Isabel Oli relishes kontrabida role in new soap: "Imagine, walang iba kundi si Ms. Gloria Romero ang pagmamalditahan ko!"

Despite the heartbreaks that she faced last year, Isabel brims with optimism as she starts the new year with a newfound sense of peace and positivity. She is also busy with her three shows for GMA-7.


Natatawa na lang si Isabel Oli dahil lagi siyang hinihingan ng komento tungkol sa pagkakahiwalay nila Paolo Contis at Lian Paz.

Si Paolo kasi ay ex-boyfriend ni Isabel.

Nagkaroon sila ng relationship for three years bago pumasok sa eksena ang former EB Babes dancer na si Lian.

Pero noong September 2012 ay biglang naghiwalay na sila Paolo at Lian. Iniwan nga raw ni Paolo si Lian at ang dalawa nilang anak.

Sinabi ni Isabel na wala raw siyang puwedeng mai-comment sa nangyaring paghihiwalay nila Paolo at Lian dahil wala naman daw siyang pakialam sa anumang nangyari sa dalawa.

Naawa lang daw si Isabel kay Lian dahil dalawa nga ang mga anak nito kay Paolo at dasal lang niya na makaahon ito para sa mga bata.

“Alam naman ng lahat na after ng relasyon namin ni Paolo, hindi ko na siya pinag-usapan pa.

“Nagsalita lang ako minsan, then tapos na.

“Kasi nag-move on ako kaagad.

“Wala namang reason para maging malungkot ako ng matagal.

“Naawa lang ako sa mga anak nila. Sana lang maging maayos ang paglaki ng mga bata.

“Sana hindi sila ma-trauma sa nangyari sa parents nila,” diin ni Isabel nang makapanayam namin siya sa press launch ng afternoon drama series na Forever sa GMA Network Center.

Marami nga ang nagsasabi na mabuti na raw at hindi sila nagkatuluyan ni Paolo, kundi magiging problema pa niya ang mga issues ni Paolo.

May balita kasing marami raw utang si Paolo at naging bisyo raw nito ang pagsusugal.

“Noong kami naman ni Paolo, wala siyang mga ganyang issues, e," depensa niya.

“Nagulat lang ako sa mga balitang ‘yan. Sana di ’yan totoo, ‘di ba?

“Kung hindi man kami nagkatuluyan ni Paolo, maybe we weren’t meant to be talaga. Nasa plano na iyon ng Diyos para sa amin.”

Walang lovelife si Isabel ngayon at yung pagkaka-link niya kay James Yap ay natigil na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat naman at natapos na rin yun. Iniwan ko na nung 2012 ’yon!” sabay tawa niya.

“Pero magkaibigan pa rin naman kami ni James.

“Though hindi na kami nagkikita tulad dati... still, magkaibigan kami.

“Naging busy na rin ako which is good dahil maganda ang pasok ng 2013 for me.

“Maraming trabaho at sana ay tuluy-tuloy lang.”

BUSY WITH SHOWS. Kontrabida si Isabel sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Forever. Bukod diyan ay meron pa siyang Day-Off with Mike Nacua at Sports Pilipinas with Chito Trinidad sa GMA News TV.

“Yung Day-Off and Sports Pilipinas, last year ko pa siya ginawa. Natuwa nga ako kasi ako ang kinuha nila for those shows.

“Enjoy ako doing yung mga odd jobs sa Day-Off. Tapos, I’m very active din with sports kaya bumagay sa akin ‘yung Sports Pilipinas.

“The last series I did naman was Faithfully. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng teleserye. And ang ganda ng role ko kahit kontrabida.

WORKING WITH TITA GLO. “Imagine, walang iba kundi si Ms. Gloria Romero ang pagmamalditahan ko!

“At first, nahihiya ako kay Tita Glo. Kasi first time ko siyang makatrabaho. Kaya awkward ako sa mga eksena namin.

“Pero si Tita Glo na ang nagsabi na gawin ko ang trabaho ko ng tama at magiging maganda ang working relationship namin.

“Kaya ayun, naging okey na kami ni Tita Glo. Love ko ang role ko.

“Sabi ko nga na gawin pa nilang mas maldita para magmarka ako ng husto sa Forever,” ngiti pa ni Isabel.

HEARTBREAKS FROM 2012. Noong 2012 ay sobra ang mga naging pagsubok sa buhay ni Isabel. Sumakabilang-buhay ang kanyang amang si Jorge Tan So matapos ng ilang taong pakikipaglaban sa sakit na cerebral degeneration.

“That was the saddest part ng 2012 para sa aming lahat.

“We miss our dad. Last Christmas nga, first Pasko iyon na hindi na namin siya kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nag-pray na lang kaming lahat. Alam naming happy na si daddy wherever he is.”

Ninakawan din ang bahay ni Isabel ng kanilang kasambahay na nagngangalang Lorna Baliba.

Kabilang sa mga ninakaw sa bahay nila ay pera, mga alahas at ilang mamahaling gadgets na lahat-lahat ay nagkakahalagang P100,000.

“Hindi na rin namin nahuli yung nagnakaw sa amin. Pinasa-Diyos na lang namin siya.

“Sana ay nakatulong sa kanya yung mga ninakaw niya sa amin.

“Mga material things lang naman iyon. Ang importante ay naging maingat na kami sa pagpili ng kukunin naming kasambahay.”

Muli ngang na-heartbroken si Isabel last year nang maghiwalay sila ni Gab Valenciano matapos ng two months sa kanilang relasyon.

“Actually, kakasimula pa lang ng 2012 that time. Heart-broken kaagad ako. Mabuti na lang wala akong lovelife this time!” tawa pa niya.

“Like what I said, if it wasn’t meant to be, hindi talaga mangyayari.

“I have no communication with Gab after kaming maghiwalay. I hope he’s doing okay naman.

“Never naman akong nagtanim ng galit or spoke ill of anybody.

“Hindi kasi maganda ‘yon. Tama na yung nagalit ka minsan, hanggang doon na lang.”

Kaya gusto ngang bumawi ni Isabel sa taong ito na puro positive naman.

“Kahit na may lungkot noong nakaraang taon, unti-unti naman kaming naka-recover doon.

“Gusto ko ay puro positive lang.

“Lagi kong dasal na maging maayos na ang lahat sa buhay namin.

“Focus ako sa trabaho at wala na munang lovelife.

“Marami akong gustong ma-reach na goals. May bucket list nga ako at iniisa-isa kong lagyan ng check ang mga nagawa ko na.

“I want to do more and achieve more positive things in my life.

“But of course, sasamahan ko yan ng dasal because I can’t do it without God’s guidance,” pagtatapos pa ni Isabel Oli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN