Part 1. Luis Manzano quashes rumored secret wedding with Jennylyn Mercado in Hong Kong

Maging si Luis Manzano ay nalilito na sa mga lumalabas na balita tungkol sa kanila ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado. May iba kasing nagsasabi na kasal na raw sila, habang may ilan na nagsasabing nagkakalabuan na sila. Sabi ni Luis tungkol dito: “Hindi pa kami kasal. Hindi rin kami nagkakalabuan. Kumbaga, dapat ang mag-usap na lang ang dalawang gumawa ng isyung ito. Para mahanap na lang ang compromise. Kasi may isang sobra, may isang kulang dito. Mag-usap na lang sila,


Umeere na ang bagong game show ng tinaguriang “Prince of Game Shows” na si Luis Manzano sa ABS-CBN—ang Minute To Win It.

Dahil sa sobrang hetic ng schedule niya kung kaya’t wala pa raw siyang maibigay na bakanteng araw para sa presscon ng sarili niyang programa.

Pero napagbigyan ni Luis ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang exclusive interview pagkatapos ng taping ng Minute To Win It—sa kundisyon na panoorin daw muna namin ang bago niyang game show.

Pang-ilang game show na niya ito?

“Well, pangatlo pa lang naman ito: Panahon Ko ‘To, Deal Or No Deal, at ito ngang Minute To Win It.

“Magkaiba ito kaysa mga nagawa ko nang game shows. Mas casual ito,” sabi ni Luis nang makausap namin siya sa kanyang dressing room sa ABS-CBN.

Magkaiba naman daw ang Kapamilya Deal Or No Deal sa Minute To Win It.

Sa Minute To Win It daw kasi ay kakampi ni Luis ang player, pero sa Deal Or No Deal ay siya ang nagsisilbing tulay ng player kay Banker.

Dagdag ni Luis, "Isa pa rin sa kaibahan, pormal ng konti yun, pero dito, casual lang.”



TEMPORARY LEAVE. Kay Luis na rin namin nalaman na naka-temporarily leave muna siya sa dalawa pa niyang shows—ASAP at Sarah G Live.

"Kasi ang ibang taping namin ng Pilipinas Got Talent, tuwing Sundays gagawin.

“So, wala muna ako ASAP at sa Sarah G, pero hindi ako tinanggal o nagpatanggal.”

Sunud-sunod ang TV shows ni Luis sa Kapamilya network. Di ba’t magtatapos na ang kontrata niya sa network? Nakapirma na ba siya ng bagong kontrata?

“Well, mid this year, paso na ang kontrata ko. So sana sa susunod na buwan, may pag-uusap na magaganap.”

Mananatili pa rin ba siyang Kapamilya o nag-iisip na rin siyang lumipat?

“Truth be told, well, tingnan natin. Ayoko rin namang magpaka-plastic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga ibinibigay naman silang project sa akin, at natutuwa naman ako at hindi ako pinabayaan ng ABS," sabi ng TV host.

What will make him leave ABS-CBN?

“If I feel siguro wala nang challenge ang mga ibinibigay nilang projects sa akin.

“Kung mararamdaman kong wala na akong importansiya sa kanila. Kumbaga, kung wala na doon yung halaga nila sa akin.

"At siyempre, hindi ako plastic na tao, pera pa rin ang importante.

“Yun naman ang bottomline, di ba? Kumbaga, kung saan ang pera, di ba?

“Ayoko namang magpaka-plastic," seryoso ngunit napangiting sabi ni Luis.

So, may posibilidad maging Kapuso siya kasama ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado?

Sagot niya, “Well, at this point, nakikita ko naman ang importansiyang ibinibigay sa akin ng ABS-CBN. So, walang dahilan pa ang mga bagay na ‘yan.”

Ayaw niya bang makatrabaho si Jennylyn?

“Well, kahit naman… ayaw naming paglaruan ang relasyon namin.

“Kahit naman before, hindi kami gumagawa ng paraan na makapagtrabaho.

“Nagkatrabaho kami ni Jen, nung mga pa-cameo-cameo lang.

“Pero yung magkatrabaho talaga kami, e, ayaw namin dahil baka mapaglaruan kami.

"Kumbaga, ayaw naming ilagay sa spotlight ang relasyon namin."

WEDDING RUMOR. Kumusta na sila ni Jennylyn? May balak na ba silang magpakasal? May usap-usapan na kasal na raw sila, totoo ba ito?

“Sa totoo lang, hindi ko pa alam.

“Ito nga, maraming nagtatanong kay Jen, kung kasal na kami. May nagsasabi namang hiwalay na raw kami.

“Kumbaga, hindi ko talaga alam. Ilang beses na nilang sinabi na kasal na kami.”

Maski nga raw ang ama ni Luis na si Edu Manzano ay sinabing kasal na raw ang anak at si Jennylyn.

Sabi ni Luis tungkol dito, “Sana inamin na rin niya na siya ang pumatay kay Rizal!

“Ang dami namang sinabi niya na wala akong kinalaman.

“Sa totoo lang, nagulat talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kababasa ko lang kanina sa isang article na balitang nagkakalabuan na raw kami ni Jen and, at the same time, may balita namang nagpakasal na raw kami," napailing na sabi niya.

So, ano talaga ang real score?

“Well, okey pa rin namin kami together.

“Wala kaming pinaplanong kasal, walang nangyaring kasalan out of the country.

“Hindi pa kami kasal. Hindi rin kami nagkakalabuan.

“Kumbaga, dapat ang mag-usap na lang ang dalawang gumawa ng isyung ito. Para mahanap na lang ang compromise.

“Kasi may isang sobra, may isang kulang dito. Mag-usap na lang sila, sa gitna.”

Ipapaalam ba nila sa kanilang pamilya kung sakaling magdesisyon na silang pakasal ni Jennylyn?

Sagot ni Luis, “Napakabastos ko naman kung hindi ko ipaalam sa kanila.

“Napakawalang hiya ko naman, sa lahat ng ginawa nila sa akin, to take something away.

“So, sa akin, pag dumating ako puntong ‘yan, e, malalaman talaga ng lahat.

“There is no way na para itago. No reason, as of now, para itago ‘yan.”

Balita kasing nagulat na lang ang mommy ni Luis na si Governor Vilma Santos sa naglabasang balita na kasal na raw ang anak at si Jennylyn sa Hong Kong?

“Matagal na rin naman akong di nakapunta sa Hong Kong. Almost a year na yun.

“Wala pa talaga,” giit ni Luis.

Saan ba gusto ni Luis na maganap ang kasalan nilang dalawa ni Jennylyn kung saka-sakali—sa Pilipinas o sa abroad?

“Well, gusto ko talaga rito sa Pilipinas. Kumbaga, walang hassle, malapit sa lahat.

“Sa bahay ko lang siguro, sa garden—mga apat na bisita para makatipid!” napatawa niyang sabi.

If ever magpakasal sila, gagawa ba sila ng pre-nuptial agreement?

“Well, good question ‘yan.

“Hindi naman siya mukhang pera… baka ako pa nga ang kumuha ng pera niya!

“Honestly, that’s one question na… I don’t need naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Definitely, she is not after my money… baka siguro, pero hindi, e.

“Actually, very smart si Jen sa money niya.”


LIVE-IN RUMOR. Itinanggi rin ni Luis ang balitang nagli-live-in na raw sila ni Jennylyn.

“No, hindi kami nagli-live-in.

“Sa bahay pa rin nila umuuwi si Jen. She has her own family, she has a son.

“Hindi kami nagli-live-in," diin niya.

Bagamat may kakayanan naman na silang bumuo ng sariling pamilya at mamuhay nang magkasama ay hindi pa raw nila ito gagawin.

Paliwanag ni Luis, “It has nothing to do with the financial.

“Hindi rin talaga niya pwedeng iwanan sa ngayon ang pamilya niya, higit sa lahat ang anak niya.

“So, it is nothing to do with money.

“Si Jen, ang dami na ring naipon niyan. So, nothing to do with money at all.

“Basically, priority talaga ni Jen ang family, which I will always respect.”

Naniniwala ba si Luis na dapat live-in muna ang isang couple para makilala nila ang isa’t isa bago sila magpakasal?

“Yes, kasi ang daming couples na nagkakahiwalay, pero biglang nagkakasisihan: ‘Hindi naman siya ganyan nung nagkasama kami sa isang bubong.’

“Dapat nakikita mo muna yung mga kamalian at kahinaan ng isang tao.

“Yung iba nga, nagkakahiwalay na naiwan lang nabukas ang pinto ng comfort room. Something as shallow as that.

“So, ako, para sa akin, para sa akin, e, parang test drive ’yan."

MOST EXPENSIVE GIFT. Malapit na ang Valentine’s day, ano ang plano nilang dalawa ni Jennylyn?

“Ako nga, ano, e… masyadong busy pa kaming pareho.

“Honestly, hindi ko pa alam ang sked. January, every day akong may trabaho.”

Ano ang most expensive gift na naibigay niya kay Jennylyn?

“Well, sa tingin mo ba, kaya nilang presyuhan ang halik ko?” sagot ni Luis.

Dagdag niya, “Pero siyempre, ayokong magbanggit ng materials things. Magaling kaming magbigayan ng regalo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JENNYLYN’S SON. May ilang nagsasabi na mas malapit daw ngayon ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz kay Luis, kaysa sa ama nitong si Patrick Garcia. Ano ang masasabi ni Luis dito?

"Well, I don’t want to comment on that. Basta para sa pamilya ni Jen, ayokong mag-comment.

“Kung anumang meron sila, e, sila dapat ang magsalita at hindi ako.

“I am not in any position na magsalita about that.

“Hindi lang para kay Jen kundi para rin kay Patrick, kay Jazz, at sa lahat ng pamilya niya,” maingat na pahayag ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN