Vina Morales starts dating again: “It’s really about time for me to move on. And it’s about time that I have to start thinking of myself, di ba?"

Hindi raw ipinagkakait ni Vina Morales na makita o bisitahin ng dati niyang karelasyon na si Cedric Lee ang kanilang anak. Pahayag ni Vina, “Actually, I never… never in my life na itatago ko yung anak ko sa tatay niya. Kasi unfair yun sa anak ko. I would never do that. Anytime pwede niyang bisitahin si Ceana.”


Balik na naman sa paggawa ng soap si Vina Morales sa bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang May Isang Pangarap, na magsisimula nang umere sa Lunes, Enero 21.

Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Nasaan Ka Elisa? noon pang 2011.

Ano ang naramdaman niya sa muli niyang pagsabak sa taping?

Tugon ni Vina, “Medyo ninenerbiyos kasi kakaiba naman talaga yung character ko sa Nasaan Ka Elisa? na ginampanan ko.

“So, this time, it’s something lighter and it’s for the kids.

“Actually, ang dami na nga ring nagte-text sa akin na talagang kino-congratulate ako, kasi it’s really a teleserye to look forward to.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa grand presscon ng May Isang Pangarap noong Enero 17 sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Ipinakikilala sa May Isang Pangarap ang dalawang batang bida na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base, na na-discover ng ABS-CBN sa nationwide talent search na Kapamilya Little Star na ginanap noong 2012.

Ayon kay Vina, nakaka-relate siya sa pinagdaanan ng dalawang bata dahil tulad nila ay nadiskubre rin siya sa pamamagitan ng pagsali niya sa singing contest sa Cebu noong bata pa siya.

“Naaalala ko nga pag nakikita ko yung mga eksena, parang I was in that position before.

“Nakaka-relate ako doon sa dalawang bata kasi they’re both singers, e, and then they were given a chance to do a soap opera—sa acting naman.

“To me, parang, ‘Wow, ganyan din ang nangyari sa akin noon.’

“Nanalo muna ako sa Cebu Pop Music Festival and then after that, na-discover ako ng Viva and I was given the chance to do movies and soap opera.”

FRIENDS WITH CARMINA. Kasama rin ni Vina sa teleserye si Carmina Villarroel.

Pag-amin nga ni Vina, sa tinagal-tagal nila sa industriya, ngayon pa lang daw sila magkakatrabaho sa isang teleserye at magkakasama nang matagal sa isang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng actress-singer, “Yes, it’s our first time… it’s been a long time.

“Kakaiba yung feeling because parang after so many years that we’ve worked together sa mga guestings, di ba?

“Like even with different channels, we worked together, pero mga guestings nga lang and mga shows na nagkakasama kami.

“But we never had the chance na talagang kaming dalawa to work together sa isang soap opera.

“This is the only chance na nabigyan kami ng opportunity ng ABS kaya we’re thankful na talagang natupad na rin.

“Excited kami.”

Hindi man daw sila madalas nagkakatrabaho, naging magkaibigan naman daw sila ni Carmina.

“Yes, we’re good friends. Wala naman kaming intriga niyan before.

“Magkakaibigan kami niyan… sina Gelli [de Belen], sina Donita [Rose], sina Donna [Cruz].

“Yun kay Donna lang, mga write-ups lang [ang rivalry]. Pero personal talaga, we’re really good friends.”

Panay nga raw ang kuwentuhan nila ni Carmina sa set. Ano naman ang madalas nilang pag-usapan?

“Usually, tungkol sa mga anak at saka lovelife!” natatawang sabi ni Vina.

LOVELIFE. Dahil nabanggit na ni Vina ang lovelife ay inusisa na siya ng PEP tungkol nga rito.

Sa presscon kasi ay natanong ang cast kung ano pa ang pangarap nilang gustong matupad.

Ang sagot ni Vina ay kasal. Sana nga raw ay maikasal pa rin siya.

Paglilinaw ni Vina sa kanyang naging sagot, “Pangarap ko iyon sa anak ko, hindi sa akin. Pero puwede na rin sa akin.”

May lovelife ba siya ngayon?

“Uso pa ba iyan? Parang napakamot na lang ako [ng ulo], e,” biro niya.

“Hindi ko nga alam. Mas masuwerte yata si Mina sa akin pagdating sa lovelife.

“Pero ako naman, I would say na masuwerte rin ako dahil I was given a chance to have a baby.

“So, para sa akin, I cannot compare kung anong happiness ang naibigay sa akin ng anak ko maski I’m not married, you know, I’m not with someone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not like Mina, she has a whole family with her.”

May bago na ba siyang manliligaw ngayon?

“Alam mo, meron na rin naman. Meron, pero hindi pa talaga ganun ka-serious.

“Ang sa akin kasi ngayon, mahirap na sabihing you’re dating, tapos sasabihin ko I’m seriously dating, pangit naman yun, tapos hindi naman pala magwo-work out.”

Inamin naman ni Vina na nasa dating status siya ngayon.

“Oo, nagde-date ako,” sabi niya.

“It’s really about time for me to move on. And it’s about time that I have to start thinking of myself, di ba?

“Kasi there was a time na hindi ko naiisip na mag-date o magkaroon ng serious relationship to anyone because nakatutok ako sa anak ko. Kasi pinapalaki kong mag-isa.

“I mean, even though the father is there, iba pa rin yung you have your own family.

“Sabi ko rin, one day, in God’s time, mangyayari rin sa akin yun.

“Kasi alam naman ng Diyos na yun din ang pinagpe-pray ko—and kailangan natin yun sa buhay.

“Kailangan natin yun, di ba, yung ma-inspire man lang?”

Sabi niya, nakikipag-date siya ngayon. Exclusively dating ba siya ngayon?

“I was and I will be dating again!” natatawang sabi ni Vina.

Taga-showbiz ba ang guy?

“Hindi, e.”

Okay lang ba sa kanya kung showbiz o non-showbiz ang guy?

“Kung meron mang dadating from the industry, why not?

“But for now kasi, most of the guys that I’m going out with… kasi ayoko naman nung exclusive, parang I want to know the person first.

“So, ngayon, steady lang. Karamihan sa kanila non-showbiz.”

SINGLE MOM. Ceana ang pangalan ng anak ni Vina sa businessman na si Cedric Lee. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nina Vina at Cedric.

Tatlong taon na si Ceana ngayon.

Sabi ni Vina, “I’m really proud that she’s doing well in school. Nasa pre-school na siya. Tapos biba rin siyang bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahirap daw talagang maging single mom.

“It’s so hard, ha, to be a single mom. It’s really hard.

“Sabi ko nga kay Mina, minsan nagtsitsikahan kami, ‘Mins, parang hirap magpalaki ng bata nang mag-isa.

“‘But you know, you’re so lucky that Zoren [Legaspi, Carmina’s husband] is there. And you are lucky that you have someone to share it with.’”

Nakikita pa ba ni Cedric si Ceana?

“Actually, I never… never in my life na itatago ko yung anak ko sa tatay niya.

“Kasi unfair yun sa anak ko. I would never do that.

“Anytime pwede niyang bisitahin si Ceana.”

Siya ba ay binibisita pa ni Cedric?

“Ay, hindi na, hindi na ako puwedeng bisitahin. Moving on na.”

Nagbibigay ba ng sustento si Cedric?

“I never asked. If he gives, then it’s fine. And he gives naman,” sagot ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN