Richard Gutierrez on rumored pregnancy of girlfriend Sarah Lahbati: “It’s not true.”

“Marami ngang tsismis na umiikut-ikot ngayon and ayaw ko na siyang pansinin at ayaw ko na palakihin ang mga ganyang isyu na di naman dapat pinag-uusapan. So, huwag muna nating pag-usapan,” pleads Richard Gutierrez to stop the rumors about his girlfriend Sarah Lahbati.


Naging mas bukas sa pagsagot si Richard Gutierrez sa mga tanong tungkol sa girlfriend niyang si Sarah Lahbati sa press conference ng pelikula nilang Seduction kagabi, January 18.

Ilang araw na rin ang nakalilipas nang kumpirmahin mismo ng nanay at talent manager ni Richard na si Annabelle Rama ang pag-alis ni Sarah sa bansa patungong Switzerland.

(CLICK HERE to read related article.)

Pag-amin ni Richard, “Siyempre, nami-miss ko siya kasi nga she’s part of the movie and we’re supposed to be promoting this together, enjoying the process of promoting.

“Nakakalungkot, pero ganun talaga ang sitwasyon ngayon, hindi na natin mababago ‘yon.

“Alam naman niya ‘yon. Alam ko rin na happy siya ngayon.

“She’s happy she’s with her family and spending quality time with them, she’s able to unwind and relax.”

Dahil dito, hindi makakasama ni Richard si Sarah sa kanyang darating na ika-29 na kaarawan sa January 21.

“Pero na-greet na niya ako ng advance happy birthday kasi baka mahirapan ang communication namin in the next few days

“She greeted me happy birthday already. Sana nga nandito pa siya sa birthday ko, pero okay lang.

“I mean, siyempre, kapag nagtiyaga ka nang ganyan, kapag pinaghirapan ang relationship, it pays off naman.

"So, konting tiis na lang.

“Pero kasama ko naman yung family ko, kasama ko naman yung mga kaibigan ko, at simpleng celebration lang ang gagawin namin.”

Kahit magkalayo, sabi ni Richard, patuloy pa rin naman ang komunikasyon nila ng kanyang 19-year-old girlfriend.

“Marami namang ways of communication ngayon, e—that helps. Technology helps a lot,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Richard, kung magkakaroon ng pagkakataon ay bibisitahin din niya si Sarah sa Switzerland.



ON RUMORED PREGNANCY. Nagsalita na rin si Richard sa mga usap-usapan tungkol sa kanyang girlfriend.

Isa sa naging matunog na bali-balita ay ang buntis diumano si Sarah kaya umalis ito sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa lamang si Richard nang marinig ito at sinabing, “Actually, right now, I don’t see a point why it became a big deal.

“Parang may nagkalat na lang bigla and, all of a sudden, people are asking me like that.”

Para sa aktor, hindi na niya pinapansin ang ganitong balita lalo pa’t hindi raw ito totoo.

“Wala namang pag-usapan dapat na ganun, e. Walang dapat pag-usapan na ganun.”

Sa pag-alis ni Sarah, may kumalat din na usap-usapan na halata na diumano ang baby bump ng dalaga.

“’Yon nga, e, may konting gusot lang!” natatawang sabi ni Richard.

“Hindi nga [malaki ang tiyan]. Hindi ko nga alam kung bakit nila kinakalat yung ganyan.

“I think, dahil kumalat ang ganyan, people became [curious] about it, pero wala naman.”

Nakiusap din si Richard sa mga miyembro ng press na huwag nang pag-usapan ang isyung ito.

“Marami ngang tsismis na umiikut-ikot ngayon and ayaw ko na siyang pansinin, at ayaw ko na palakihin ang mga ganyang isyu na di naman dapat pinag-uusapan.

"So, huwag muna nating pag-usapan.”

Pagdating naman sa isyu sa pagitan ni Sarah at ng GMA-7, umaasa si Richard na maayos pa ang lahat.

“Sana nga naagapan, nagawan ng paraan, at naayos.

“Pero even before this thing exploded, we tried fixing it.

“Sana lang naayos lahat, pero hindi, e, so we have to live by that.

“Hopefully, maayos pa ang lahat,” pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN