Sophie Albert on her first soap, Never Say Goodbye: “Parang hindi mate-take ng heart ko kung we‘re working so hard tapos hindi maganda yung feedback."

When asked whether her veteran co-actors guide her in doing scenes,Sophie Albert said, "Always naman. Like, si Cesar, parang... kasi I’m never aware of the camera. Kasi siyempre, I don’t know pa, I really don’t know pa what I’m doing. So siya talaga, lagi niya ‘kong hinihila. Alam ko na. Pag hihilahin niya ’ko, alam ko na, mali na naman ako. Ganun. So at least they’re guiding me na hindi nila ‘ko pinapah


Unang sabak sa drama ni Sophie Albert ang Never Say Goodbye matapos niyang manalo bilang grand winner ng reality-based artista search ng TV5 na Artista Academy.

Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press ang set ng pinakabagong handog ng TV5 noong January 13, sa The Manor Hotel, Camp John Hay, Baguio City.

Sa February 11 na ieere ang Never Say Goodbye sa primetime slot ng TV5.

Ibinahagi ni Sophie kung alin sa mga nagawa na niyang eksena ang paborito niya.

Kuwento niya, “Siguro yung napalabas dun sa trailer na, yung confrontation namin ni Ms. Alice Dixson.

“Siguro yun yung favorite ko, kasi yun yung first heavy scene na ginawa namin for the show.

“And I had no expectations for myself, talagang wala.

"So dun, I was happy na atleast, medyo nagawa ko siya nang tama.”

Ngunit habang tumatagal ay lalo raw tsina-challenge ni Sophie ang sarili niya sa pag-arte.

Sabi niya, “But now, parang mas tumataas yung expectations ko sa sarili ko.

“So every time I watch it, parang, ‘Uh, pangit.’ Parang I’m always seeing what I’m doing wrong.”

Inilahad din ni Sophie kung paano niyang pinaghandaan ang nasabing eksena.

“Nagmukmok ako dun sa gilid!

“Talagang ang tagal na, I was thinking na kawawa naman ako, ganyan, ganyan. As in kinawawa ko talaga yung sarili ko.

“Tapos yun, nung nandun na, nadala na lang rin ako, kasi kasama ko si Cesar Montano at Alice Dixson.

"So, imposibleng hindi ka madadala sa kanilang dalawa.”

Dagdag pa ni Sophie, lagi siyang inaalalayan sa eksena ng mga katrabahong beteranong aktor.

Wika niya, “Always naman. Like, si Cesar, parang... kasi I’m never aware of the camera.

“Kasi siyempre, I don’t know pa, I really don’t know pa what I’m doing.

“So, siya talaga, lagi niya ‘kong hinihila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko na. Pag hihilahin niya ’ko, alam ko na, mali na naman ako. Ganun.

“So at least they’re guiding me na hindi nila ‘ko pinapahiya. Or di ba, siyempre sometimes, pag bago, pinapagtripan. Nothing like that at all.

“So I’m happy na sila-sila yung nakasama ko dito. They’re so nice, grabe!

"Not to be showbiz or plastic but they’re really nice people.”

Sa tingin niya ba ay magiging maganda ang feedback ng mga manonood sa kanilang teleserye?

Sagot ni Sophie, “Sana. Sana kasi it’s our first show and feeling ko, hindi ko mate-take kung…

“Parang hindi mate-take ng heart ko kung we‘re working so hard tapos hindi maganda yung feedback.

“Pero I think kasi, the story is really nice. Cast pa lang, bigatin na, lahat award-winning—Edgar, Cesar Montano, Ms. Nora Aunor...

"So, sana, sana it becomes a good show.”



SHOWBIZ CONNECTIONS. Marami ang nagulat nang aminin ni Sophie bago pa ang finals ng Artista Academy na kamag-anak niya ang mga Cojuangco.

Bukod pa nga dito ay pinsang-buo rin niya ang aktres na si Tanya Garcia dahil magkapatid ang tatay nito at ang kanyang ina.

Bakit nga ba pinili ni Sophie na huwag i-reveal ang kanyang mga koneksiyon noong nagsisimula pa lamang ang Artista Academy?

Aniya, “Parang they always ask me that. Hindi naman sa hindi ko siya... parang it’s not na I kept it a secret.

“Siguro, hindi ko lang siya ginamit kasi parang ang daming nega na puwedeng mangyari kung early on, sabihin ko or gamitin kong... gumamit ako ng kahit isang connection.

“Parang I also wanted kasi... siyempre hindi ko sinabi sa mommy ko.

"So I wanted to show her na kaya ko ‘to, kaya ko ‘to.

“So I didn’t... hindi ako nagtawag. As in, nung auditions nung AA, talagang I lined up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Sophie, marami rin siyang pinagdaanan bago makapasok sa Artista Academy.

“I lined up talaga, nandun ako sa pinakataas, sa bleachers talaga ng AA [Artista Academy].

"So it was such an experience na, lumabas pa ’ko, sumingit pa ’ko.

“Kasi I thought na hindi na ako masasalang kasi it was so late na, andun na pa ako sa tuktok.

“So niloko ko pa yung guard na magsi-CR ako, sumingit pa ako sa line para lang mapasok ako dun sa line.

“Tapos nung nag top-75, hindi pa ‘ko na make-up-an. Kasi I went out.

"So yung hair ko, tinali ko na lang kasi sabog talaga. And then, wala ‘kong make-up or anything.

“Parang, I was sick. I didn’t know na makakapasok ako kasi, yun nga, yun nga yung napagdaanan ko. Sobrang grabe.

"So parang when I look back, talagang swerte.”

Naniniwala raw si Sophie na ang pagkakapasok niya sa showbiz ay “meant to be.”

Aniya, “I feel na everything happened na… when I finally I said na I want to enter showbiz, biglang nagka-AA.

“Tapos napasok ako.

"Tapos, parang I felt like that time, during AA, parang everything was happening for me.

“I was that positive, na everything’s gonna happen for me na whether I win or lose, I’m in it na, e. I got in, so there’s something... there’s something for me here.

“And, ayun, now it’s going well. Sana forever siya na maging ganito.”

Ngayong tuluyan na siyang nakapasok sa showbiz, ano naman ang mga pinakamahalagang bagay na natutunan niya so far?

Sagot ni Sophie, “Siguro, just keep staying true to myself.

"Kasi early pa lang in AA, I already encountered people na trying to change you rin, experiences na will change me na…

“Siyempre, there are people na aren’t so nice, there are people that are really nice, there are people that are plastik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang I learned na I’ll just be myself na hindi ako papayag na may mga taong magta-try na i-change ako.

“And I learned na, parang if you’re true to yourself, wala, they can’t say anything na, e.

“Kasi hindi nila ‘ko puwedeng sabihan ng plastic, hindi nila ‘ko puwedeng sabihan na ganito, ganyan.

"So what I feel, that’s what I do.

“So, there. That’s how I wanna stay, sana, for good.

BOOK TO MOVIE ADAPTATION. Dahil sa kabi-kabila ang kanilang shows sa TV5, mukhang hindi pa raw kakayanin ng schedule ni Sophie at ng ka-loveteam niyang si Vin Abrenica na makagawa ng pelikula sa ngayon.

Paliwanag ni Sophie, “I’m not sure yet kung ano yung plans nila. ‘Cause there are a lot of plans but I don’t know what’s final pa.

"So for now, tutok talaga sa Never Say Goodbye.”

Nabanggit ni Sophie na mahilig siyang magbasa ng libro. Kung siya ang papipiliin, anong paborito niyang romance novel ang gusto niyang isapelikula at isabuhay ang karakter?

“Nagawa na siya, e. A Walk to Remember, that’s talagang my favorite book na pag wala nang…

“Well, before kasi, hindi puwedeng may week na wala akong mabasang book. As in every week, I have one new book.

“So pag nawawalan ako ng book, lagi akong bumabalik sa A Walk to Remember and then umiiyak pa din ako.

“Yung ganun ka… I love the story talaga. It’s different kasi from the movie also, yung book. So, yun.

"Siguro if I have a chance to play a book, yun, A Walk to Remember.”

Naikuwento rin ni Sophie na ang Fifty Shades of Grey ni E.L. James ang huling librong nabasa niya.

Kahit daw isa itong erotic novel ay nagustuhan daw niya ito dahil, “It’s a nice love story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang gaganap sa karakter na Anastasia Steele sa librong ito, sino naman ang gusto niyang gumanap na Christian Grey?

Nagdalawang-isip na sumagot si Sophie, “Grabe naman! Parang hindi ko kayang maging Anastasia.”

Ngunit kung gagawin itong “tamed-down” version ng nobela, sagot niya, “Siyempre, no other than Vin. I mean, not to be cliché, ‘cause he’s my loveteam.

“Pero syempre, I wanna be with someone comfortable, di ba?

“But then, no, I don’t think I can do Anastasia. Manonood na lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN