Part 2. Luis Manzano on extending his appearance on Be Careful With My Heart: "Hindi ko talaga kakayanin. It’s either na ituloy ko ang show or buhay ko na katapat nun.”

Ito ang sagot ni Luis Manzano nang tanungin kung ano pa ang nais niyang mangyari sa kanyang buhay ngayong taon: "Sana magtuluy-tuloy pa ito. Nakangiti akong nalilinya ako sa game shows, sana masundan—yung marami pang magagandang projects. Yung business ko, maging okey pa lalo. Kumbaga, kung anong meron ako rito, sana lumago pa."


Sa April 21 ay 32 years old na si Luis Manzano.

Ano ang future plans niya o ano pa ang expectations ng isang super-busy na TV host-actor na gaya niya?

"Sana magtuluy-tuloy pa ito.

“Nakangiti akong nalilinya ako sa game shows, sana masundan—yung marami pang magagandang projects.

“Yung business ko, maging okey pa lalo.

“Kumbaga, kung anong meron ako rito, sana lumago pa," sabi ni Luis, na isa ring taxi operator.

MOVIES. May gagawin din ba siyang pelikula? Ang huling pelikula ni Luis ay ang blockbuster hit na This Guy’s In Luv With U Mare (2012).

Sabi ni Luis, “Well, hindi ko kayang isipin, e.

“Dito nga sa TV, e, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

“Maraming mga nagtatanong na… gusto yata Moron 5 Part 2.

“Meron din namang bagong pelikula na makakasama ko ang isang aktres—na hindi ko pa kayang sabihin sa inyo ngayon.

“In other words, hindi pa talaga kaya ng sked ko. “

Within this year kaya ay makakagawa siya ng isang pelikula sa Viva Films kung saan may kontrata siya?

“Siguro mga mid this year. Kung kaya, kasi this time, wala talaga akong maibibigay.

“Yung Be Careful With My Heart nga, e, nagkaproblema pa, di ba?

“Gusto kasi nila, e, kumpletuhin ko yung eight weeks na ipini-present nila sa akin. Pero di ko talaga kaya.

"Nung naglabasan na ang mga skeds ko… kasi ang kaya ko lang talagang gawin, e, three weeks sa kanila.

“Heto humirit pa sila… siguro mga two weeks pa ang ibibigay ko sa kanila," sabi ni Luis.

Bakit pumayag siya na gawin ang Be Careful With My Heart?

Sabi ni Luis, “Fan kasi ako ng show. Iba ang chemistry nila.

“Sa totoo lang, nung ako ang nag-host sa trade presentation noon, e, parang medyo hindi ako solve sa idea na pagsamahin sina Jodi [Sta. Maria] at Richard Yap. Parang weird at hindi bagay, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung napanood ko na ang trailer, nakakabigla ang reaksiyon ko. Kinilabutan ako.

“Ang ganda pala at talagang napahanga ako.

“Kaya nang alukin nila ako, at tinanong ko ang sked ko kung kakayanin nila, kaya ko raw.

"Pero nagkataon na napaaga itong Minute To Win, dapat kasi nito mga third week pa.

“Kaya hindi ko talaga kakayanin. It’s either na ituloy ko ang show, or buhay ko na katapat nun.”

WILLIE REVILLAME. Malapit na ring umpisahan ang bagong noontime show ni Willie Revillame sa TV5, ang Wowowillie, at baka makasabay nito ang huling bahagi ng show ni Luis na Minute To Win It.

Ano ang masasabi ni Luis dito?

“Well, Tito Willie, noon pa, may relasyon kami outside and behind the cameras.

“Kumbaga, sa Wowowee, si Tito Willie, nung ako ang nag-host noon sa show niya, nagte-text ako sa kanya.

“Kumbaga, respeto ko sa kanya.

"Dapat nga, sa totoo lang, may gagawin kaming business with Tito Willie.”

Siyempre, hindi maiwasang magkaroon ng intrigahan sa mga show nilang dalawa?

Sabi ni Luis tungkol dito, “Sabi ko nga, si Tito Willie, pag binabanggit niya ako, kahit sa Willing Willie, it’s nothing but good words.

“Sinabi ko na sa kanya, na gusto ko na marinig niya mismo mula sa akin na baka magkakatapat ang mga show namin ngayon.

"Pero sabi niya, ‘Tumaas lalo ang respeto ko sa ’yo, Luis.’

“Sabi niya, ‘Thank you at ingatan mo ‘yan, napakagandang break sa ’yo ng ABS.’

“So, kahit magkatapat kami, suportado niya ako.”

POLITICS. Tinanong din ng PEP si Luis kung totoo nga bang Vice President na ang tatakbuhin ng kanyang ina na si Governor Vilma Santos sa 2016 elections.

Sagot niya, “Dati pa naman, ang dami nang nangungumbinsi kay Mommy.

“Mayor pa lang siya noon, marami na ang may gustong tumakbo siyang senador or vice president.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But my mom said na gusto pa rin niyang tapusin lahat ang mga inilaan niya for Batangas.

“So, priority talaga niya is Batangas—not a national post.”

Si Luis ba ay may plano ring pasukin ang pulitika?

“Hindi ko pa alam.

“Sa totoo lang, nung last filing nga ng candidacy, may mga naghihintay sa akin doon.

“May mga nag-text pa nga sa akin, kung bakit wala ako doon sa filing.

“Pero sabi ko nga, if I feel something new to give, I’ll be there. If not, ayoko muna.

"Nung student pa lang ako, maraming nagtatanong sa akin kung mag-aartista ba raw ako.

“Sabi ko, ‘I don’t know.’ Pero nandito na ako ngayon.

“So, the same with politics—hindi ko alam.

“I might be there mga next years, or hindi.

“Kumbaga, unfair naman sa mga naniniwala sa ‘yo kung hindi mo kayang ibigay ang atensiyon mo.

“I mean, kung nasa politics na ako, dapat may mga i-give up ako.”



EDU MANZANO. Last Christmas ay nagkasama ang ama niyang si Edu Manzano at ang lahat ng mga kapatid niya sa Hawaii. Hindi raw nakasama si Luis dahil nagkataong may sakit daw siya ng mga panahon na yun.

Pero kumusta naman ang lovelife ng daddy niya?

Sabi ni Luis, “Well, sa edad niya, ayokong pakialamanan ang lovelife niya.

“Sa edad niyang yun, hayaan na lang siya, kung anong gusto niya sa buhay niya.”

Wala pa bang ipinakikilalang bagong girlfiend sa kanya ang ama?

“Well, in fairness kay Daddy, wala pa naman.

“Basta ako, hinayaan ko siya, in matters of his heart.

"Siya ang bahala sa bagay na ’yan. Hindi ko na dapat pakialamanan.

“Bahala na siya diyan!" natatawang sabi ni Luis.

May balitang nanliligaw raw si Edu ngayon kay Dra. Vicki Belo? Totoo ba ito?

“No idea, baka tsismis lang yun," maikling tugon ng TV host-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN