Coco Martin on replacing Piolo Pascual in two endorsements: "Siguro nagkataon lang..."

Ito ang pahayag ni Coco Martin nang tanungin kung hindi ba siya napapagod sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho: “Actually, yung katawan ko napapagod, pero yung puso’t isip ko, hindi. Kasi sabi ko nga, matagal ko nang hinihintay ‘to, e. Kumbaga, hindi naman ibinibigay sa lahat ng tao ang mga pagkakataong ito. Kaya sabi ko, iga-grab ko yung mga opportunity na meron, papangalagaan ko. Kasi one of these days, mawawala ‘to."


“Finally, he’s home.”

Ito ang mga katagang binitawan ng mga taga-Max’s Restaurant last Tuesday, January 15, sa presscon nila kung saan pormal nang nagkaroon ng ceremonial turnover ng “fried chicken” mula sa management papunta sa Kapamilya actor.

Nagtrabaho pala si Coco sa Fairview branch ng naturang restaurant noong 2001.

Ngunit nag-AWOL (absence without official leave) ang aktor dahil naging busy siya sa rehearsal at workshop sa ABS-CBN dahil nakatakda sana siyang ilunsad bilang miyembro ng Star Magic Circle Batch 8, kasabay ang ngayo’y Kapuso talent nang si Heart Evangelista.

Hindi natuloy ang paglunsad sa kanya dahil hindi na siya sumipot sa mga huling araw ng training at mas pinili na lang daw ni Coco na tapusin ang kanyang pag-aaral that time.



FRUITS OF LABOR. Sa mga tinatamasang tagumpay ni Coco ngayon, sinasabi niyang lahat ng ito ay kanyang ipinagdasal sa Panginoon.

Sabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre, ito na yung fruits ng mga pinaghirapan ko.

“Sabi ko kasi, alam ko, from the start, pamilya yung naging sandigan ko.

“At siyempre, parang well-guided ako ng family ko at tinuruan ako ng family ko na parang, siyempre, kilalanin ang Diyos.

"Kasi siyempre, lahat naman ng ito ay galing sa Kanya.

“At ang mga ito ay hindi naman parang inabot lang.

“Kumbaga, ipinagdasal mo ‘to sa Kanya at may dahilan naman Siya kung bakit lahat ng ito ay ibinigay sa ‘yo.”

Paano nga ba niya ipinagdadasal ang mga gusto niyang makamit?

Seryosong tugon ni Coco, “Siyempre, kinakausap ko lang Siya bilang kaibigan.

"Nagpapasalamat ako, humihingi ako ng tulong sa mga pinagdadaanan ko, problema. Tapos i-guide ako at ang family ko.”



FROM PIOLO TO COCO. Marami ang nakapansin na dalawa na sa iniendorso dati ng kapwa Kapamilya actor ni Coco na si Piolo Pascual ay napunta sa kanya.

Una na rito ay ang endorsement ni Piolo sa isang bangko na ngayon ay si Coco na ang nag-eendorso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangalawa nga ang Max’s Restaurant kung saan pitong taong si Piolo ang naging endorser.

Pero ayon sa isang “restaurant insider,” sa ginawa nilang survey kung sino nga ba ang puwedeng maging susunod na mukha ng kanilang resto, pangalan daw ni Coco ang nanguna.

Katatapos lang din daw ng kontrata ni Piolo sa kanila.

Diretsong tinanong ng PEP si Coco kung ano sa palagay niya ang dahilan ng mga adverstisers kung bakit parang napunta sa kanya ang dalawang endorsement ni Piolo.

Nahirapang sumagot si Coco, pero nakangiti nitong tugon, “Yun naman, o! Hindi… hindi, hindi.

“Hindi, hindi… siguro nagkataon lang… nagkataon lang na, yun nga, kasi kumbaga, malaking…

“Sabi ko nga kanina, dating nagtrabaho ako sa Max’s kaya siguro napalapit ako sa Max.”

GRAB ALL OPPORTUNITIES WHILE HE CAN. Inusisa na rin si Coco kung paano niya naha-handle lahat ng daming trabahong napunta sa kanya.

Sabi ni Coco, “Actually, yung katawan ko napapagod, pero yung puso’t isip ko, hindi.

“Kasi sabi ko nga, matagal ko nang hinihintay ‘to, e.

“Kumbaga, hindi naman ibinibigay sa lahat ng tao ang mga pagkakataong ito.

“Kaya sabi ko, iga-grab ko yung mga opportunity na meron, papangalagaan ko. Kasi one of these days, mawawala ‘to.

“Gusto ko maiiwan ko sa mga nakatrabaho ko ang magandang alaala bilang katrabaho nila.”

Ano ang ginagawa niya kapag umaayaw na ang katawan mniya?

Sagot ng Juan dela Cruz star, “Sabi ko, honestly, sa Walang Hanggan, nagte-taping ako noon, ilang beses ako nag-collapse, e.

“Pero hindi naman ako puwede huminto, e.

“Pero kasi siyempre, pag huminto ako, dire-diretso pa rin yun, e.

“Kumbaga, hangga’t maaari, magpahinga lang ako kahit minsan may sakit ka.”

MIGRATE IN CANADA. Dati, may mga lumabas na balita na gusto na raw ni Coco mag-migrate sa Canada kapag hindi nito nakuha ang mga bagay na gustong makamtan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawa niyang sabi, “Dati, pangarap ko talaga.

“Sabi ko nga, lahat naman pangarap mag-abroad, mag-work.

“Kasi naghahanap talaga ako ng oportunidad, nagtrabaho ako dati ng nine months bilang janitor.

“Pero hindi ako nabigyan talaga ng pagkakataon na maayos yung working visa ko kaya napilitan akong bumalik sa Pilipinas.”

Dagdag pa niya, “Ngayon na nabibigyan ako ng pagkakataon na makapagtrabaho nang maayos, siyempre mas gusto ko dito sa bansa natin, kasi nandito ang pamilya ko.”

So sanay na siya ngayon na kapag hindi makuha ang isang bagay ay hindi na siya magmamaktol?

Nakatawang sagot ni Coco, “Sobra, kasi yung sa akin ngayon, sinasabi ko sa sarili ko na huwag mag-expect.

“Kasi kumbaga, hangga’t hindi mo pa ginagawa at wala pa sa harapan mo, kumbaga, okay ka lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN