Complaints filed by Mon Tulfo against Raymart Santiago and Claudine Barretto dismissed

Ibinasura ng Office of the City of the Prosecutor ng Pasay City ang tatlong reklamong inihain ng broadcaster na si Mon Tulfo laban sa mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago (in photo).


Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Pasay City ang tatlong reklamo na inihain ng broadcaster na si Mon Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Sa isang joint resolution na inisyu ng Prosecutor’s Office ng Pasay City, na may petsang October 26, 2012, ibinasura ang mga reklamong Attempted Homicide, Grave Coercion, at Oral Defamation laban kina Raymart at Claudine dahil sa “lack of probable cause.”

Ang tanging natirang reklamo ay para sa Slight Physical Injuries laban kay Raymart at sa kaibigan ng mag-asawa na si Edoardo Atilano, at karagdagang reklamo ng grave coercion laban sa aktor.

Nag-ugat ang mga reklamong ito sa engkuwentro na naganap sa pagitan nina Raymart at Claudine at ni Mon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 2012.

Sa isang statement na ipinadala ng abugado nina Raymart at Claudine na si Atty. Alex Avisado Jr. ay nagpasalamat ang mag-asawa sa desisyon na ito ng korte:

“Our clients Claudine Barretto and Raymart Santiago are humbled and thankful for this decision for it shows that indeed the court in dispensing justice is insulated from public opinion and considers not quantity but the quality of evidence submitted by the parties."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN