Angeline Quinto wants to have a boyfriend in 2013: "Kung sakaling may dumating, ako na lang bahalang mag-schedule."

Naghahanap nga ba ng karelasyon ngayong taong ito si Angeline Quinto? Sagot niya: "Gusto ko naman po na kung sakaling ngayong 2013, para naman maging mas inspired ako lalo. Kasi yun naman po yung sinasabi ng iba, na kapag may ka-lovelife ka, mas gaganahan kang magtrabaho. So, feeling ko, mas matutulungan ako."


Masaya at puno ng tawanan ang press launch para sa Kahit Konting Pagtingin kahapon, January 16, sa Laffline sa Quezon City.

Palabiro kasi ang bida ng teleserye na si Angeline Quinto, at bentang-benta ang one-liners niya sa entertainment press.

Kasama rin sa biruan ang mga leading men ni Angeline na sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Sa isang pagkakataon nga ay ikinumpara ni Angeline ang dalawang aktor.

Pahayag ng singer-actress, mas gusto niya si Sam dahil "lasang imported" ito, habang "lasang class A" lamang si Paulo.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline matapos ang press launch, ipinahayag nito na napakasuwerte niya ngayong 2013.

Sabi niya, "Nung last year, sabi ko nga, baka hindi na ganito kaganda yung blessings na matanggap ko.

"Pero nagkamali ako, na January pa lang, nagkaroon na ako ng sariling teleserye, sobrang natuwa ako.

"Nung una, nalalaman ko, di pa sure, e.

"Tumakbo po ako sa Quiapo dahil yun naman po yung lagi kong ginagawa. Na everytime may blessings talaga, dun po lagi ako pumupunta.

"Pumunta rin po ako sa Manaoag [Pangasinan]."

Mas natuwa rin si Angeline nang malaman niya ang kanyang mga makakapareha.

"Sobrang na-excite po ako, kasi si Sam, medyo matagal ko na siyang nakasama.

"Tapos si Paulo naman po, matsa-challenge po ako na makasama si Paulo kasi po, ito po yung first time na makasama ko siya sa isang project," saad niya.

Bukod pa rito ay may matututunan daw siya sa dalawang aktor, lalo na’t una niyang soap opera ang Kahit Konting Pagtingin.

Pahayag ni Angeline, "Nung nakita ko nga po yung kinalabasan ng Walang Hanggan... di ba, isa rin po siya [Paulo] sa mga naging part dun?

"E, talagang natuwa po ako dahil marami po akong matututunan sa mga makakatrabaho ko talaga."

Matagal niya na ring kaibigan si Sam, kaya’t kapalagayan na niya ito ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Kasi, madalas naman po talaga kaming nagbibiruan niyan, pero siyempre, lahat naman po nang ititunuturo sa akin ni Sam e naa-appreciate ko lahat."


BEING SINGLE. Pagpapatuloy ni Angeline, hindi naman ibig sabihin nito na kakalimutan na niya ang kanyang first crush sa showbiz na si Coco Martin.

Matatandaang si Coco ang first screen partner ni Angeline, sa pelikula nilang Born To Love You.

Biro ni Angeline, "Sobrang dami ko ngang natutunan lalo kay Coco.

"Pero sinabi ko na nga po dati, e, nililigawan ko yung tao at hindi ako sinagot. May mga paramdam-paramdam po.

"E, siguro, hindi pa siya handa.

"E, ngayon, mas magandang blessing na dalawa pang lalaki ang dumating sa akin. Di ba?"

Sa mga magaslaw na pahayag ni Angeline, ibig sabihin ba nitong naghahanap siya ng karelasyon sa taong ito?

Sagot niya, "Gusto ko naman po na kung sakaling ngayong 2013, para naman maging mas inspired ako lalo.

"Kasi yun naman po yung sinasabi ng iba, na kapag may ka-lovelife ka, mas gaganahan kang magtrabaho.

"So, feeling ko, mas matutulungan ako."

At kung dati-rati ay "basta mayaman" lamang ang hinihingi ng singer sa makakapareha, inamin niyang nag-iba na ang kanyang pananaw.

Paliwanag niya, "Kasi yun yung pangarap ko talagamng maging dyowa ko noon.

"Kasi may mga kakilala akong may asawa na doktor, hindi na nagtrabaho. Lahat umasa doon.

"Sabi ko, parang ang sarap ng feeling kapag ganun yung napangasawa mo.

"Opo, kung sakali, para sa akin, kung sino na lang po yung dumating na nagustuhan ko, bakit hindi po?"

Biro niya muli, sana siya naman ang ligawan—lalo na ni Sam Milby.

"Ako na lang ba manliligaw? Pagod na ko, ’te! Bagong-buhay naman!" natatawang biro niya.

"Siguro maghihintay na lang ako na siya na lang manligaw sa akin.

"Siguro pagkatapos nina Shaina [Magdayao], ako naman."

Kung magkaka-boyfriend man siya ngayon, handa naman daw siyang i-schedule ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Monday po ako, wala po ako masyadong ginagawa, kaya kung meron po, puwede bang dun na lang? Naka-schedule?

"Kung sakaling may dumating, ako na lang bahalang mag-schedule," pahayag ng masayahing singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN