Sam Milby on kissing scene with Angeline Quinto: “Ang masasabi ko rin, good kisser din siya, e.”

Sam Milby on Angeline Quinto: “Kita namang nagbu-bloom talaga siya and she’s blooming as an artist, as a singer, and as a person. She has a natural charm about her, totoong tao siya. Kung anuman ang nakikita ninyo, ganoon siya talaga.”


Pitong taon na sa showbiz si Sam Milby, at very thankful siya sa magagandang nangyayari sa career niya.

“Sobrang busing-busy itong 2013, so sobrang masaya, sobrang thankful sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon,” umpisang pahayag ni Sam sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin noong Miyerkules, January 16, sa Laffline Comedy Bar sa Timog.

Si Sam, bilang Adam Ledesma, at si Paulo Avelino, bilang si Lance Ledesma, ang leading men ni Angeline Quinto, na gumaganap namang Aurora, sa bagong kilig serye na ito ng ABS-CBN.

Kuwento ni Sam, “Si Lance yung easy-going, magaling mag-connect sa mga tao.

“Ako yung talagang istrikto, ako yung kailangang perpekto ang lahat, hindi puwedeng magkamali.

“So medyo may distance din ako sa mga tao kasi pag nagkakamali ang mga tao.

“Parang basta puro work, work lang talaga ako.

“Ganoon ako, e. Wala akong buhay in terms of gimik, basta trabaho lang talaga.”

Pero may magic daw na mangyayari later on sa story at kung paano siya babaguhin ni Aurora.

Mas experienced si Sam in terms of acting, at unang teleserye naman ni Angeline ang Kahit Konting Pagtingin. Paano gina-guide ni Sam ang singer/actress sa tapings nila?

Sagot niya, “Hindi naman ako yung nagga-guide sa kanya, e.

“Eto ang first teleserye niya so, iyon nga, nasasanay na siya sa taping, kasi may ginawa siyang movie [Born To Love You].

“And pag movie, sa shooting days, siguro mga ilang sequences lang, e.

“So, it’s mas madali, yung mga emotions na mas madali, at mas maraming sequences sa teleserye.

“And mas stressful and mas nakakapagod.

“Nasasanay na siya, and she’s learning very, very well—especially being a singer.

“Yung tapings namin, tapos may ASAP pa siya, pero kita ninyo naman, ganoon pa rin ang boses niya.

“She’s doing well, I don’t have to help her naman, e. Its coming natural sa kanya,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FRIENDS. Nagkasama na rin sila sa isang concert abroad nang nag-guest dati si Sam sa concert tour ni Angeline kaya may bonding na sila dati pa.

“Yeah! And even before yung concert niya, nag-a-ASAP kami.

"We became friends way, way back before, so kumportable na kami.”

Ano ang reaksiyon ni Sam nang inamin ni Angeline na gustung-gusto siya nito bilang leading man kaysa kay Paulo?

“Siyempre very flattering!

"Ako, nag-e-enjoy ako na kasama ko siya sa teleserye na ito.

“Ito’ng first teleserye niya and, si Angeline, lalo na ngayon, nagbu-bloom siya ngayon.

“Kita namang nagbu-bloom talaga siya and she’s blooming as an artist, as a singer, and as a person.

“She has a natural charm about her, totoong tao siya.

“Kung anuman ang nakikita ninyo, ganoon siya talaga.

“She’s very frank talaga, e, kahit sa mga sagot, di ba?

“She’s just herself. That’s her charm, that is what’s great about her.

“Pati sa acting dito sa teleserye, yung character niya dito, hindi naman malayo sa totoong Angeline din.

“So very natural din yung acting niya and ako thankful din ako sa pagkakaibigan namin.

“And dito sa teleserye, it makes it a lot easier para sa amin na kumportable na kami sa isa’t isa.”

May posibilidad ba na ma-in love siya kay Angeline? Taglay ba ng singer ang ideal qualities na hinahanap niya sa isang babae?

Tugon ni Sam, “Lahat ng qualities na hinahanap ng kahit na sinumang lalaki, nandiyan kay Angeline talaga.

“Pero ayoko ding i-mislead ang mga tao na may something kami.

“Kasi matagal na kaming magkaibigan, but hindi ibig sabihin na walang puwedeng mangyari sa future.

“Pero ganoon talaga kami, we’re good friends matagal na.

“Ganoon lang kami, e. It’s not… kung maggu-grow, e, maggu- grow...

"Pero ngayon, friends lang talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang.”



TASTIER KISS. Tawa naman nang tawa si Sam nang sabihin sa kanya na pabor sa kanya si Angeline dahil "imported" si Sam... na ang halik niya ay "lasang imported."

“Lasang imported pala ako... pero depende kung saan import.

“Kasi minsan, puwedeng ano, puwedeng yung import, galing China or import galing sa kung anong bansa, di ba?” ang tawa ng tawang sinabi ni Sam.

“Hindi naman lahat ng import, ibig sabihin na… this is not working, I’m sorry!” at muling tumawa si Sam na tila hindi alam kung ano ang ire-react.

“Thank you to Angeline... I think it was the music video.

“Actually, ito, never lumabas ito, yung first music video niya, nag-guest ako.

“Meron din kaming kissing scene doon actually, pero hindi lumabas.

“So, hindi ito ang first kissing scene namin sa video na ito,” sinabi ni Sam referring to the Kahit Konting Pagtingin music video nila.

Tumawa rin nang tumawa si Sam nang sabihin sa kanya na tumayo ang balahibo ni Angeline during their kissing scene.

“Ang masasabi ko rin, good kisser din siya, e, good kisser din siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN