Edu Manzano on his decision to quit acting for good: “I have other things to do in my life.”

Edu Manzano on why he isn’t encouraging his son Lucky to join politics: “Kasi, gagamitin ka lang kapag popular ka. Let’s admit it. Kung hindi siya popular, wala namang mag-eengganyo sa kanyang tumakbo.”


Ang Kapatid star na si Edu Manzano ang isa sa mga nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Go5! trade launch ng TV5 noong Martes ng gabi, January 15.

Dito inilunsad ng TV5 ang mga bago nilang mga programa na dapat abangan sa unang quarter ng 2013.

Si Edu ay isa sa mga nag-host ng nasabing trade launch.

Pagkatapos ng programang inihanda ng TV5 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World, nagkaroon ng party sa Opus Bar. Isa si Edu sa mga pumunta rito bago tuluyang umuwi.

Ayon kay Edu, mahigit isang taon na rin siyang Kapatid.

“It’s exciting!" bulalas ni Edu.

“It’s different kasi when you start from a station who’s coming from behind.

“Kasi, sabi nga nila, akala nila noon, there’s no room for a third station.

"E, ngayon na umaangat na ang rating, it’s exciting... kasi, kasama ka do’n sa pagbabago.

“And we hope, kahit papaano, we’ll be able to make a difference.

"Kasi, at the end of the day, mas maraming competition... ang makikinabang, yung consumers, e.”

Tatlong taon daw ang pinirmahan niyang exclusive contract sa TV5.

Nagbiro naman si Edu na, “Pero kanina, kinausap ako ni Mr. Pangilinan [Manny V. Pangilinan] kanina na, ’Edu, can you sign another five years, then after that, ikaw na ang mag-share ng PLDT?’

“Sabi ko, ’Pag-iisipan ko. Busy ako, e... ang dami kong inaasikaso ngayon.’”

Pero tumawa ito at nagbibiro nga lang daw siya.

Paano nga kung alukin siyang muling pumirma ng eksklusibong kontrata?

“You know what, I’m not a techie," mabilis niyang pag-amin.

“Kaya lang ako napilitang ipakilala ko ang sarili ko sa teknolohiya, kasi, eventually, nandiyan na rin ang tinatawag nilang convergence platform.

“Halimbawa, sa isang tabi, may computer ka, may cable TV... yun na ang magiging screen mo and then, you can pay your bills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede kang mag-bangko sa TV mo.

“Doon ako excited, kasi nakikita ko sa lahat ng kumpanya o sabihin natin na broadcasting company... no one has as many segments of society as TV5.”

Ini-enumerate nga ni Edu ang ilan sa negosyo ni MVP tulad ng North Expressway at iba pa.

“Siyempre, you will have to find a way kung saan puwedeng i-converge ang lahat ng ito para maging accessible... at the same time, beneficial doon sa consumers.”

Kung sakali, pipirma ba siyang muli sa TV5 kapag nagtapos na ang kontrata niya?

“Alam ninyo, alam naman natin ‘to... huwag na tayong magkunwari.

“The broadcast industry is just like any business.

“It has to grow kasi meron silang shareholders kaya tigilan na natin itong paniniwala na ang industriya ng telebisyon ay personal.

“Hindi, meron mga kasosyo at lahat sila, humihingi ng return of investment.

“So, that is the job of the people and the management... to find a way para maging kapaki-pakinabang ang return of investment sa istasyon.”

MORNING SHOW. Sa isang banda, kung nagsimula si Edu sa Game ‘N Go na napapanood tuwing Linggo ng tanghali, makakasama na rin siya sa morning show ng TV5 na Good Morning Club.

Ano ba ang nag-udyok sa kanya para muling mapapayag na mag-morning show ng TV5?

“I’ve always liked the morning show,” sabi niya.

“You know, the morning show, iba ang disiplina noon.

"Kasi ako naman, nagigising ako ng 4:30 every day, kasi tumatakbo ako.

“But now, since I have a morning show at 5 a.m., gumigising ako ng 3:30... although it’s not a big adjustment to me... kasi one hour lang.”

Kung dati raw ay alas-dose ng madaling-araw siya natutulog, ngayon daw, pinipilit niya na alas-diyes pa lang ng gabi, tulog na siya.

LEAVING ACTING FOR GOOD? Bukod sa pagiging host, mas una naman talagang nakilala si Edu sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natigil na nga lang ito nang sumubok din siyang tumakbo noong nakaraang eleksiyon bilang Bise-Presidente ng bansa.

Ngayong dalawa na ang programa niya sa TV5, wala ba siyang planong balikan din ang pag-arte?

“Ayoko na!” mabilis niyang sagot nang natatawa.

Sabi rin niya, “I’ve quit in 2004... ayoko na.”

Bakit ang laki ng pagtanggi na niya sa acting?

“Number one, iba na ang oras.

“You know, kahit sabihin nila na dalawa o tatlong araw lang mag-shooting sa loob ng isang linggo... pero sa tindi ng puyat, kinabukasan, hindi ka na makakabangon, e.

“I have other things to do in my life.”

Dugtong pa niya, “Iba na ang buhay ngayon.

“The young kids are the ones in front... kami na mga seniors, naka-support na lang.

“Yung mga kasabay ko noon, hanggang support na lang.”

Isa ba yun sa dahilan kung bakit ayaw na niyang umarte pa?

“No, support ka... tapos nagpupuyat ka?” tanong niya.

Paano kung may limitasyon lang siya sa oras na ibibigay sa produksiyon?

“Hindi rin nasusunod yun,” sabi niya.

“You have to understand, ang ginagawa natin, yung pagti-taping, it’s all a business.

“You know, gusto mong kumita ng profit ang iyong producer, kailangan mong babaan ang cost.

“So, kung hindi ka rin sasakay, mahihirapan silang kumita.”

Sa mga salita niya, wala na talaga siyang nakikitang posibleng makapagkumbinsi sa kanya kung sakali na muling umarte sa harap ng kamera?

“A role... a movie,” bawi naman niya.

“But I have no regret. I’ve been away for eight years and I’m very, very happy.

“Plus, I’m enjoying my children more than ever.”

YES TO POLITICS? Dahil malapit na ang eleksiyon, wala na ba sa isip niya ang muling pagsabak dito para tumakbo sa anumang posisyon?

Ayon kay Edu, “No, I’m not running but, you know, we should start to choose kung sino naman talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming magagaling sa publicity riyan pero hindi naman talaga nagtatrabaho.

“I think, we should rally behind people whom we know... who can make a difference.

"I may not be running, pero meron akong mga pipiliin na dapat talagang suportahan.”

Dugtong pa niya, “Actually, to be honest, talagang hinahanap ko ang plataporma.

“Kahit sabihin mo na wala sa survey, pero kapag nakita mong siya ay may magandang plataporma at ang track record niya ay nagpapakita na ganoon siya talaga... support.”

LUCKY IN POLITICS? Kinumusta rin ng PEP kay Edu ang anak nitong si Luis Manzano na mukhang nagpapakita rin ng interes na pasukin din ang mundo ng pulitika balang-araw.

Mabilis na sabi Edu, “No, kunwari lang ‘yan. May mga nagbibilog lang ng utak niya.”

Paano niya ito nasabi?

“Kasi, gagamitin ka lang kapag popular ka.

"Let’s admit it. Kung hindi siya popular, wala namang mag-eengganyo sa kanyang tumakbo.”

Kung siya ang tatanungin, hindi niya ie-encourage si Luis na pasukin ang pulitika?

“No, kasi it’s ridiculous,” saad pa niya.

“He has a good job. Wala siyang sinasaktan. Wala siyang kinakalaban.

“Kung ang anak ko ay hindi popular, walang mag-iimbita sa kanyang tumakbo.”

Napag-uusapan nila ni Luis ang mga bagay na ito?

“Yeah,” sabi niya. “I told him, ’Gagamitin ka lang.’

"Of course, we realize... they need faces, but let’s not limit ourselves sa mga manggagamit.”

Diretsahan naman namin itong tinanong kung “from experience” ang mga nagiging pahayag niya sa kung sakaling magka-interes nga ang anak na pasukin ang pulitika.

“No, I’m talking from a man who’s been able to look at it from above.

“Iba yung punto-de-vista ko, e. Nakita ko na ang lahat.

“Ayoko lang na magamit ang anak ko. Kasi, when he was studying, hindi ko siya pinag-showbiz until he turned eighteen.

“Kahit anong sabihin ninyo, tinira-tira ’ko ng media... wala kayong pakialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako ang nagbabayad ng pag-aaral niya.

"So, mine was to give him an education, a good foundation. So, at the end of the day, ako ang nagwagi.”

Sa huli, tinanong naman namin ito kung sa lovelife kaya ni Luis sa girlfriend na si Jennylyn Mercado ngayon, napag-uusapan din nila.

“Yun ang hindi pinag-uusapan,” tila birong pangwakas naman ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN