Georgina Wilson on having to choose between work and love life: "It’s very painful to say, but I’ll think of work first."

Georgina on her relationship with ex-boyfriend Richard Gutierrez: “Okay naman ang break-up and we never had any issue... and more than anything, naging close friend ko naman siya."


Ang Ginebra calendar girl na si Georgina Wilson ang nagsilbing isa sa mga host ng press conference para sa Ginebra San Miguel Ginuman Fest na ginanap sa Area05 Superclub sa Tomas Morato Ave., Quezon City noong Biyernes, January 11.

Nagpaunlak naman ng panayam si Georgina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng programa.

Ayon kay Georgina, ang nagdaang 2012 daw ang masasabi niyang pinaka-best year niya.

“For me, 2012 is my best year yet and I really have to be so grateful," bungad niya.

"I never thought anything like this could happen in my career and I’m very, very thankful.

"To all the fans, kahit hindi ako nasa TV, tweet sila nang tweet.

“You know, I really feel so loved by everyone and I think, ngayong 2013 naman, wala naman akong concrete na plan but I think, I’m ready to try new things.

"Katulad last year, wala akong pina-plano, pini-fill-out ko lang kung ano ang tama.”

FULL BLAST IN SHOWBIZ? Nang makausap nga namin si Georgina, may palagay kaming hindi magtatagal ay posibleng makumbinse na rin ito na tuluyang pasukin ang showbiz.

“I don’t know. Maybe not full blast in showbiz.

“You know, I just see any opportunity kung bagay sa akin at kung kaya kong gawin.

"And baka sa Ginuman Fest, I can sing a song kasi, mahilig din naman akong kumanta.”

Kung tutuusin, ang mga kaibigan niya na sina Solenn Heussaff at Isabelle Daza ay pawang mga nasa showbiz na at umaarte na.

Hindi ba siya minsan napapaisip na subukan na nga rin ito?

“Oo nga, e... but well, I don’t feel any pressure right now!” natatawang biro niya.

“Well, wala naman. I think, everybody has their own path.

"And pag yung mga friends mo may ginagawa, I think you have to find what suits you best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But yeah, I don’t have concrete plan. Now, I have a new endorsement and I’m very proud to represent the brand that we’re going to launch this first quarter.

"Plus, I still have things to do for all the existing contract, so, that’s a lot of work for me.”

Dugtong pa niya, “I also want to have ample time for every single project.

"Ayokong gawin na parang half-baked na parang pagod ako, hindi ko magawa ng tama. I think, everything will come at the right time.”

Ang tumatayong manager naman ni Georgina ay si Shirley Kwan.

Aminado si Georgina na may mga TV networks na raw talaga na nag-aalok sa kanya.

Aniya, “There have been offers, but I really like where I am right now.

"And nag-work siya for 2012 and I think, people also appreciate na hindi ako nasa TV all the time.

“Kasi, everytime na lumalabas ako sa TV, natutuwa ang mga tao, nae-excite.

“So, I think, I have to stay like that and choose the right venue for myself.

“That’s why if I have to see many people, I have to go to many festivals as much as possible and get to meet more people.”

Sa mga ginagawa pa lang daw niyang mga TV commercials, umaarte na rin daw siya at natsa-challenge raw siyang talaga.

“Parang I’m so challenged like I have a new commercial that’s coming out this month.

“Parang I have to act a bit at parang na-challenge talaga ’ko.

“And like, before I’ll go to movies, teleserye or whatever, I need to practice,” giit niya.

Sa showbiz, maraming intriga.

Posible kayang isa ito sa dahilan niya?

“Well, kahit naman now, may konting intriga," amin ni Georgina.

“But yung personality ko naman parang... hindi siya ano—I don’t really get in too much trouble.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know. I don’t feel like I do.

“Mahirap talaga ang maging showbiz, aaminin ko ‘yan.”

EX-BF RICHARD. Si Georgina ang isa sa mga naipakilalang ex-girlfriend ni Richard Gutierrez.

Kaya kung sakali raw kaya, okay rito na makatrabaho ang dating boyfriend?

“Yes, of course," sabi niya.

“Okay naman ang break-up, and we never had any issue and more than anything, naging close friend ko naman siya.

“My best friend is his twin [Raymond Gutierrez], so paano namang hindi magiging close friend ko siya, di ba?”

Silang magkakaibigan daw, wala raw sila ng inggitan sa isa’t isa.

Kung okay man daw ang mga ito sa pinasok na showbiz career tulad ni Solenn, masaya raw siya para rito.

Naikuwento pa ni Georgina na pinanood daw niya ang Sosy Problems.

“Tawa ako ng tawa sa film. Na-shock ako,” sabi niya.

“’Yang mga ganyan, walang inggitan. Ganun talaga ang totoong friendship.”

Nabanggit na rin niya ang Sosy Problems at inamin din niyang dapat daw sana, kasama siya sa pelikula.

Sila raw kasi ang grupo na kung tawagin nga ay mga “It Girl,” o mga “sosy” nga.

NOT SOSY AT ALL? Kapag tinatawag silang sosy o coño, flattering ba yun sa pandinig niya?

“Well, I think, hindi nila kami kilala kung ganun ang sinasabi nila, yung sosy.

“Baka naman sa image, you know. Mahilig kami sa mga cute na bags, shoes.

“But when we’re all together, walang sosi-sosihan. Walang katulad sa movie, promise.”

Hindi siya naka-relate sa isa sa cast ng movie?

“No, no,” natatawang sabi niya.

“I think, nakakalimutan ng tao na we’re really entitled... we have to work very, very hard.

“We choose to work very hard. What people see is, we can be like that.

“Pero, kami ng friends ko, we hardly get to see each other nga... kasi lahat may job.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, unang-una sa lahat is working girls kami at hindi katulad sa movie.”

At ayon pa kay Georgina, bukod sa modeling, nag-aral din daw siya ng Business Accounting and Finance at may ilang business din siya.

Sa katunayan, may mga ibang kumpanya raw na sa kanya nagsi-seek ng advice.

LOVELIFE. Hindi lang ang career ni Georgina ang masasabing blooming dahil tatlong taon na rin daw ang relasyon nila ni Borgy Manotoc.

Ano ang sikreto at nagtatagal ang relasyon nila?

“Nagso-sorry siya palagi,” natatawang sabi niya.

Pag-amin naman niya, “I think very spoiled and the best for long-lasting relationship is patience. Patience talaga.”

Wala pa ba sa plano nila ang mag-settle down?

“Well, I don’t think I see it right now. I really have so many more plans.

"You know, before I settle down, I want to feel very fulfilled. There are some women who want to get married early on their 20s.

“Never kong nakita yan in my life and the first thing I thought, with work and lovelife and I think, it’s very painful to say, but I’ll think of work first.

“I’ve been lucky in love so, I can say that,” pagpapasalamat niya.

Hindi pa naman nagpo-propose si Borgy?

“Hindi pa naman and I think, he knows that I am more focused with building a foundation and a life... then get married kapag ready na.”

Sa Ginuman Fest, bilang Ginebra calendar girl, siya ang madalas na pupunta sa iba’t-ibang Ginuman Fest sa iba’t-ibang lugar na magsisimula na nga ngayong January 19 sa Plazuela sa Tarlac City.

At dahil “ginuman” ito, siguradong halos mga lalaki ang nandito.

Naitanong tuloy namin sa kanya kung may pagkakataon na sa mga ganoong okasyon, may tila nag-take advantage na ba sa kanya o nakaramdam siya na parang nabastos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, wala and very thankful ako now na dahil hindi pa nangyari, na-bring-up mo and na-realize ko kung gaano kahirap nga yun.

“Hindi pa nangyari and sana, hindi mangyari.

“Pero lahat ng mga fans ko na nag-a-approach sa akin for pictures, lahat very polite.

“Hindi sila aggressive and I always take pictures with them.”

COVER GIRL. Bilang calendar girl, sa Rogue Magazine pa lang daw siya nakakapag-cover shoot.

Posible rin kaya sa isa pang men’s magazine tulad ng FHM?

“Well, Rouge naman kasi is not really a men’s magazine.”

Kung alukin siya ng FHM?

“I don’t think it’s in my book right now. I think, sagad na yung Esquire [Philippines]. Sagad na yun.

“But Marian [Rivera] cover is very beautiful this month.”

Kapag may sexy pictorial siya, hindi ba nagiging isyu yun sa kanila ni Borgy?

“No, no, very open-minded siya. And I think, that’s part of a great relationship, yung respect.

“Nirerespeto niya ang buhay ko, ang career ko. And if I wanna share with him, ise-share ko.

“Katulad ng calendar girl, nag-a-ask ang press if okay kay Borgy.

“Hindi ko na-share and happy lang siya that I’m with Ginebra.”

GETTING TO KNOW GEORGINA. Sa huli, tinanong naman namin siya kung paano naman niya ipapakilala ang sarili, lalo na sa mga hindi pa talaga siya kilala.

Ayon naman kay Georgina, “I’m very driven.... goal-driven.

“I’m very ambitious, I’m very sensitive, I can be really corky na parang ang weird, hindi nage-get ang humor, I love to eat, mahilig talaga kong kumain.

“And I think, very hardworking.... yun talaga, maging sa school at pati sa work... and I would say, loving... generous. I have very few friends na close and when I love somebody, talagang all-out talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN