan ba niyang magpaalam kay John Prats para lamang manligaw?

Sagot ni Sam, "Di naman sa kailangan. It’s more of a heads-up, I guess...

"Ako, good friends kami ni Pratty, and mahirap hanapin yung real friends.

"And siya, we’ve been friends for a long time. Ayokong masira yung friendship namin."

Pagpapatuloy ni Sam, tanggap naman niyang mag-isa lamang siya sa darating na Valentine’s Day kung hindi matuloy ang balak niya.

"You know, I don’t think, kahit sino, gusto maging mag-isa—pero ayoko nang pilitin kung wala.

"Siyempre, yun ang bagay na hindi puwedeng i-push. It’s something you wait for.

"Kung wala pa, e, wala pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami akong blessings ngayong taon na ito, and I’m just enjoying lahat na nangyayari ngayon.

"Ako, I definitely want to have a date. I definitely want to have a girlfriend.

"Three years na naman na last girlfriend ko, but di siya nade-depress ako.

"And I’m still young. I’m twenty-eight.

"Kung sino ang tamang babae sa akin, darating yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN