Carmina Villarroel on one of the best things about being Mrs. Zoren Legaspi: “Dati, everytime we travel, ako yung left out... ako lang yung Villarroel. Ngayon we are one, we are family.”

Carmina recounts some of the adjustments that she had to make now that she’s married to Zoren: “Medyo napi-pressure na kailangan pala ibahin ko na ang signature ko... na di ko naman napa-practice pa with all my life, talagang Carmina Villarroel lang.


Kung maraming showbiz couples na naghiwalay noong nakaraang taon, isang relasyon naman ang pinagtibay ng matrimonya ng kasal pagkatapos ng labindalawang taong pagsasama.

Ito ay ang relasyong Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Marami ang naiyak, naiinggit at talaga namang kinilig nang ipalabas sa ABS-CBN ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Patunay lang daw ito na hindi lahat ng samahan ng mga showbiz couples ay marupok at madaling mabuwag gaya ng iniisip ng iba.

Sa nakaraang presscon ng May Isang Pangarap last January 17 sa Teatrino, Promenade ay agad na kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina tungkol sa pagiging legal ng pagsasama nila ni Zoren at ang pagiging Mrs. Legaspi niya sa ngayon.

“Ay, masaya! Happy... iba, e... iba," masaya niyang bungad.

“Misis na talaga... maybahay na, working mom. Very happy.

“May nabago? Oo... siguro mas ano... yung respect nandun... yung love humigit... na akala namin hindi na mahihigitan pa.

“Tapos, very cautious ka, very careful ka na sa mga gagawin mo, sa mga decisions mo.

MRS. LEGASPI. “Yung isa pa, pag nagsusulat ako ng signature, ay kailangan pala may Legaspi na.

“Medyo napi-pressure na kailangan pala ibahin ko na ang signature ko, na di ko naman napa-practice na with all my life, talagang Carmina Villarroel lang.

“Sa mga legal documents, ’Ay, Legaspi na pala ako!’

“Ever since naman, Legaspi na ang mga bata.

“Everytime we travel, ako yung left out, ako lang yung Villarroel.

“Ngayon we are one, we are family,” pagmamalaki niyang saad.

BABY NUMBER THREE? Lumaking cute at matatalinong bata ang mga anak nilang sina Cassy at Mavy. Wala pa bang balak ang mag-asawa na sundan pa ang mga ito?

“Oo nga, e... alam mo, ang sa amin, kung darating... darating.

“Pero we’re not really trying, pero di naman tinatanggal naman na magkaroon na ng anak uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If ever mabiyayaan, thank you.

“Kahit ano pa, kahit triplets pa... okay ako.

“Yung daughter kong si Cassy, vocal na gusto niyang magkaroon daw ng baby sister.

“Si Maverick okay lang daw na silang dalawa na lang,” kuwento niya.

BB GANDANGHARI. Hindi maiiwasan na tuwing may issue kay BB Gandanghari ay nahihingan pa rin ng reaksyon tungkol dito si Carmina.

Hiningan namin siya ng komento sa balitang balak na pagpapa-sex change ng dating asawa.

“Wala naman, kasi matagal na siyang natsitsismis," sabi ni Carmina.

“Di nga natin alam kung nangyari na ba o hindi.

“Basta ang lagi kong sinasabi... kung saan siya liligaya, dun naman ako.

“Ako kasi I’m just so happy with my life, wala na akong mahihiling pa sana ganun din siya.

“Well, I guess mas maganda, kasi ang nababalitaan ko sa ganyan, pag maga-undergo ka ng ganyang bagay, kailangan may psychological test.

“Tama yun na ginagawa niya yung proseso, para walang magiging effect sa kanya mentally.”

Isa sa mga di makatanggap sa maraming pagbabago ni BB ay ang kapatid nitong si Robin Padilla

At dahil sa kumpirmado na hanggang sa ngayon ay di pa nag-uusap ang dalawa, nandun ang hiling ni Carmina na sana ay magka-ayos at magbati na ang magkapatid.

“Hirap magkomento... kasi siyempre, hindi ko naman talaga alam kung ano ang pinagdadaanan niya bilang kapatid... kung ano ang reaksyon niya," dagdag ni Carmina.

“Ang sa akin lang, lahat kasi may purpose kung bakit nangyayari ang mga bagay, so I guess may purpose kung bakit nangyari yun sa kanya noon.

“I’m sure alam din naman niya yun, i-respect na lang natin.”

“Siyempre naman, gusto ko magkaayos sila, kasi like I’ve said... ako, I’m very happy with my life.

“Sana ganun din siya... ganun din ang pamilya nila kasi pag big family, masaya pag nagkakasundo kayo... magkakabati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana maayos na. Eventually, siguro in time... magkaka-ayos din sila.”

Ayon sa TV host/actress ay hindi pa rin sila nagkakausap ni BB hanggang sa ngayon.

“Hindi pa nga, e. “

JUST LIKE OLD TIMES. Gaganap si Carmina bilang isa sa mga nanay sa seryeng May Isang Pangarap.

Para kay Carmina, masaya siya’t naging bahagi na naman siya ng isang seryeng pinagbibidahan ng mga bata.

Malapit kasi ang puso niya sa ganitong role dahil nga isa na rin siyang ina.

Ganito rin ang tema ng huli niyang serye, ang Lorenzo’s Time.

“I’m very, very happy na naging parte na naman ako ng isang panibagong pambatang teleserye.

“Ang saya kasi very fresh. Parang nakikita ko ang sarili ko nung nagsisimula pa lang ako,” masaya niyang pagwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN