Daniel Matsunaga laughs off rumor linking him to Kris Aquino; prefers women about his age

Sinegundahan ni Daniel Matsunaga ang sinabi ni Kris Aquino na hindi dapat sila i-link sa isa’t isa dahil magkaibigan lang daw sila.


Nagpahayag na si Kris Aquino ng kanyang “pagkairita” sa mga nanunukso sa kanila ni Daniel Matsunaga.

Nakiusap ang TV host-actress na huwag na silang i-link ni Daniel.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ng InterAksyon kay Daniel, na lumabas ngayong araw, January 17, sinegundahan ng Brapanese model-actor ang pakiusap ni Kris.

Pinanindigan ni Daniel na magkaibigan lang sila ni Kris.

Naging mag-co-star sina Kris at Daniel sa pelikulang Sisterakas at pansamantala ring naging co-host ang modelo sa morning show ni Kris sa ABS-CBN na KrisTV.

Pinagtatawanan na lang daw ni Daniel ang mga ganung usapan.

Aniya, “Oh, my God!

“Talaga? May tanong na ganyan?

“Hindi ako ready! Hindi ako ready.”

Hindi raw siya ready na sagutin ang mga tanong tungkol sa pagli-link sa kanila dahil nahihiya raw siya kay Kris.

Isa pa, medyo malayo raw ang agwat ng kanilang mga edad.

Twenty-four years old lang si Daniel, at si Kris naman ay turning 42 on February 14.

Pero inamin ni Daniel na handa na siyang magka-girlfriend ulit pagkatapos ng breakup nila ni Heart Evangelista.

“Twenty-four hanggang twenty-eight” lang daw ang edad ng babaeng matitipuhan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN