Ara Mina on possible reconciliation with sister Cristine Reyes: "Wala, e, wala na talaga akong nararamdaman."

Tila hindi na umaasa si Ara Mina na magkakabati pa sila ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes. Saad niya, “Hindi ko alam kung maibabalik pa yung dati. Hindi ko na kasi nararamdaman yung pagiging kapatid ko at ang pagiging kapatid niya sa akin. Mabuti pa nga ang ibang tao, mas nararamdaman ko pa ang pagiging ate mo. Ang weird ng feeling. Kapag ganun pala na sobrang mahal mo yung tao, kapag masaktan ka nang husto, hindi na pala kayang ibalik yung dati. Parang umaano na lang yu


Ipinarating na ni Ara Mina sa Department of Justice (DOJ) ang kasong libel na isinampa niya laban sa kapatid na si Cristine Reyes.

Ayon sa abugado ni Ara na si Atty. Enrique dela Cruz, wala pang naibabang desisyon ang Quezon City Prosecutor’s Office sa kasong isinampa ng aktres, pero ipinaabot na nila ito sa DOJ.

Naghihintay na lang daw sila ng sagot mula kay Cristine, at saka na nila malalaman kung aakyat ang kaso sa korte.

NOT HOPING FOR RECONCILIATION. Pero nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa premiere night ng Menor de Edad noong Miyerkules, January 16, makahulugan ang mga sagot nito tungkol sa kasong isinampa.

Sabi niya, “Wala, e, may mga tsismis, pero mahirap nang magsalita.

“Meron kaming nababalitaan na parang… mahirap lang sabihin, e. Kasi hindi pa pala malinis sa atin.”

Kaya naghihintay na lang daw si Ara sa payo ng abugado niya kung ano ang susunod na hakbang.

Sa ngayon ay ayaw nang umasa ni Ara na magkaayos pa sila ng kanyang kapatid.

Iba raw kasi ang sinasabi ng kapatid niya sa press sa ginagawa nito.

Hindi man lang daw ito nakaalalang bumati sa kanila nung nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Kung tatanungin si Ara ngayon sa tunay na nararamdaman sa kapatid, wala na raw talaga.

Pahayag niya, “Hindi ko alam kung maibabalik pa yung dati.

“Hindi ko na kasi nararamdaman yung pagiging kapatid ko at ang pagiging kapatid niya sa akin.

“Mabuti pa nga ang ibang tao, mas nararamdaman ko pa ang pagiging ate mo.

“Ang weird ng feeling. Kapag ganun pala na sobrang mahal mo yung tao, kapag masaktan ka nang husto, hindi na pala kayang ibalik yung dati.

“Parang umaano na lang yung salitang kapatid kami—yun na lang ang nag-uugnay.

“Wala, e, wala na talaga akong nararamdaman.

“Yung mga sinasabi niya sa akin, tumatak na sa akin na hindi ko maalis, na parang, all these years pala, parang ang feeling ko, hindi pala totoo ang ipinapakita niya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAYOR PATRICK MENESES. Hindi na rin itinatago ni Ara ang relasyon niya kay Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Hindi pa raw napapag-usapan ang kasal. Kaya nagulat na lang si Ara sa kumalat na balitang nagpakasal daw sila sa Hong Kong kamakailan lang.

“Ha? Bakit sa Hong Kong? Puwede ba sa Rome?” bulalas nito.

“That’s not true. Sumabay lang kami bakasyon sa brother niya at sa girlfriend ng brother niya. Parang yun na yung gift niya sa akin.”

Pagdating sa isyu ng kasal ay hindi pa raw nila napaplano ito sa ngayon.

“Hindi pa talaga.

“Feeling ko kasi, parang ayaw niya munang pag-usapan, baka mawala yung element of surprise.

“Feeling ko lang, ha?

“Pero okay kami. Parang tahimik lang siya pag may nagbibiro sa amin,” sabi ni Ara.

Hindi rin daw sila engaged, pero handa na si Ara na malagay sa tahimik. At kung si Mayor Meneses na nga ito, bahala na raw ang Diyos.

“May mga bagay lang kami na kailangang asikasuhin, at siya na rin.

“Ayoko naman isipin na kung may mangyaring kasalan ngayon, baka sabihin pa ginagamit lang for election,” saad ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN